Chapter 1

6.9K 178 47
                                    

May 6, 1992...

Pinanganak ang isang taong mahalaga sa akin. Mga bata pa tayo nun ng simula tayong magkakilala. Naaalala ko pa, 8 yrs. Old pa lang ako, pati ikaw. Sa isang parke. Sa isang parke nagsimula ang lahat. Umiiyak ako nun dahil nalaglag yung lollipop ko sa kanal. Sa sobrang badtrip ko, halos mag ala incredible hulk na ko at buhatin ang puno at ibato sa mga batang naglalaro sa paligid. Nakakaasar dahil limang araw akong nag ipon ng piso piso para lang sa tig 5 pesos na lollipop na yun tapos malalaglag lang sa kanal? Sarap lumamon ng dustpan eh. Bwiset. -_-

"Hala? Bakit ka umiiyak?"

Nagulat ako nun ng tumabi ka sakin. Napayuko ako sayo habang humihikbi parin. Pandak ka kasi medyo eh.

"Wala ka na dun!" Pangisnob ko sayo atsaka pinapaalis ka.

"Aray wag mo naman itulak yung likod ko!" Sabi mo sakin. "Bakla ka ata eh! Bakla!" Natigil ako sa pagtulak sa likod mo ng asarin mo ko.

"HINDI AKO BAKLA!!" Sigaw ko. Lumingon na lang ako sa ibang direksyon at hindi ka pinapansin. Umiiyak pa rin ako dahil hindi ako makamove on sa lollipop ko. Huhu. 5 pesos din isa yun uy!

"Yuck tumutulo na yung sipon mo. Kadiri ka~" nagulat ako ng biglang may bumato ng towel sa mukha ko. Nang tanggalin ko ang panyo sa mukha ko ay nakita kita na naglakad na paalis. Nakatitig lang ako sayo habang punupunasan yung luha at yung uhog ko. Napalingon ka pa nga sakin nun at bigla mo akong nginitian.

Dugdug. Dugdug.

Sabi ng tren. De joke lang. Sabi yan ng puso ko habang nakatingin sa kawalan.

Napatingin ako sa towel na binato mo sa akin. Yuck, puro sipon. ~.~ May nakatahing pangalan dito.

"Byun Baekhyun.."

-

"Chanyeol, ihatid mo nga to dun sa kabilang bahay. May bagong lipat daw dyan"

Busy ako manuod ng pororo kasama si pareng KAIlibog nang utusan ako ni mama na ibigay yung isang plato ng cassava cake sa bagong lipat daw sa tabi ng bahay namin.

"Ma, busy ako. Marami akong homeworks. Gagawin ko pa yung thesis ko. Kaya please, si ate Yoora na lang--"

"HOY PARK CHANYEOL TIGIL TIGILAN MO KO NG KATAMARAN MO HA! THESIS THESIS KA DYAN!? HOMEWORKS KA PANG NALALAMAN EH BAKASYON NGAYON!! IBIGAY MO NA TO DUN KUNG AYAW MONG IPATAPON KO ANG ALAGA MONG FERRET!"

Automatic akong napatayo ng sabihin ni mama ang salitang ferret. Oh my god. My beloved ferret! Di ako papayag na mawala yun kaya kinuha ko na yung cassava cake at lumabas ng bahay. Nadapa pa nga ako nun eh. Pero keri lang kasi hindi naagrabyado yung dala ko para sa bagong kapitbahay daw namin.

Nagdoorbell ako ng isang beses at nagtago sa halamanan. Maya-maya, may nagbukas na isang bata. Nagulat ako. Ikaw na naman? Sabi ko pero sa isip lang. Nakita kitang napakamot ng ulo mo at inis na sinara ang pintuan nyo. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagdoorbell ulit. Tapos, nagtago ulit ako sa halamanan. And again, binuksan mo ulit ang pinto at this time, iritado na yung mukha mo.

"SINO BA YANG EPAL NA DOORBELL NG DOORBELL HA!?"

Napasigaw ka sa sobrang inis kaya't dali-dali akong lumabas mula sa gilid mo. Ako namang si tatanga tanga, muntikan na ulit matapilok. -_-

"Teka? Ikaw yung bata sa park ha?" Tanong mo sakin. Napatingin ako sa mata mo. Mukha ka nang panda dahil sa kapal ng eyeliner mo. Tanong ko lang, bakla ka ba?

"Ah, oo. Ito, pinabibigay ng mama ko. Nga pala, dyan lang kami nakatira oh." Turo ko sa bahay na katabi nung inyo sabay abot ko sayo ng plato. Ibinaba mo muna sandali ang hawak mong superman na laruan atsaka inabot yung plato sa kamay ko.

"Wow, favorite mo si superman?" Tanong ko sayo bago mo ko pagsarhan ng pintuan nyo. Tss. Ni wala man lang pathank you. -__-

"Oo. Ang yummy kasi ng biceps eh. Tapos yung abs... pakshet! Tapos ano, yung ano... bakat na bakat!" Sagot mo at nagwiggle wiggle pa yung pwet mo na para bang kinikilig.

Confirmed, bakla ka nga. -_-

-

At yun ang simula ng pagkakaibigan natin. Magmula nun ay lagi na tayong magkasama. Sa school, sa playground, kahit saan. Sabay pa nga tayo maligo minsan eh.. Minsan din ay nagoovernight ka pa sa amin o di kaya'y ako tapos maglalaro tayo ng bahay-bahayan. Tapos lagi tayong nagwrewrestling sa kama. Lagi ka pa ngang talo sakin eh. Pano, ang lamya mo. Gaya ngayon. Nakadapa ka sa kama ko habang ako, nakapatong sayo. Oops, walang malisya ah. Nagwrewrestling lang kami.

"ARAY CHANYEOL!! BWISIT! ANG LAKI MO! ANG LAKI MONG KULANGOT! WAAH~" Sigaw mo habang nakadagan ako sa likod mo. Napatawa ako dahil halos hindi ka na makagalaw.

"HAHA! WALA KA PALA EH! ANO!? SUKO KA NA!? SUMUKO KA NA! 1~ 2~" Nagsimula akong bilangan ka habang ihinahampas ang kamay ko sa kama sa bawat pagbilang ko. Nang sasabihin ko na ang '3', nagulat ako dahil bigla kang nakawala sakin. Parang naipon mo ang lakas mo at ngayon, ikaw naman ang nakadagan sa ibabaw ko.

"KALA MO SAKIN? MAHINA!? HAH! MATATALO KITA!"

Gumuhit sa mukha mo ang napakalawak na ngiti. Ang saya saya mo, siguro dahil first time ay matatalo mo ko. Yun ang akala mo.

Hinawakan ko ang magkabila mong braso atsaka tinulak ka pahiga. Ngayon naman, ako na ulit ang nasa ibabaw mo.

"TANGNA!! MADAYA KA! MADAYA!" Sigaw mo sakin habang ako, pinagtatawanan ka lang.

Nakapatong lang ng mahigpit ang kamay ko sa mga braso mo habang patuloy kang pumipiglas.

"1, 2--" bibilangan na sana ulit kita ng bigla akong mapatigil. Napatigil ako dahil napatitig ako sa labi mo.

Malambot ba ang mga labi mo?

Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kung anong pumapasok sa utak ko at sinasabi na tikman ko ang iyong mga labi.

"C-Chanyeol..." naramdaman ko ang pagtulak mo sa akin pero nanatili pa ring nakahawak ang mga kamay ko sa braso mo. Seryoso akong nakatingin sayo habang inilalapit ang mukha ko sa mukha mo.

"A-Anong gagawin m-mo??" Inilihis mo ang tingin mo sakin pero nagpatuloy lang ako.

Hanggang sa maidikit ko na ng tuluyan ang labi ko sa labi mo.

Dugdug. Dugdug.

Yan na naman tangina. Biglang may nagwalang paru-paro sa aking mga tyan at tila may nagpapaputok ng fireworks sa dibdib ko. Same feeling. Ito rin ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakalapit tayo. Sa tuwing yayakapin mo ko. At sa tuwing magkakatinginan tayo sa isa't-isa. Hindi ko alam kung tama ba to o hindi kasi nga kaibigan kita. Ilang beses ko na itong itinatanggi sa sarili ko pero sa tuwing makikita ko ang ngiti mo, hindi ko maiwasang mahulog. Tama nga ata ako, Baekhyun.

Inlove na ata ako sayo...

-

My Turn to Cry (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon