CHAPTER 8

88 11 4
                                    


Xavier’s POV

It’s 2am in the morning, and we are now heading to Zambales. Shooting ng isa sa mga movie na hawak ko. I don’t know where is the exact place yet but I’m sure na hotel ang punta namin. Hindi pa din kami ayos ni Lauren mula kagabi matapos naming mag usap hindi pa ulit kami nag uusap. Sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa byahe. 5am na ng magising ako ng maramdaman kong humihinto na ang sinasakyan namin. Nag papark na pala ng sasakyan ang driver.

“Direk, nandito na po tayo dinala na din po ng ibang staff ng hotel yung mga gamit sa kwarto niyo yung susi po paki kuha na lang po sa Lobby sa information desk”

“Okay thank you” agad naman akong bumaba dala ang mga personal kong gamit. Dumeretso ako sa lobby ng hotel ang ganda dito parang maliit na version ng isa sa mga sikat na hotel sa Italy.

“Good Morning Sir” bati sa akin ng guard sa may entrance ng hotel. Kaya tumango ako.

“Good Morning, can I get the key for room 512?” sabi ko sa receptionist ng makapasok ako.

“Yes Sir, ito na po enjoy your stay” inabot niya sa akin ang susi, dederetso na sana ako sa elevator ng biglang nag ring ang phone ko. Isa sa mga head directors tumatawag.

“Yes Sir?” pag kasagot ko sa cellphone ko.

“10am at the lobby tell everyone to be on time para matapos natin ng maaga ang shooting dito so we can enjoy the rest of the day”

“Okay Sir, thank you I’ll inform everyone right away”

“Okay bye” at binaba na neto ang tawag. Mag sisix am pa lang may oras pa ko para makatulog. Pumasok ako sa elevator. Nang maka baba ako dumeretso ako sa kwarto ko.

“iidlip muna siguro ako” agad akong humiga, kinuha ko ang cellphone ko at nag alarm.

Nagising ako ng mag alarm ang cellphone ko. Nagugutom na din ako tumayo ako at dumeretso sa may telepono. Tumawag ako sa hotel resto para umorder ng pagkain. Pag katapos nun ay nag shower ako saglit para mag prepare na rin for shooting. Ilang minuto pa may kumatok na sa pinto. Inayos ko naman ang buhok ko at agad itong binuksan.

“Good M--- Love?” agad ko namang niyakap si Lauren.

“Love, Sorry namiss kita” kinuha ko naman sa kanya ang cart ng pagkain at pinasok ito sa loob sumunod naman siya sa akin.

“Love anong ginagawa mo dito” niyakap ko ulit si Lauren miss na miss ko talaga siya. Hinalikan ko naman ito sa noo.

“Love sorry sa away natin kahapon, hindi ko kasi mapigilang di mag selos sa Lance na yun” hinawakan niya naman ang muka ko.

“Xavier, Love hindi mo kaylangan mag selos okay? Ikaw lang ang mahal ko, at mamahalin ko. Hindi ang kahit na sino pa man” at ngumiti naman siya sa akin. Agad naman akong nag nakaw ng halik kay Lauren wala lang miss na miss ko talaga siya.

“Oo Love hindi na nga eh sorry” niyakap niya naman ako.

“Anong ginagawa mo pala dito Love?” pag tatanong niya ulit.

“May shooting kami dito 10am ang call time sa Lobby 9am pa lang. Kumain ka na ba sabay ka na sakin” sabi ko sa kanya.

“Hindi na love mamayang lunch na lang o dinner kasi naka duty pa ko kelangan ko na bumaba madaming guest ngayon madami kaming kelngan lutuin sa kusina” paliwanag niya.

“Sige Love mag iingat ka, I love you” hinalikan ko naman siya sa noo.

“Ikaw din madaming sexy jan sa labas wag kang lilingon ng lilingon Good Luck Love! I love you” lumabas na ito at bumalik sa working station niya.

Binuksan ko naman ang dala-dalang pag kain ni Lauren sa akin mukang masarap siya kaya nag luto neto? If im not mistaken this is a Italian food. Italian Breakfast Casserole.

Nag simula na kong kumain pag katapos ay inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko sa shooting gaya ng sumbrero ko dahil mainit sa labas, wallet, cellphone at panyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nag simula na kong kumain pag katapos ay inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko sa shooting gaya ng sumbrero ko dahil mainit sa labas, wallet, cellphone at panyo. Nang makuha ko ang mga kailangan ko agad ko naman nilock ang hotel room at bumaba na sa lobby. 9:30am pa lang. Umupo ako sa waiting area ng lobby isa isa na ring dumating ang ibnag staff.

“Sir Xavier nandun na po sila sa venue nakapag set up na rin po”

“Okay Let’s go” nag tungo na kami sa set at lahat nga sila nandun na maliban sa mga kasama kong staff. This movie is assigned to me. My first movie to direct. Sana maging maayos like how I did sa mga short film sa school.

------

Mag teten pm na ng matapos kami sa scene para ngayong araw. Within 3 days dapat matapos na ang lahat at makabalik kami ng manila dahil may ilang scene pa na kailangan I shoot. Nang makapag paalam ako sa staff ay nag lakad na ako pabalik sa hotel sabi ko kay lauren sabay kami mag lulunch o dinner pero hindi na ko nakakain kahit lunch man lang.

Kinuha ko ang phone ko at binasa ang mag message ng makita ko ang pangalan ni Lauren ay agad ko itong binuksan.

From: Love
Love nandito ko sa kwarto mo I prepare dinner kanina pang 8pm ang out ko.

Tinignan ko ang oras ng text niya at halos isang oras na ang nakakalipas. Kaya naman agad akong tumakbo pabalik sa hotel at agad na sumakay ng elevator. Pag ka bukas ko ng pinto ng hotel room ko, nakita ko si Lauren na nakahiga sa kama at natulog. Nakahain din sa mesa ang mga pag kain na hinanda niya. Umupo ako sa tabi niya.

“Love” marahan ko siyang tinapik.

“hmm” kinusot niya ang mata niya.

“Nandito ka na pala, kumain ka na ba?” umupo ito at inayos ang buhok niya.

“Hindi pa, nakita ko kasi yung text mo na nag luto ka kaya nag madali na ko bumalik, sorry natagalan ako” paliwanag ko sa kanya.

“Okay lang gusto mo ba initin ko muna yung pag kain sa baba?” hinawakan ko ang kamay niya.

“Wag na gutom na ko eh kainin na natin yan kahit malamig na alam ko naman na masarap yan eh” ngumiti ako sa kanya at marahan siyang hinila papunta sa may mesa.

Nag simula kaming kumain, panay din ang kwento niya sa mga putahe na niluluto niya at sa mga bago niyang natututunan. Habang nag kikwento siya nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain. I can say that I am the luckiest man alive. I own the most amazing woman. And I will not trade her for any diamonds in this world she is more than that.

Inseparable Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now