Nakumpirma ang hinala ko nang lumingon sa amin ang lalaki at nakita kong si Samuel nga.

Bigla ay gusto kong mahiya at umalis nalang dito ngunit sobrang mapaghahalataan ako kung gagawin ko iyon. Besides, ayos na naman kami. Maayos ang naging samahan namin noong nakaraan.

Kunot noo at seryoso na lumapit sa amin si Samuel. Akmang magtatanong na siya nang maunahan siya ni Mia.

"Hi, Samuel. Dito ka nagw-work?" ngiting tanong ni Mia. Minsan din feeling ko nahawa na sa kabobahan ko si Mia. Obvious naman na dito nagtatarabaho ang tao pero tinatanong pa niya.

"Yeah. Kayo? May bibilhin ba kayo?" itinuro nito ang bakanteng mesa na para bang sinasabi na doon kami maupo.

Imbes na maupo pa ay sinabi ko nalang kay Mia na umorder na siya at nang makaalis na kami. Tanghali na kasi at nagugutom na ako, gusto kong kumain ng totoong pagkain at mas lalong wala akong balak na uminom ng kape sa tanghaling tapat.

Ayokong sabayan ang init ng panahon dahil baka uminit rin ang ulo ko.

Nagbigay ako ng tip kahit na hindi naman ako ang bumili ng kape, tuloy ay hindi na naman ako tinitigilan sa pang-aasar ni Mia.

Nagbigay lang naman ako dahil kahit papaano ay gusto kong makatulong kay Samuel. Alam ko namang mukhang hindi niya kailangan ng tulong, mukhang nagulat nga siya nang magbigay ako at halatang ayaw niya itong tanggapin kaya basta ko na lamang na iniwan iyon malapit sa kaniya at nagmamadaling hinila na si Mia paalis.

"Tip? Two thousand? Napakabait mo naman, girl," patuloy parin sa pagdaldal si Mia kahit na kanina pa kami nakaalis doon at ngayon ay nasa restaurant na.

"Ingay mo, girl. Manahimik ka nalang, walangya ka," pananaway ko at binalingan na ang waiter at sinabi ang order namin.

"Yun na po ba lahat, Ma'am?"

"Yes, thank you." nginitian ko ang waiter at inantay itong makaalis na. Tatalikod na sana ito nang bigla siyang tawagin ni Mia, akala ko ay may gusto pa siyang idagdag, ngunit ang gaga ay gusto lang mang-inis.

"Kuya, swerte ka dito sa kaibigan ko. Malaki 'to magbigay ng tip... 'Yun ay kung ikaw si Samuel," tinawanan nito ang lalaki na mukhang nawiwirdohan na sa kaniya. Pilit na tumawa ito para lang masabayan ang tawa ni Mia bago ito mabilis na nagpaalam.

"Bwiset ka talaga. Nakita mo ba yung mukha nung lalaki? Sobrang confused," natatawang saad ko.

Parehas kaming natawa at nag-usap nalang habang hinihintay ang pagkain dahil nagugutom na talaga ako. Ilang saglit rin ay dumating ito kaya natahimik kami at kumain nalang. Pagkain lang talaga ang nakakapag-patahimik sa aming dalawa ni Mia.

Matapos kumain ay ginawa na namin ang talagang pakay namin kaya nagpunta kami dito. Siya na ang pumili ng store kung saan palagi raw siyang bumibili at may discount pa. Ewan ko kung anong trip niya bakit gusto niya ng discount, hindi naman 'to palengke.

"Bagay sa'yo 'to, girl," aniya at ipinakita sa akin ang kinuha niyang itim na dress. Mahaba iyon at makinang. Sobrang formal kung tingnan ngunit talagang maganda.

"Bakit black? Birthday party punta natin girl, hindi burol," saad ko at naghanap rin ng dress na babagay sa akin. Kinuha ko ang nakita kong pink na dress at ipinakita iyon sa kaniya. "Ito girl? Pink kaya masyadong girly pero maganda siya," tanong ko sa kaniya habang nakatitig rin sa dress. Lampas tuhod ang haba niyon at manipis ang strap, bahagya pang exposed ang likod. Definitely my type.

"Maganda nga girl, pero mas bagay iyan 'pag malaki boobs mo."

"What do you mean?" sumimangot ako at nagbaba ng tingin sa boobs ko.

Different Space, Same SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon