Prologue

3 0 0
                                    

"What's that dad?" tanong ng aking anak.

"It's us. Picture of us. Me and your mom." sagot ko at ibinalik ang aking tingin sa larawan na hinahaplos ko kasabay ang pagguhit ng ngiti mula sa aking labi at ang dahan dahang pagbaha ng luha sa aking mga mata na pinipigilan kong kumawala.

"You miss mom dad?" tumango ako bilang sagot. "I miss her too dad. So much."

"You have to sleep now son. It's getting late." tumango siya. "Sleep with your sister. She said she miss you."

"Sure dad."

Nang makalabas na ng kwarto namin ng asawa ko ang aming panganay na anak, ay agad akong bumaling sa larawan namin ng aking minamahal. Tinitigan ko ito. Pagkakuwan ay hinahaplos ang kaniyang mukha. Tinitigan ulit at binabalikan ang alaala naming dalawa. Bumibigat ang aking nararamdaman. Napupuno na naman ako ng sakit. Nasasaktan ako sa mga alaala. Ngunit di ko maikakailang masarap ang aking nararamdamang sakit. Mga alaala niya na kasing sarap ng pinakamasarap na putahe sa buong mundo at ang sakit na katumbas ng milyon-milyong tinik na nakatusok sa aking katawan at puso sa katotohanang wala na siya sa aking tabi. Ninanais ko ang balikan ang aming alaala ngunit kapalit nito ang sakit. Sobrang sakit. Namimis ko ang babaeng pinakamamahal ko. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang yapusin at damhin ang init ng kaniyang pagmamahal. Gusto ko ulit na makita siya, ang  kaniyang matamis na ngiti, ang kaniyang tawa na nakarehistro na sa aking utak at ang kaniyang presensiya na nagpapakalma sa akin sa tuwing nakakaramdam na naman ako ng kidlat sa aking kalooban. Hindi ko maintindihan kung bakit napabilis ang pagkuha sa kaniya ng Maykapal mula sa aking pagmamahal. Hindi ko maintindihan kung bakit napakaaga para siya ay kunin mula sa aking mga bisig. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit maaga akong binawian ng tahanan.

"Nakapag handa ka na ba?" agad akong napapikit nang marinig ko ang isang malumanay na boses. Agad ko siyang binalingan kasabay ang pagdampot ko sa larawang aking hinahaplos kanina pa. Tiningnan ko siya sa mata at sinimulan ko ng magpaliwanag.

"Nais kong balikan ang alaala na kung saan siya unang dinapuan ng aking mga mata. Papasukin mo ako sa aming larawan at hayaan mo akong damhin ang kaniyang unang yakap at titig." saad ko sa seryosong boses ngunit mga mata'y nagsusumamo.

"Kung iyan ang iyong nais. Masusunod." ikinumpas niya sa hangin ang kaniyang kaliwang kamay. Nakararamdam na naman ako ng kasiyahan. Walang ngiti na gustong lumabas sa'king labi ngunit parang nagtatalon ang aking puso. Walang pagbabago. Ganito ako palagi. Isang beses sa isang buwan lang ito nangyayari kaya ang aking pananabik ay walang mapagsidlan.

At sa hindi malamang dahilan ay napadpad na naman ako sa lugar kung saan ko unang nakilala ang aking minamahal.

Nakasuot siya ng isang simpleng bestida na kulay dilaw na bumagay sa kayumanggi niyang kulay. Nakalugay na buhok na tila parang alon ng dagat. Napakasimpleng ganda. Simpleng ganda na nakapagpahumaling sa'kin ng ilang dekada. Magandang ngiti. Magandang personalidad. Simpleng babaeng aking minahal.

Nang magtama ang aming mata ay agad akong napatakbo sa kaniya at yinakap siya ng mahigpit. Gulat at pagkabigla ang nakitaan ko sa kaniyang reaksiyon ngunit ipinagsawalang bahala ko ito at mas hinigpitan ko pa ang aking pagyapos.

Di kalauna'y naitulak niya ako ng malakas. Inis at galit ang makikita sa kaniyang mukha ngunit ibang klaseng kislap ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.

Ako ba'y iyong nakikilala mahal ko?

Napatitig ako sa kaniya. Hindi mapigilang itago ang mga ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Photograph Where stories live. Discover now