CHAPTER 15

88 8 3
                                    


Lauren’s POV

Halos tatlong buwan na simula ng nangyari sa akin ang mga bagay na yun, ayoko na. Ayoko ng balikan ang lahat ng yun. Hindi ko alam sino ang dapat kong lapitan, hindi ko alam sino ang dapat kong tanungin, hindi ko alam ang gagawin ko.

Napapabayaan ko na ang trabaho ko. Ilang tawag ang na ririnig ko mula kay christian dahil kelangan ako sa hotel pero hindi ko sinasagot, nakareceive din ako ng emails galing sa company. Halos isang buwan akong hindi lumabas ng kwarto ko.

Wala akong gustong kausapin, lalo na si Xav, hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Tumawag din sa akin sila mama para kamustahin ako pero ang sabi ko busy ako kaya hindi ko sila kinakausap pati na si Xavier. Naiiyak ako tuwing binabasa ko ang mga message sa akin ni Xavier na namimiss niya na ako. Miss na miss ko na din siya gustuhin ko man na mag wala at mag iiyak sa kanya, hindi ko magawa.

Pagkatapos ng araw na yun pumunta ako sa isang ob-gyn nag pa test ako, kahit alam ko ang sagot, umaasa na sana panaginip lang ang lahat, na sana binabangungot lang ako. Pero hindi, pag katapos ng test lalo akong nag iiyak, dahil positive na nag karoon ako ng sexual intercourse.

Nandito ako ngayon sa kitchen at pinipilit na mag trabaho at makabawi dahil naka tanggap na ako ng notice galing sa company, kailangan kong maging okay para sa mga magulang ko, para sa sarili ko at para kay xavier. Hindi ko alam pano ko sasabihin sa kanya pero sana pag nag kita kami mag karoon ako ng lakas ng loob.

Habang nag luluto ako nakaramam ako na parang nasusuka ako. Kaya agad akong tumakbo sa cr at nag suka.

“Hindi pwede” naiiyak nanaman ako. Marahan akong bumalik sa kitchen. Nilapitan ako ni Christian.

“Lauren are you okay?” tumango lang ako at bumalik sa ginagawa ko.

Hindi pwede to, sana mali ako ng iniisip. 2months na kong delayed malaki ang posibilidad na buntis ako.

-----

“Lauren, gising ka na. Are you okay?” nag aalalang tanong sa akin ni Lance.

“Lance anong ginawa mo dito nasan ako?”

“Kasi Lauren nag aalala ko sayo sabi ni Christian sa akin hindi ka daw pumasok ng ilang linggo. Tapos hindi ka sumasagot sa mg message ko, nag memessage din sa akin si Xavier kung kamusta ka daw hindi ko naman alam ang isasagot ko, kaya nag file ako ng leave para bumalik dito para I check ka” paliwanag niya sa akin.

“Nasan ako?” tanong ko ulit.

“Nasa hospital ka, bigla ka daw nag collapse kanina, nasa labas si Christian inaayos ang mga papers mo” mag sasalita sana ako ng may pumasok na doctor kasama si Christian. Lumapit sa akin si Christian at pumwesto sa kabilang side ng hospital bed.

“Ms.Wyatt, cosa stai provando in questo momento?” (Ms.Wyatt what are you feeling right now?) tanong sa akin ng babaeng doctor.

“Sei consapevole di essere incinta?” (Are you aware that you are pregnant?) hindi ako umimil.

“Cosa è incinta?!” (What she’s pregnant?) gulat na tanong ni Christian. Tumango naman ang doctor at lumabas.

“Ano daw sabi ng doctor?” takang taka na tanong ni Lance. Walang umiimik sa amin ni Christian.

“Hoy mag salita kaya kayong da---”

“Umalis na kayo” mariin na sabi ko.

“Lauren ---” mag sasalita sana Christian.

“ANG SABI KO UMALIS NA KAYO HINDI NIYO BA NAIINTINDIHAN YUN?!” pasigaw na sabi ko. Hindi na sila nag salita. Nag lakad silang dalawa palabas ng hospital room ko.

Inseparable Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now