Chapter 3: Pagtatagpo

288 17 0
                                    

Chapter 3: Pagtatagpo

Davina's Apartment

Hours Later...

NANG magmulat ng mata si Davina at malakas na iyak ng isang bata ang unang nagbungad sa kanya. Napahilot si Davina sa sentido niya dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman niya at nanglalagkit rin ang pisngi niya dala marahil sa pag-iyak niya sa pag-aalala sa biglang pagkasakit ng anak na si Draven.

"Anak, naman. Pinag-aalala mo si Mama sa lagnat mo." nag-aalalang sabi ni Davina sa anak ng kapain niya ang noo niyo na medyo mainit pa rin si Draven pero hindi na katulad kaninang madaling araw na nag-aapoy sa init.

Ang totoo ay napuyat si Davina sa kakaalaga kay Draven pero hindi niya iyon ininda dahil mas importante sa kanya ay gumaling ang anak. Kung pwede niya nga lang dalhin sa ospital si Draven para mas mapabilis ang paggaling ang anak ay ginawa na niya dapat kaso wala nga lang siyang pera.

Wala namang ibang katuwang si Davina sa buhay at pagpapalaki sa anak kundi ang sarili niya lang. Ayaw naman niyang iasa sa mga kaibigan niya ang lahat ng pangangailangan niya kahit sabihin ng mga ito na tulong ito para sa kanya ay hindi pwede dahil pang-aabuso iyon at hindi siya ganoong tao.

Mabilis na kumilos si Davina upang tumayo at kumuha ng panibagong lampin na ipupunas sa anak. Kinuha niya rin ang thermometer at nilagay iyon sa kilikili ng anak na nagpakiliti sa bata. Narinig ni Davina ang mahinang pagngisi ni Draven na nagpakalma sa kanya.

"Ikaw talaga, Kyle. Mana ka sa pinagmanahan mo." pilit na ngiting savi ni Davina sa anak na tinawag niya sa pangalawang pangalan nito na Kyle. Hinawi niya pataas ang buhok ni Draven.

"Mama, bakit po ba wala akong papa?" usisa ni Draven kay Davina na ilang beses ng tinanong ng batang lalaki sa ina.

Ngumiti lang si Davina at bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung paano ba siya sasagot sa tanong ng anak dahil ang totoo ay ni-minsan hindi niya sinasagot ang tanong ni Draven tungkol sa ama nito.

Napabalik sa huwesyo si Davina ng marinig niya ang pagtunog ng thermometer. Agad kinuha iyon ni Davina sa kilikili ni Draven at tinignan. 38.9°C.

Agad na hinila ni Davina si Draven at niyakap ng mahigpit ang anak bago halikan sa noo.

"Pagaling ka na, please, anak." naluluhang sabi ni Davina sa anak habang nakayakap sa bata.

"Sorry po talaga, Mama. Huwag ka na pong umiyak dahil iiyak rin po si Draven." nangingilid ang luhang sabi ni Draven sa ina.

"Pinag-aalala mo kasi ako, anak. Alam mo naman na ayaw ni Mama na nagkakasakit ka." tuluyan ng pumatak ang luhang sabi ni Davina kay Draven.

"Sorry po, Mama." sabi ni Draven sa ina at tumulo ng sunod-sunod ang tula ng batang lalaki.

Napahiwalay sa pagkakayakap si Davina sa anak ng marinig ang pagring ng cellphone niya. Tinignan niya iyon at nang makita ni Davina ang pangalan ng tumatawag ay agad niyang sinagot.

"Sis, anong oras na? Bakit wala ka pa rin dito?" tanong ni Cyrille sa kabilang linya na siyang tumawag kay Davina.

Napatingin si Davina sa wallclock na nakasabit sa pader at saktong alas otso na ng umaga. Nakakasiguro si Davina ang mga kaibigan niya ay nasa mga klase na ng mga ito. Magkaiba kasi sila ng klase dahil si Frida ay gustong maging pediatrician. Si Davina at Cyrille naman ay obstetrician-gynecologist.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now