"What I'm saying is maliit ang boobs mo!" halos isigaw niya iyon kaya napailing nalang ako at lumayo sa kaniya. Kahit saan nalang talaga.

Ilang minuto pa ang inilagi namin sa paghahanap ng dress ngunit sa huli ay 'yung pink nalang ang binili ko. Ang binili naman niya ay iyong kulay black na ipinapakita niya sa akin kanina.

Not surprising, tho. Mahilig talaga siya sa black.

Tumambay muna siya sa bahay matapos namin makabili. Bukod sa nakikain at nag-ingay ay nagkalat lang siya sa bahay.

"Girl, bagay ba kami ni Brent?" bigla ay tanong niya. Nakahiga siya ngayon sa sofa at kaharap ang phone niya.

"Bakit mo natanong? Syempre hinde," pang-aasar ko.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa'kin, hinarap niya sa akin ang screen ng phone niya.

Kumunot ang noo ko nang makita ang picture ni Brent na may kasamang ibang babae. Nakapost iyon sa Instagram ni Brent at nakatag pa ang kasama niyang babae.

"Mas maganda naman ako, 'di ba?" simangot na tanong niya. Nakita ko kung paanong binisita niya ang profile ng babae at agad na napasimangot. "200k followers?" gulat na tanong niya. Talagang ipinakita pa sa akin ang screen ng phone niya para patunayan ang sinasabi.

"Model yata 'yan, girl," sabi ko. Pamilyar kasi ang mukha ng babae. I think I've seen her in some magazine.

"Model? Eh mas maganda pa 'ko dito?" gulat at nagyayabang na tanong niya. "Actually mas maganda ka pa diyan," saad niya matapos akong titigan.

"Attitude ka? Laitera ka girl?" tinawanan ko siya matapos makita ang mukha niya. Mukhang sasabog na siya sa inis eh.

"May 200k na nauto 'to?" patuloy siya sa pagbrowse sa instagram post ng babae at pagsasabi ng masasamang salita tungkol dito. Madalas talaga ay pasmado ang bunganga ng isang 'to. Napatigil siya saglit at hinila ako para patinginin na naman sa kung anong tinitingnan niya.

Napasimangot ako nang bumungad sa akin ang litrato ng babae na kasama si Samuel. Parehong nakangiti ang dalawa at nakapatong pa ang braso ni Samuel sa balikat ng babae.

Iniwas ko ang kamay niya para hindi ko na makita ang litrato. Walangayang Mia 'to, hindi porket nasaktan siya kay Brent ay idadamay ako.

"Oy, may nakita pa 'ko! Oh my gosh!" OA na saad niya, nakangisi pa at nang-aasar ang tingin.

Tumakbo ako palayo sa kaniya dahil wala akong balak na tingnan ang kung anumang gusto niyang ipakita na naman. Tatawa tawa siyang lumapit rin sa akin kaya tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.

"Bruha ka, tara dito! May ipapakita ako sayo!" sigaw pa niya habang tumatakbo palapit sa akin. Akmang pagsasarhan ko na siya ng pinto nang maabutan niya ako.

Tatawa tawa siyang lumapit sa akin habang hawak ang phone niya. "Ready ka na ba umiyak?" ngisi niya.

Nagtakip ako ng unan sa mukha ko at humiga. Masama talaga ang kutob ko na hindi maganda ang ipapakita nito.

"Taggalin mo kasi!" aniya at pilit na tinanggal ang unan ko. "Tingnan mo yung picture nila ni Samuel! Sinasabi ko sayo, maiiyak ka talaga!" dagdag pa niya kaya mas lalo akong napapikit.

Sinasabi ko na nga ba!

Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. Ayoko sanang tingnan ang gusto niyang ipakita ngunit talagang na-curious ako sa sinabi niya!

"Sinasabi ko sayo, Mia. 'Pag talaga ako hindi natuwa diyan sa ipapakita mo ay talagang friendship over na!" pagbabanta ko sa kaniya habang lumalapit sa kaniya.

Different Space, Same Skyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें