Ngumiti si Emma sa akin ngunit ang mata niya ay rumolyo at tila hindi gusto ang presensya ko.






"Tara na, magsimula na tayo." Aya niya.






Nagsimula kami sa paggawa ng mga disenyo, "Oh 'di ba maganda 'to, kap?" Ipinakita ni Emma ang gawa niyang papel na bulaklak na sobrang hirap gawin at hindi naman ganon kagandahan.






"Emma, masyado kasing komplikado 'yang ginawa mo. Hindi masusundan ng mga kasama nating gumaga——" agad niyang pinutol ang dapat na sinasabi ko.






"Masyado kasi kayong nagse-settle sa less kaya ang pangit ng kinakalabasan, okay ng mahirapan at least maganda ang kalalabasan, ano sa tingin mo, kapitan?" Inirapan niya ako bago siya ngumiti kay kapitan.






"Pigilan mo 'ko, susungalngalin ko 'yan..." Bulong ni Puresa sa akin.






Tumawa ako at napailing, "Hayaan mo siyang mahirapan, 'wag mo ng patulan, baka mahawa ka ng katangahan." Tugon ko at nagpatuloy sa paggupit.






"Rosi!" Napalingon kaming lahat nang marinig ang boses ng mga ka-teammates ni Benedict.






May dala-dala silang dalawang plastik na may lamang softdrinks, paglapit nila ay inabot nila sa aming dalawa ni Puresa.






"Pahinga muna kayo," Suwestyon ni Benedict at naupo sa tabi ko.






"Hi, Puresa!" Masiglang bati ni Oliver. Ngumiwi si Puresa sa kanya at akmang susuntukin siya.






"Sige lumapit ka lalagyan ko ng black eye 'yang mata mo!" Banta ni Puresa sa kanya, tumawa si Oliver at nagtago sa likod ni Benedict.






"Ang harsh naman ng baby ko," aniya.






"Hi, Benedict!" Bati ni Emma. Malapad ang kanyang ngiti at tila may paghanga ang pagkislap ng mata niya habang nakatingin kay Benedict.






"Hello," Bati ni Benedict pabalik ngunit saglit lamang siya nitong tinapunan ng tingin at pagkatapos ay binalingan na rin ako.






"Pinapabigay pala ni mama sa'yo, nakalimutan kong ibigay." Wika niya sabay abot sa akin ng isang biscuit na parati kong binibili sa tindahan nila.






Agad ko 'yong tinanggap, "'Yan, kapag ganyan ka magkakasundo tayo." Wika ko at bahagya pa siyang tinulak gamit ang braso ko.






Narinig kong tumawa ang iba pa nilang teammates at inaasar si Benedict na namumula na ngayon.






Napailing na lamang ako ngunit kasabay no'n ang pagkabigla ko ng bahagya akong tinulak ni Emma at simiksik sa pagitan namin ni Benedict.






"Benedict, tignan mo 'to oh..." Wika ni Emma sabay pakita sa kanya ng ginawa niyang bulaklak.






Awkward na ngumiti si Benedict, sa nababasa ko sa kanyang mukha ay hindi niya ito nagustuhan ngunit ayaw niya lang mapahiya si Emma sa harap ng maraming tao.






Tignan mo ang siraulo na 'to, kapag ako ang inaasar kahit sa harap ng maraming tao tuwang-tuwa pa.






"Maganda pero hindi ba masyadong komplikado at matagal gawin 'yan?" Sagot ni Benedict.






"'Yan 'din ang sinabi ni Rosi." Sabat ni Puresa.






Napailing na lang si Emily sa sobrang kahihiyan para sa ate niya.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now