Chapter 3

45K 1.4K 315
                                    

"Tired of sleeping
with a heavy heart."

WALANG kahirap hirap na naisakay niya ako sa kotse niya. Kung hindi lang ako nahihilo ay tumakbo na ako pababa but he get inside the car and automatically locked the door.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Shut up."

I took a deep breath. Mariin akong pumikit saka hinilot ang sentido ko. Hilong hilo ako punyeta.

"Seriously, Arion? Ano bang binabalak mo?"

Hindi siya sumagot. Binilisan niya ang takbo ng kotse niya. Isinandal ko ang ulo ko saka muling pumikit dahil lalo lamang akong nahihilo.

Bitin kasi ako sa alak! Ang balak ko, uminom ng uminom hanggang makatulog ako sa kalasingan but because of this guy, argh! Ramdam na ramdam ko tuloy ang hilo ko.

Nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan ay nagmulat ako ng mga mata. I looked outside and it looks familiar.

Umayos ako ng upo. "Is that my condo?"

Nakita ko ang building ng condo ko. Balak lang pala niya akong ihatid, sana hindi na lang! I wanted to drink more.

"Baba." Utos niya.

"What?"

"Baba."

I glared at him. "So, ano? Inihatid mo lang ako. What the hell, Arion!"

"What? Are you expecting more? Do you really want me to rape you, huh?"

Hindi sa nage-expect ako! I mean, sana hindi nalang niya ako dinala dito. Kaya nga hindi ako umuwi sa condo ko dahil gusto kong magpakalasing sa bar tapos iuuwi niya lang din ako.

"Ewan ko sa 'yo! Panira ka ng gabi. Next time, pwede h'wag mo akong pakikialamanan kahit makita mo pa ako kung saan. We don't owe each other. Ni hindi nga tayo close!"

Bumaba ako ng kotse niya. Padabog kong isinara ang pinto niyon. Bwisit siya! Kung hindi siya dumating sa bar kanina, baka malapit na akong makatulog sa kalasingan. E 'di sana hindi ko dinadamdam ang hilong 'to.

Sa halip na pumasok ng building ay tumayo ako sa gilid ng kalsada saka nag abang ng taxi. Sabi ko na, walang makakapigil sa akin. I don't want to go home na nasa matino pa akong pag-iisip. 

Pinara ko ang dumaang taxi pero may sakay iyon. Argh! Nasa bar pa naman ang kotse ko.

"What the fuck are you doing?"

Inirapan ko si Arion. "Paki mo? Umalis ka na, pwede?"

"Are you trying to go to the bar again? Tangina, kulit ng lahi mo."

Hinarap ko siya. "Mas makulit ang lahi mo! I can do whatever I want, right? You sent me home, okay na 'yun. You may go."

Hinila niya ako sa pulsuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ang direksyong tinatahak niya ay papasok sa building. How dare him!

"Ano ba! Ayoko ngang umuwi!"

"Ilang beses ka bang pinanganak? Ang kulit mo, putangina."

"E ikaw, sino ka ba ha? Sino ka ba para magdesisyon para sa akin? If I want to stay at the bar, I would stay! Hindi ko kailangan ng opinyon m─"

Nanlaki ang mga mata ko nang muli niya akong halikan. Napalunok ako. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa may leeg ko habang malalim akong hinahalikan.

Bumitaw siya saka nameywang sa harap ko. "What do you want?"

Hindi ko maintindihan kung bakit ume-epal siya sa buhay ko.

"What do I want? Stay at the bar and get wasted." Mahinahon kong sagot.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon