Chapter 1 - Doubt

61 4 0
                                    

"Ate, tingnan mo yung babae o parang dinudukutan ng lalaki."

"Nasaan?"

"Ayun oh sa gilid ng Mini stop," nguso ni Teng sa kinaroroonan ng babae.

"Wala namang kasama yung babae ah."

"Umalis na yung lalaki. Hindi naramdaman ng babae na nalaslas na yung bulsa ng bag niya. O ayun oh kinapa na niya ang bag niya. Ayan, nakita na niya na nawawala ang wallet niya. Kawawa naman tingnan mo oh," nguso muli ni Teng sa babae na noon ay umupo na sa upuan na nasa labas ng convenient store.

Nasa loob ng kotse si Teng at Corazon nang mga oras na yun. Kanina pang natatanaw ni Teng ang babae na naglalakad habang mabagal siyang nagmamaneho. Hanggang sa nakarating nga ang babae sa may Mini stop at doon sa medyo madilim ay may lalaking biglang sumulpot at agad nilaslas ang bag ng babae. Hula ni Teng, marahil ay nag-aabang ng taxi ang babae. Kaya ito pumuwesto sa gilid ng kalsada na iyon na sinamantala naman ng magnanakaw. Dahil nga nag-iisa lamang ito sa pwestong iyon.

"So, what do you want to do with her?" tanong ni Cora nang makita na ang babae na nakaupo sa may labas ng Mini stop. Panay ang haplos ng babae sa buhok na tila problemado. Marahil dahil wala na itong pera ngayon na maipapamasahe.

"Ano ba ang ginagawa sa mga taong kawawa at nangangailangan, Ate? Di ba ikaw ang expert sa ganyan." Ipinarada ni Teng ang kotse nito sa gilid ng kalsada malapit sa Mini stop.

"Alam ko na kailangan silang tulungan. Pero noon yun, ngayon iba na ang panahon. May apat na akong anak na umaasa sa akin. Wala na ang Kuya Gio mo. Kaya ayoko ng makialam sa ganyan. Baka mamaya nakabantay pa yung magnanakaw na yun sa paligid mapahamak pa tayo," katwiran ni Cora.

"Ate, sa palagay ko wala na sa paligid ang magnanakaw na yun. Kaya tara na tulungan na natin yung babae, kawawa naman oh."

"Teng, nakikita mo ba ang dibdib ko? Sasabog na ito sa sobrang sakit, gusto ko ng mailabas ang gatas na ito. Kaya tara na hinihintay na ito ng kambal," giit nito sa kapatid.

"Ano ka ba Ate, hindi ka naman mamamatay kapag sumabog yang gatas sa dibdib mo. Pero yung magandang babae na yun, baka mapahamak kung hindi natin tutulungan. Kahit bigyan ko lang siya ng pamasahe pauwi sa bahay niya."

"Gaga, malay mo modus nila yan!" pairap na sabi ni Cora dito.

"Tingnan mo nga siya oh, ang ganda-ganda kaya niya. Tapos pag-iisipan mo na baka kasabwat nung lalaki kanina," papuri naman ni Teng sa kawawang babae habang patuloy na minamasdan sa di kalayuan.

"Sis, don't you know that looks can be deceiving? Kaya tara na dahil sasabog na talaga ang gatas sa dibdib ko. Kailangan na itong madede ni Calvin at Zik!" pamimilit pa rin ni Cora dito na makauwi na dahil masakit na talaga ang dibdib nito.

"Ate, nasaan na yung itinuro mo sa akin na always put yourself in other people's shoes because they don't know what they are going through?" pangungonsensiya pa nito kay Cora.

"Alam ko, pero sasabog na talaga ang dibdib ko, sissy!" giit pa rin nito kay Teng.

"Kaya nga ito na oh! Ang laki ng problema mo e ang dali-dali lang nyan solusyunan," pabiro namang sabi ni Teng.

Ilang sandali pa ay inabot ni Teng ang cooler sa likod ng driver seat nito. Sa cooler na iyon nakalagay ang mga gatas na nai-pump na ni Cora kanina sa opisina nito. Nasa cooler din ang kanyang pumping machine. Kaya kinuha agad iyon ni Teng at ibinigay sa kapatid.

"O ayan, bombahin mo na dito yang gatas mo kung hindi ka na makatiis na mabawasan yan. At ako naman pupuntahan ko lang saglit yung babae," napapangisi nitong sabi sabay bigay ng pumping machine sa kapatid.

Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon