TIDQ 011

797 53 25
                                    


Tama nga sila, tuwing dumarami ang gagawin, mas bumibilis ang takbo nang oras. I forget how many sleepless nights, I have been. Sunod-sunod ang mga PETA lalo na't paparating na rin ang intramural day.

Katulad ngayon, habang nasa gitna kami nang recess ay umapak at tumayo si Aya sa harapan. She's our class mayor. May dalang papel habang hawak ang micropono.

I stopped on what I am doing. Pagkatapos nang intramurals ay ang Oral Defense para sa aming business plan.Natapos na namin ang Financial Aspect. Ngayon, ang socio-economic aspect naman ang pinagkaaabalahan lalo na't Peta rin namin iyon sa Economics.

"May mga palaro na gaganapin, katulad last year. Kung sino man ang gustong sumali, you can come to me and I'll list your name." sabi ni Aya pagkatapos ay inisa-isa niyang binanggit ang mga laro na gagawin sa intramural.

Oh, there will be a volleyball game. Siguro ay ililista nila Chris ang sarili katulad sa nagdaang taon. Tiyak na marami na namang susuporta sa kanila.

Napabaling ako nang tingin sa kanan. Chris sat down. May dalang cup at lemon juice. May prutas din at hula ko sa cafeteria niya iyon binili lahat.

I squinted my eyes as I watch him eat his food. Sinulyapan ko ang pagkain niya.

"Ano?" tanong niya nang makitang nakatitig ako sa kanya.

I scoff and look at him in disbelief. "Kakain ka lang dyan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako nang kilay. "Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin dito? Inomin?" pagpipilosopo niya.

My lips parted. Hindi niya man lang ako binilhan nang pagkain?! I thought we already agreed on courting me?! Bakit parang bale-wala lang sa kanya.

Inirapan ko siya sa inis bago padabog na nag titipa sa laptop. Hindi ko na narinig ang mga sinabi ni Aya. Hindi rin ako kinausap ni Chris. Hindi nga nakakaramdam na naiinis na ako sa kanya at kailangan niya akong suyuin! Ang manhid!

Buong umaga ako badtrip. Kaya nang matapos ang FABM2 namin, padabog kong kinuha ang pitaka at tumayo.

"Saang canteen tayo kakain?" tanong ni Chris habang iniinat ang katawan niya.

Sumingkit ang mata ko at matalim siyang tinignan. Anong akala niya? Sasabay ako sa kanya kumain ngayon?

"Mag-isa ka!" sabi ko at tinalikuran siya.

"Hoy!" I heard him shout.

Padabog akong umalis at sinarado ang pintuan nang classroom. Nakakainis! Akala ko, magiging Going concern principle na ang relasyon namin, hindi naman pala!

Pakiramdam ko, lahat nang masamang enerhiya ay nasakop ko na. Some of the students are avoiding my way. Kitang-kita yata sa mukha ko ang pagkakairita. Ang sarap pumunta sa kalye at maghanap nang batang aawayin!

My mood change and my face lighten when I saw Roshelle going out of her room. Mukhang pagod at magulo nang kaunti ang kanyang buhok.

"Shell!" tawag ko at dali-dali inakla ang kamay sa braso niya.

She glace at my back. "Oh? Nasan iyong boyfriend mo?" tanong niya nang makitang ako lang mag-isa.

Muli akong napairap. "Pwede ba, huwag mong banggitin ang taong iyon? Nakakasira nang ganda, e."

Tumawa siya. "Gera kayo?" she asked.

"Hindi ba halata, ha?" inis ko.

She chuckled again. "Ah...ikaw ang nagsimula, ano?"

Tinaasan ko siya nang kilay. Pag nag-away ba kami, ako na ang pasimuno? Bakit hindi si Chris? Siya naman ang mapanglait sa aming dalawa!

"Alam mo, Roshelle?" panimula ko at pagpapakalma sa boses bago maisip na bugahan siya nang apoy. "Kumain nalang tayo, pwede? Mainit na nga ang ulo ko, pinapainit mo pa. Don't make me regret choosing to have a lunch with you,"

The Indenial Queenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن