"Hindi-" I was about to refuse when my stomach growled and my throat ran dry. Guess, I really need to eat, then. "Sige po."

Masaya akong nilapitan ng dalawang bata, isang lalaki at isang babae. The boy looks older than the girl. Naalala ko ang tawag sa kanya kanina ni Icarius, 'Bunso', so I think, she's the youngest one among Icarius and this boy. The boy look like a little version of Icarius. Magkamukhang-magkamukha sila.

"Halika po, Ate," said the little girl with a cute smile.

Sabay nila akong hinawakan sa magkabilang kamay at iginiya sa hapag. The boy even pulled a chair for me and I find it sweet.

"Thank you." I gave them a warm smile.

Pagkatapos nila akong ngitian ay tumakbo na ulit sila pabalik sa salas para manood ng palabas sa telebisyon. Hindi ko namalayan na nagtagal na pala sa kanila ang tingin ko habang suot pa rin ang ngiti.

"Cassivellaunus at Marquesa Greya ang pangalan nila." Nabaling ang tingin ko sa Ina ni Icarius na naglapag ng pagkain sa harap ko. "Bunso si Greya at pangalawa naman si Canus. At ang panghuli, si Icarius Jaimar. Siya ang pinakamatanda sa kanila."

"Ang gaganda naman po ng mga pangalan nila," puri ko bago hawakan ang kubyertos.

Naupo naman sa tabi ko ang ina ni Icarius habang may malawak na ngiti. Nabaling ang tingin ko sa kamay niyang humawak sa likod ng palad ko.

"Tawagin mo akong Mama Encarnacion at Papa Narcissus naman sa asawa ko o kaya naman Mama at Papa na lang. Bakit ba kasi ang hahaba ng mga pangalan namin? Hay naku."

Natawa kami pareho. Binitawan ko ang hawak kong kutsara para mahawakan din ang kamay niya. Bahagya ko pa iyong hinaplos.

"Mama..."

It felt so heartwarming yet painful. I can't vividly remember what it was like to call my own mother a 'Mom' and now, here's Mama Encarnacion, trying to be a good mother to me when my mother couldn't.

"Salamat po," I added.

"So, should I call you my own too? Or do you prefer calling you on your real name?" Naghiwalay na ang mga kamay namin kaya tinginan na lang ang iginagawad namin sa isa't isa.

"Okay lang po sa akin ang kahit ano." I hold the spoon once again. "Aislinn po ang pangalan ko."

"Aislinn?"

"Just Aislinn po."

Now, the uneasiness and awkwardness came back. Baka kapag sinabi ko ang apelyido ko ay makilala nila ako. I'm not trying to keep it to them. Siguro hindi pa muna sa ngayon. I'll find time for it. Nakaya naman nilang kupkupin ako sa loob ng anim na buwan na hindi inaalam ang pangalan ko. I'm sure they won't mind if I don't tell them my surname.

"Aislinn. It's a simple yet pretty name. Bagay sa 'yo, anak."

The night became warm and touching because of them. Malayo sa kinagisnan kong gabi na palaging puyat dahil sa mga gawain o kaya naman maaga matulog dahil walang magawa, walang makausap at walang mapaglambingan. Napapangiti at tawa na lang ako habang pinagmamasdan sila.

Bumalik sa isipan ko ang mga nagdaang taong pagtakbo ko. Every night was filled with agony and cries. It was hard. It was tormenting. It was sad. But I managed to get through it. I managed to swim. I managed to stand once again. Hope that this one will lead me to see the end of the chaos I brought. Sana pagkatapos nito ay bumalik na sa dati ang lahat. Ayos lang kung mahirap at malungkot, basta wala nang gulo. I just want a peaceful life with my loved ones.

"Bakit ka umiiyak, Ate?"

Napatingin ako kay Greya na nasa harapan ko na pala ngayon. Napatingin din ako kay Canus at Mama Encarnacion.

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon