Chapter 6 - Following

Magsimula sa umpisa
                                    

Minsan na siyang naisama doon ng isa niyang kliyente, pero nag-inom lamang sila doon. Hindi sila cheap para pumatol sa mga burikat. Mayayaman at kolehiyala ang tinitikman niya, hindi sawsawan ng bayan.

Tang-ina naman Anayeli. Di ko matatanggap na isa ka sa mga pokpok na nagbebenta ng aliw sa lugar na ito. I swear to God tatanggalin kita sa trabaho! I don't need a slut in my company! Galit niyang asik sa isip habang minamasdan ang nagmamadali sa paglalakad na sekretarya.

Napahampas pa siya sa steering wheel. Hindi niya malaman kung bakit ba siya inis na inis sa natuklasan. E wala na naman siyang pakialam dito.

Nakita niya na pumasok si Anayeli sa 24/7 na building. Kilala ang club na iyon na nagbibigay ng extra service bukod sa inuman at live na sayawan ng mga burikat doon. Aside from their super loud music, you can also meet lots of shitty people inside that club.

Most women in that club are wearing the tightest dresses, shortest skirts, or the lowest cut shirt. That 24/7 club is all about women's assets which are showing their asses, boobs, etc. It's a perfect club for a sex cocktail. Pero mga sosyal ang mga babae nila. At mayayaman lang ang customers nila.

Doon sila nag-inom dati ng kliyente niya. Akala mo ay basta lang nagbebenta ng alak ang mga babae doon. Pero pa-simple na silang mag-aalok ng katawan sayo kapag alam nilang medyo nakainom na ang customers nila.

Pero bakit hindi ko nakita noon doon si Anayeli? Naka-book ba ito sa customer nang araw na yun kaya hindi ko ito nakita? Kunot-noong tanong niya sa isip.

Tang-ina talaga! I can't believe it, Anayeli! Mas mabuti pang itinanan na lang kita ng sapilitan noon kaysa magbenta ka ng katawan! Hindi ko ito kayang tanggapin. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng minahal ko ay sa ganito nasadlak. Damn that woman! Inis na inis na naman niyang sermon sa utak niya.

Hindi niya maintindihan kung maiiyak siya o maaawa sa dalaga. Basta ang alam lang niya ay nanghihinayang siya sa dating Anayeli.

Ang Anayeli na minahal niya ay pino kung kumilos at gentle kung magsalita. Palaging may words of wisdom na sinasabi sa kanya. Hindi maigsi manamit at lalong hindi nagme-make up. Natural ang kagandahan nito at napaka-inosente.

Napabuntong‐hininga siya ng malalim at napasandal sa upuan habang inaalala ang dating kolehiyala niyang kasintahan. Iba ka na talaga ngayon. May panghihinayang pa rin niyang sabi sa isip.

Sa ilang minuto niyang nakamasid lang sa 24/7 mula sa loob ng kotse niya, ay bigla niyang naisipan na pasukin ang nasabing nightclub.

Pero hinubad muna niya ang suit na suot niya. Kinuha niya sa may backseat ang bag niya na may laman na ilang damit. Nagpalit siya ng simpleng polo lang. Para naman hindi siya agad makilala ni Anayeli at ng mga tao doon na posibleng nakasalamuha na niya. Club na tambayan iyon ng mayayamang uhaw sa laman at aliw. Kaya imposible na wala siyang kakilala na nasa loob ngayon.

Nagsuot siya ng baseball cap at ngumata siya ng bubble gum. Para mas mukha siyang astig. Nagpalit din siya ng rubber shoes. Nagsuot siya ng sun glasses. Ayaw niyang ipangalandakan ang itsura niya lalo na sa ganoong klase ng lugar. Hindi naman para mag-renta siya ng vip room doon. Dahil si Anayeli lang ang target niya sa loob.

Hindi naman siya nahirapang pumasok sa nasabing bar. Dahil hindi naman siya mukhang menor de edad.

Nang nasa loob na siya ng 24/7 club ay agad hinanap ng kanyang mga mata si Anayeli. Pero hindi niya ito makita kahit na hinagod na niya ng tingin ang lahat ng sulok ng lugar na iyon. Hanggang sa nakita niyang may lumabas na lalaki sa isang pinto sa second floor ng club. Lalo siyang kinabahan dahil kasunod nito ay si Anayeli.

Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon