Hindi rin naman nagtagal ay tuluyan na nga syang nilabasan. Hindi rin naman nasunod ang balak naming lumabas agad at sa halip na umalis agad ay nanatili pa kami ng matagal para pasayahin ang isat isa.

Matapos ang halos isang oras ay saktong pag labas namin ng CR ay nag bell na, hudyat na simula na ulit para sa kalahating araw para sa klase.

Buong klase ay nakangiti lang ako at pansin iyon ng lahat.

"Feeling ko talaga inlove na tong si Miss Loon eh."
Tukso sakin ng isa sa kasamahan ko.

Nandito kami ngayon sa faculty, yung iba ay vacant nila at yung iba naman ay katulad ko na nag hihintay na lang na matapos ang oras para umuwi.

"Bakit mo naman nasabi?"
Natatawang tanong ko.

"Well, nitong mga nakaraang araw kase palagi kang matamlay. Sa loob ng classroom parang wala kang problema pero sa tuwing lumalabas ka na ng room na yun ay halatang malungkot ka."

"Oo nga. Napansin ko din yun."

"Baka nga problema sa boyfriend! Hahahaha!"

"True! Siguro nag away sila lately then ngayon okay na sila kaya sya ganyan ngumiti!"

Bahagya naman akong natawa sa kanila.

"Kayo talaga! Masaya lang ako kase bumalik na si Freyja!"

"Ay oo nga pala! Mabuti nga nakabalik na sya no?!"

"Girl, grabe yang best friend mo! Masyadong maraming stress sa buhay!"

"Mabuti nga hindi sya tinanggal ni Mrs. Johnson eh!"

"Nako! Syempre to the rescue ang best friend!"

Ayoko talagang marinig sa iba na mag best friend kami ni Freyja.

Gustong gusto ko na talagang sabihin sa kanila ang totoong relasyon namin ni Freyja pero ayoko namang mawalan kami pareho ng trabaho. Mas lalong ayokong sirain ang nasisimulan ng saya na meron siya.

Hindi na lang ako sumagot sa kanila at ngumiti na lang.

Makalipas ang ilang oras ay hindi parin bumabalik si Freyja. 4:30 na pero hanggang ngayon wala pa sya at talagang nag aalala na ko.

Nag pasya na lang akong lumabas at pumunta sa last subject nya pero mas lalong namuo ang kaba ko ng makitang ibang teacher na ang nasa loob.

Freyja! Nasan kana ba?!

Isa isa kong tinignan ang bawat classroom at maging ang bawat CR chineck ko din.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba habang paulit ulit na dinadial ang number nya pero walang sumasagot.

Shit! Nasan ka na ba?!

"Miss Loon!"
Gulat na napalingon ako sa tumawag sakin. Mabilis na ngumit ako sa kanya at nag panggap na wala akong problema.

"M-Mrs. Johnson, good afternoon po."
Bati ko.

"Why are you still here? Kanina pa ang out mo ah?"

"Ahm. M-may inayos lang po. P-pero pabalik na rin po ako ng faculty para... para sa mga gamit ko."

"I see. Oh sya, mag iingat ka pauwi ha! Pakisabi na lang kay Miss Ayala na salamat sa pag hatid sa mga bata."

Gulat na tinignan ko ang ginang.

"H-hinatid po?"

"Hmm. Nag paalam sakin yung tatlong graduating natin dahil sa letter na mula sa parents nila. At first im afraid na palabasin silang tatlo lalo na at class hour pa but im relieved when she volunteered."

TATsuLOkTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang