Paniguradong hindi halata nila mama at papa pero para sa akin na malinaw pa ang mata, kitang-kita.





Pagkatapos kumain ay nagpahinga sila kuya sa duyan sa puno ng mangga na nasa tapat ng bahay namin.





"Jusko po, Rosi, maligo ka na't magpunta ka na ng baranggay!" Bulyaw ni mama, hindi na ako sumagot at nagtungo na sa lalagyanan ng damit ko at pumili ng disente.





Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang t-shirt na kulay asul na doble ang laki sa akin. Pinaglumaan ito ni kuya Arnie pero dahil hindi naman ganon kaluma ay kinuha ko na.





Tapos nag-suot ako ng Jeans na kapag magsisimba lang tuwing ko sinusuot.





Naka-tsinelas lang ako at pagkatapos ay pinusod ko ang aking buhok upang hindi sumagabal sa aking mukha.





Tinignan ko ang aking repleksyon sa may basag na salamin sa loob ng nag-iisanv kwarto kung saan kami natutulog nila papa at mama. Sila kuya kase ay sa sala natutulog.





Kahit nasa skwater ang kinatitirikan ng bahay namin ay gawa pa rin naman sa kahoy at hindi basta-basta masisira.





Nakatingin lamang ako sa repleksyon ng aking sarili, hinawakan ko ang aking mukha dahil punong-puno ng pagtataka ang aking utak.





Bakit sa amin nila kuya, ako lang ang maputi? Hindi rin naman maputi si mama at papa kaya saan ako magmamana?





Pinaliwanag na sa akin ni papa ang lahat at sinabi niyang kay lolo ako nagmana pero kahit isang beses ay hindi ko pa nakikita ang lolo at lola ko.





O kahit litrato man lang ay walang maipakita sa akin sila mama at papa, ang dahilan nila ay nasunog raw sa dati naming tinitirahan.





"Kuya," Tawag pansin ko kila kuya Arnel at Arnie na halatang masinsinan ang pinag-uusapan.





Naupo ako sa pagitan nilang dalawa, tumingin sila sa akin na parang nagtataka.





"Bakit ang luwag ng suot mo?" Tanong ni kuya Arnie.





"Wala akong ibang matinong masuot kaya ito na lang, maayos naman ah?" Tinignan ko pa ang suot ko ngunit tila hindi natuwa sila kuya.





"Sumama ka bukas, sasahod na kami ni Arnel sa pier. Bumili ka ng bagong damit at hindi ganyang isang yuko mo lang nakikitaan ka." Ani kuya Arnie.






Nagtataka ko silang tinignan, kahit minsan naman ay hindi sila naging mahigpit sa pananamit ko kaya nakakapagtakang ganito ang inaasal nila ngayon.





"Mukhang bait niyo ah," puna ko.





Napailing sila at ginulo ang buhok ko, "Mag-iingat ka palagi, huwag kang pagala-gala. Huwag na huwag kang dadayo ng kabilang baranggay, maraming mga gago do'n." Bilin ni kuya Arnel.





Tumango ako, "Tsaka tigilan mo kakalabas ng bahay ng walang panloob, kababae mong tao kukutusan kita." Banta niya.





Napakamot ako sa ulo ko dahil nakukulitan na ako sa dami ng bilin nila, "Ang dami niyong bilin," Tugon ko.





Natawa silang dalawa, "Mabuti ng nag-iingat... Nag-iisa ka lang," sagot ni kuya Arnie.





"Ang korni niyo ah," wika ko.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now