Prologue

694 236 226
                                    

"Sister! Ang pogi! Next jowa mo na 'to!" sigaw ng kaibigan kong si Tanleigh, kung mga poging lalaki lang ang pag-uusapan - mabilis ang mata niya sa mga 'yan!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sa park, wala naman akong pakialam sa mga lalaki na 'yan. Andito ako para mag-relax at mag-unwind with friends. Hindi para mag-boy hunting.

"Princess Shaniel!" napalingon ako sa lalaking tumatakbo papunta sa direksyon namin. Pogi na sana kaso ang weird, sino bang magsusuot ng costume ng prince sa park?

"Shaniel! Stop!" Napabuntong hininga ako. All i want is peace of mind! Ayoko nang maingay! Kaya nagulat ako dahil may humawak sa palapulusuhan ko. The nerve! Are we even close?

"Shaniel anong ginagawa mo dito?" Seryoso niyang tanong.

Napataas ako ng kilay nang tinawag niya 'kong Shaniel. Takas nga siguro ito sa mental. Don't doctors really prioritize mentally-ill patients?

"Ugh! Get your hands off me! Sino ka ba?!" Inis kong sabi sakanya at binawi ang mga kamay ko.

"Hoy! Ikaw lalaking nakacostume na gwapo bitawan mo nga ang kaibigan namin!" Sigaw naman ni Cailean. 'Di ko alam kung tinutulungan ba niya ako o nakikipagladian lang siya.

"Princess Shaniel halika na baka hinahanap na nila tayo---" di ko na siya pinatapos kasi I interrupted his useless whereabouts

"Excuse me? Mali ka ata ng hinahanap. I don't know who the hell is your 'princess Shaniel'! I'm Aizaia! Aizaia Yzabelle Monterrio!" Sabi ko at binitawan na niya 'ko

"Your brother, Eliot is looking for you. Let's go back to the portal. Please stop this madness, I didn't knew that you were this scared. I'm sorry, love" shet. Bakit may pag-love? Sino ba si Shaniel, bat niya pinakawalan pa 'to. Huhu.

"What portal are you talking about? Naka-drugs ka ba? Kulang ka ba sa talk theraphy?" sabi ng isa ko pang kaibigan na si Maddison. Salamat naman at inuna niya ang psych studies kaysa sa landi!

"Bingi ka ba? I am Aizaia! Not Shaniel! Girls! Tumawag na nga kayo ng pulis!" Inis kong sambit.

Agad naman nataranta ang mga kaibigan ko, pero sa sobrang taranta - ayun, naging tanga na.

"Dial ka nga ng 8-700!" sambit ng siraulo kong kaibigan na si Tanleigh. Ito na nga ba sinasabi ko eh, napapariwara dahil lang sa poging lalaki.

"Bobita! Sa Jollibee 'yan! Gutom ka ba? Try mo 'yung 143!" sigaw pabalik ni Cailean

"Cailean, what the hell! Uunahin ba tayo ng Red cross sa current situation natin? Lalaki lang 'to, di naman bagyo! 911 kase!" Inis kong sabi. Umalis na lang ako kaagad sa kinalalagyan namin, nasstress ako sa mga sabog kong kaibigan at sa lalaking may sira sa utak .

"So parallel worlds are true? Ikaw yung counterpart ni Shaniel sa mundong 'to. Fuck, I'm so stupid. I look like an idiot" pabulong niyang sinabi, ngunit noong narinig ko ang salitang parallel world naalala ko 'yung lalaking nakilala ko noong bata ako... hindi kaya....

Bago ko pa man siya tanungin at pansinin, dumagsa ang mga kauri niya, if I was to describe it during that time, parang mga kawal sa barbie movies. I think it's not mere coincidence. Shet.

"Napaka dami niyo namang nakatakas sa mental, sir! Saang ospital ba kayo dinala, ha? May party ba kayo doon? Ano theme? The renaissance? O kaya medieval? Nakakaloka kayo!" Nagtatakang tanong ni Cailean. Napaka agaw pansin kasi! Bida-bida! May mga espada pa ang mga siraulo.

If i know lang! Baka binili nila yang 'espada' nila sa Toy kingdom! Mygod magsama sila ng fake niyang espada!

"Prince Zyair. May nahanap na po kaming trace kung nasa'n si Princess Shaniel" ngunit noong nakita ako ng lalaking kawal ay nagulat siya.

"Princess Shaniel? Andito lang pala kayo! Kung saan-saan na kami napadpad. Prince Zyair, umalis na tayo, masyado na tayong napapansin ng mga tao" nagmamadali niyang sambit.

"She's not Shaniel. Let's go" napaawang ang bibig nung kawal, takang-taka sa mga pangyayari. Ngunit bago pa man sila umalis ay linapitan ako nung Zyair?

"Magkikita ulit tayo, Yzabelle. I'll try to explain and apologize for the inconvinience I brought you."

Napatameme nalang ako at di parin makapaniwala sa nangyari.

Siya ba 'yung lalaking nakilala ko noong bata pa ako? 'Yung puro prinsipe daw siya at may kaharian siyang pamununuan pagtanda ang bukambibig?

Will someone from another universe make my world miserable?

I hope not.

Us Against the UniverseWhere stories live. Discover now