Wala akong narinig na sagot mula kay Cath. She's just staring at me. Lalo akong napahahulhol ng iyak nang tumulo ang luha niya.

"Lucio, kill him. Please." Bigla ay nagsalita siya na walang kahit anong emosyon sa mukha niya.

"You don't have to ask your husband, Cath. I can fucking do that." Sabi ni Aries.

Bumuhos ang luha ni Cath. "Why.... you don't deserve to be treated like this, Maleha. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi nakukulong si Jero."

"No... sorry. Ayoko na sanang gawing big deal iyon dahil kasalanan ko rin naman. Hindi ko man lang naisip na baka gawan niya ako ng hindi maganda. Ako ang nagpunta sa condo niya."

"Wala kang kasalanan, okay? Wala. Hindi mo kasalanan na gago si Jero. Hindi mo kasalanan na hayop siya. Ang tanging kasalanan mo lang, nagmahal ka ng taong kaya kang saktan. And that's okay."

Hindi ko na kaya pang pigilan ang pag-iyak ko. Sobrang malas ko sa mga taong nakapaligid sa akin except Cath.

"Give me his fucking address. I can't stand here wasting time. I want to fucking kill him right now." sabi ni Aries.

I looked at him. Wala kaming special na relasyon pero kitang kita ko sa mukha niya ang galit at awa.

"Sorry, Aries. Ayoko na sana kayong isali─"

"He raped you. Do you think we can sit here doing nothing? Aminado akong gago ako pero hinding hindi ko magagawang babuyin ang babaeng mahal ko. Putangina ang gago talaga." Aniya.

Hinawakan ni Cath ang kamay ko. "He deserves to rot in jail, Maleha. Hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa 'yo. He's one of my friends but I won't tolerate him. Wala akong pakialam kung mawala ang ilang taon naming pagkakaibigan. Ang mahalaga sa akin ngayon, pagbayarin siya sa ginawa niya."

"Cath..."

She looked at her husband habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Lucio, kilala mo na ako. Hindi ko ugaling gamitin ang connection mo but now I am begging you to use your connection. I want Jero inside the cell."

"Stop crying, baby. I will do everything I can, okay? Maleha is your close friend and I also considered her as my friend. Hindi ko gusto ang ginawa ng ex boyfriend niya. You don't have to beg dahil gagawin ko talaga iyon." Sabi ni Lucio.

These people... they are making me cry more. Ganito pala 'yong pakiramdam na may kakampi ka.

"I'm in, bro." sabi ni Aries.

"But wait, nasaan si Arion? Alam na ba niya ang nangyari? He won't sit back and let what Jero did to you."

Kumirot ang puso ko nang baggitin niya ang pangalan ni Arion. Mas nararamdaman ko ang sakit na binigay niya kesa sa sakit na binigay ni Jero sa akin.

"He don't need to know." simpleng sagot ko.

She looks confused. "But why? May nangyari ba? Paanong hindi? Dapat niyang malaman, Maleha. He likes you, right? Sa condo mo na nga tumira." Pilit ni Cath.

Lahat naman yata sila, alam na gusto ako ni Arion. Who knows the real thing? Paano kung hindi naman talaga ako gusto ni Arion and he just help me satisfy my needs. Kaya siguro ganoon lang din kadali sa kaniya na itaboy ako at ang anak niya─na ayaw niyang tanggapin.

I looked at her eyes. Siya lang ang kakampi ko so I better say everything to her. Wala akong gustong itago kay Cath dahil alam kong hindi niya ako huhusgahan at sa paraang iyon, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko.

"Cath... buntis ako."

Nanlaki ang mga mata niya. "And?!"

"S-Si Arion... siya ang ama."

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon