TIDQ 007

652 52 3
                                    

Originally this chapter was supposed to be TIDQ 002, however, in some circumstances, I accidentally deleted it. I tried to recover it but I wouldn't. So, I will try rewrite it again but there will be a major changes. For those who have been following this story since April 2019, you would easily understand and know what are the changes.

Thank you and happy reading!

Present

"Kanina ka pa," Roshelle suddenly said.

I was watching intently to Chris who is talking—whispering to Tom. Kasama niya ang ka volleyball team niya. Ofcourse, hindi mawawala sila Joseph doon. Nakaupo sila sa kabilang lamesa, hindi gaano kalayuan sa amin.

If looks can kill, pinaglalamayan na siya.

Okay, we started dating—I mean fake dating to cover up his true gender for almost a year now. My eyebrows narrowed again when I saw him leaning forward to Tom, whispering and laughing after.

Bakit kailangan bumulong?! At bakit niya kailangan hawakan ang balikat nito?! At tuwang-tuwa pa?!

I gritted my teeth.

"Hoy, ayos ka lang ba?"

I blink.

"Ha?" lingon ko kay Roshelle.

She looked at me weirdly. "Do you have a problem? Bakit parang galit ka? Ano ba ang tinititigan mo?" tanong niya at agad na lumingon sa likuran niya para hanapin kung saan ako nakatingin kanina.

I cleared my throat. "Wala,"

"Wala? Pero parang gusto mo maghamon nang away kanina,"

I rolled my eyes. "Just eat." saad ko at ibinaling ang tuon sa pagkain ko.

Nakakainis. He promised to have lunch with me. Tapos ngayon? nasa ibang table siya? Kasama ang crush niya? Sino ang maniniwala na hindi siya bading kung ganyan?!

"Nasabi na ba ni Joseph sa'yo?" tanong ni Roshelle.

Kumunot-noo ako. "Ang ano?"

"Sa city tayo mamaya. Sa may Island Night. Birthday ni Khael."

Pumalatak ako. "Alam mo, iyang dalawang 'yan? Inom at gala talaga ang bukangbibig."

Roshelle smirks. "Parang 'di mo gusto?" asar niya.

I giggled. We talked about our plans for tonight. What are we going to wear and what are the things that we should do before leaving our condo. Sasaya na sana ako, eh. Kaso natapos nalang ang lunch time, hindi talaga pumunta sa akin si Chris.

Punyetang bakla. Mamaya ka sa akin.

Dumeretso kami sa classroom. Nagkahiwalay lang kami ni Roshelle dahil STEM student siya at hindi naman kami pareho nang building.

Agad ako naupo sa upuan ko at kinuha ang cellphone sa bulsa. Napabuntong hininga nang wala na naman akong text na natanggap kay Chris.

I was about to type a message for him when our door opened and he came in. May ngiti sa labi niya. Kaya mas lalo akong nairita.

The Indenial QueenWhere stories live. Discover now