Chapter 6: Smells fishy

Start from the beginning
                                    

"No," sagot ko dito habang abala pa rin sa pagko-compute.

"Hindi ka magla-lunch?" Tanong pa nito.

"No." umiling ulit ako at nagpatuloy sa pagsasagot.

"Hindi ka nagugutom?" Is this some sort of question and answer portion? Hindi naman ako nagbabalak sumali sa beauty contest or sa quiz bee.

"No," I said. This time, tumingin ako sa kaniya pero agad ding yumuko para ipagpatuloy ang pagso-solve.

"Wala ka talagang balak pumunta sa office?" Argh! I'm starting to get pissed. Nai-imagine ko na ang nakangiti niyang mukha dahil sa nakikita niya na naman akong nakabusangot.

"Marmyx, no," seryoso kong tugon. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at sinilip ang ginagawa ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa pintuan, "Si Jyll!"

Halos mabitawan ko ang ballpen ko nang marinig ang pangalang 'yon. Automatic na umangat ang ulo ko para tingnan kung totoo nga na nandoon si Jyll sa pintuan.

Disappointment was painted on my face when I saw no one there. Nang makabawi ay ibinaling ko ang tingin ko kay Marmyx at sinamaan siya ng tingin.

"Alam mo, Gallego, kaunti na lang at titirisin na kita," I said with conviction, trying to blackmail him.

"Mahal mo talaga, ano?" I don't know if that's a serious question or another chaff because he wasn't smiling when he said that.

"Eh?" I asked, confused.

Ngumiti siya sa akin pero hindi kasing lapad kapag nang-aasar siya, "you really love him, right? By just hearing his name, nagkasundo lahat ng muscles mo sa katawan para lumingon sa isang direksyon."

Tiningnan ko lang siya with a curious face. So, what is he pinpointing?

"Confirmed, 'di ka pa talaga nakaka-move on, Pres!" Humagalpak ito ng tawa na parang tuwang-tuwang inaasar ako. Aba! Sobra na 'to. Sa lakas ng boses niya ay napalingon tuloy ang lahat sa amin at tila mga nang-aasar na rin gamit ang titig.

"Hoy, Gallego, isa pang asar mo at ihuhulog kita sa building!" Sambit ko dito at muling bumalik sa pagso-solve.

"Harsh," tumatawang sambit niya at bumalik sa upuan niya. Buti naman.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagso-solve ko. Mabuti at wala na uling nagtangkang manggulo sa akin dahil baka tusukin ko na sila nitong ballpen na hawak ko.

Akala ko ay tuluyan nang matatahimik ang buhay ko nang muli na namang sumigaw si Gallego, "Pres, si Jyll!"

Sumagot ako nang hindi nakatingin sa kaniya, "don't me, Gallego. Iba na lang ang pag-trip-an mo at baka hindi kita matantiya!"

"Nandiyan nga, ba't ayaw mo maniwala?" Bakit ba ang kulit nito? Wala ba siyang magawa sa buhay niya at gusto niya akong idamay sa mga kalokohan niya?

Dahil napuno na ako, nilapitan ko siya sa upuan niyang nasa second row. Kinuwelyuhan ko ito at akmang babatukan ko na sana siya ngunit napatigil din ng makita ang seryosong mukha ni Jyll na nakatayo sa labas ng classroom. Nakasandal ito sa pader pero nakatagilid at nakatingin sa akin at kay Marmyx na halos magkalapit. Agad kong binitawan si Marmyx at naglakad papalapit kay Jyll.

"Ba't?" Tanong ko dito.

"Kanina pa ako nandito," sambit niya. "Hindi ko alam na may something na pala sa inyo ni Myx."

Hindi ko maintindihan kung bakit ang sungit niya. Tsaka, ano daw? May something daw sa amin ni Gallego? Oh, come on! Hindi ko ma-imagine na ka-hawak kamay ang tukmol na 'yon. Never!

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Where stories live. Discover now