Bago pa man ako makapagsalita, nalingat ang atensiyon namin parehas sa bandang unahan. At napagtanto kong may mga news reporter sa labas, kasama si Hershey.

Mukhang nasundan na naman siya kahit na bihis na bihis na siya. I knew that it was her because I've known her for years already.

"At kasalukuyan na nga pong nasa 'Light of Firing Shots' si Miss Hershey. Ito na nga ang loob," sabi ng isang reporter. Halos hindi ko na maintindihan ang kanilang mga sinasabi dahil ang dami nila.

Nagkatinginan naman kami ni Von. Kaagad namang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang unang salita. Parang mapo-promote pa ito lalo gayong isang sikat na artista rin si Hershey! Alam naman niyang malaki ang impluwensya niya sa mga tao kaya naman laking pasasalamat ko rin sa kaniya iyon.

"What can you guys say about the exhibit?"

Tanging iyon na lang ang narinig ko nang magtilian ang mga tao sa loob. Kaniya-kaniya silang opinyon at suhestiyon. And I was glad knowing that they're satisfied! Wala rin akong narinig na negatibo.

Napagtanto kong ang pinakamaingay pala na may hawak ng mic ay mga tropa ni Von. Aya was just beside Arianne and Harvey, ayaw ring magpa-expose masyado sa t.v.

Matapos humupa ang mga alon ng tao, nakangiting sumalubong sa akin si Hershey na hinihingal. Alam kong pagod siya kahit na may nakaukit na ngiti sa kaniyang labi.

Von gave him bottled water. Kunot-noo niya iyong tiningnan bago dumapo ang mata sa lalaking pinakamamahal ko.

"Alam mo, pogi ka, e. But I'm sorry, you're not my type," si Hershey na hindi tinanggap ang bote. Pumunta siya sa gilid ko kung saan hindi niya makakausap pa si Von at inangkla ang kamay sa braso ko.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. I mentally snorted. I knew that Von is handsome since then! But did he say that his taste's like Hershey? Baka hindi ko lang narinig kaya gano'n?

"Huh?" Von lowly chuckled before holding his nape. Saglit na nagtama ang mga mata namin bago niya iyon ibinaling kay Hershey. "Who said that you're my type, miss? Nasa tabi mo ang mahal ko." Nginuso niya ako.

Kaagad akong nakaramdaman ng pamumula ng pisngi. Shit! Sinabi niya talaga 'yon?

Sa pagkakataong 'yon, hindi ko akalain na matutuwa ako sa narinig. Kadalasan kasi ay gusto kong magpalamon sa lupa!

"W-What?" singhal ni Hershey, sabay lingon sa akin. "You didn't bother to tell me na mayroon ka nang boyfriend? Walang ligaw-ligaw?" Humalukipkip siya.

Mahina akong natawa bago hinawakan ang dalawa niyang braso. Pinaningkitan niya ako gamit ang kaniyang mga matang mapang-akusa, dahilan para mas natawa ako.

"Ano ka ba? Hindi pa ulit kami!" Binulungan ko siya na saka ko na lang ikukuwento sa kaniya kapag wala na si Von sa tabi namin.

"Deretso fiancé na," he whispered that made both of our eyes grew bigger. His arm wrapped around my waist, the reason why I felt his firm chest.

"Ay, taray! Bakit, financially stable na ba?" pang-aasar ni Hershey. Nag-angat lang si Von ng kilay bilang sagot ng 'oo'.

It was already closing hours and I couldn't explain the joy I was feeling. Para akong lumilipad sa kalangitan!

Bago kami umalis mismo sa tapat ng exhibit, muli ko pinagmasdan ang panlabas na kagandahan no'n. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Von na nakapatong na sa ibabaw ng balikat ko.

"Proud na proud ako sa 'yo... Sa lahat ng naabot at maaabot mo pa," himas niya sa balikat ko. Medyo nanginginig pa ang kaniyang boses, at alam kong kaunti na lang at mapupunta iyon sa pag-iyak.

I sighed deeply and exaggeratedly. "Are you still proud of me... even the days when we broke up?" I hesitantly asked.

Nilingon ko siya, sabay tingala. Deretso lang ang mga mata niya sa buwan na mag-isang nagniningning sa kalangitan.

I'll never regret loving this man.

Tipid siyang ngumiti. "Of course... Actually, I didn't regret that we both broke up," mahina siyang natawa sa ideyang iyon, hindi makapaniwala.

I suddenly felt a sting on my chest. Ano'ng ibig niyang sabihin? Hindi ko maipaliwanag ang gusto niyang iparating. Parang may matinis akong narinig matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon.

Tumingala na lang din ako sa kalangitan para ibsan ang bigat sa dibdib ko. Para namang nabawi lahat ng saya na naramdaman ko kanina. Nalingat lang saglit, kalungkutan ulit?

"Seeing you achieving your dreams now? Who wouldn't be happy?"

Hinarap niya ako sa kaniya. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan sa mga mata. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko, at sabay iwas.

"If 5 years without you will lead us to success, then those years were all worth it," he whispered beneath his hoarse voice.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko nang yakapin ko siya nang mahigpit. Bumagsak iyon sa kaniyang balikat at alam kong naramadaman niya iyon. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang napahikbi ako.

"I-I love you, Von... Always," I whispered, sobbing.

Inilayo niya ang ulo ko sa kaniyang alikat at iniharap sa kaniyang mukha. I had to bit my lower lip to suppress my soft sobs. Inilagay niya sa likod ng tainga ko ang mga takas ng aking buhok.

Ngumiti siya. "Mahal din kita. Habangbuhay."

And when his lips met my forehead, my tiredness immediately vanished because of that.

Tahimik lang kami buong biyahe pauwi sa amin. Nauna na ang mga kaibigan namin doon kanina pa.

Napalingon ako sa kaniya nang ipinagsalikop niya ang aming daliri. Deretso lang ang mata niya habang nagmamaneho.

"Sleep. I know you're tired already... Narito lang ako."

And I did what he have said. Nagising na lang ako na nasa loob na ako. Nagkakantahan sila at may kaniya-kaniya silang beer na hawak.

At first, I didn't know where do they get the food. But then I realized that Mommy prepared a lot of food for us. Nasabi yata nina Kuya na pupunta ang mga kaibigan ko ngayon.

Naroon si Mommy at nakiki-bonding din sa mga kaibigan ko. Si Alain ay kinalalaro si Chimmie. He didn't age! Napaisip naman ako kung mayroon bang girlfriend 'to. Samantalang si Harvey, panay tingin sa kaniyang phone. Kawawa naman 'to, palaging pinaghihintay ng kausap. Antoine was just talking with Von and my brother.

Si Aya at Arianne naman ay napansin kong nag-uusap nang masinsinan. May pa-actions pa si Aya kung magkuwento!

Nang mapansin ni Von na gising na ako, kinalabit niya si Mommy. Nanlaki ang mga mata niya at pumasok sa kusina.

Ako naman ang nanlaki ang mga mata nang paglabas niya, kasama niya na sina Ate Jamilla at ang anak niya, Kuya Ian, Kuya Dahril, Lolo, Mang Ruben, and Zairah who was holding a cake.

Sinindihan ni Mang Ruben ang kandila at sabay-sabay silang pumalakpak ng mga kaibigan ko.

"Congrats, baby girl!"

At nang makalapit sila sa akin, pinahipan nila sa akin ang apoy. Sinsero akong nagpasalamat sa kanila.

Lumapit si Mommy sa akin at niyakap ako. "Ang laki-laki mo na talaga, anak... Proud na proud ang Mommy mo sa 'yo. Kami ng Daddy mo..." garalgal niyang bulong.

Ngumiti ako, at totoo na iyon. Wala nang bigat. The scars remained and every time I would look at them, I remembered my past. But it already healed. The pain was gone.

The spaces in my heart are both for Vannah and my Dad. I will always leave space for them.

"Thank you, mommy..." I kissed her cheek. Ang tagal na panahon bago ko muling nagawa 'yon.

I waited this for several years. And what I had been through wasn't a joke. Now that all is well, I won't hesitate to value them more. What was stopping me now? No one; nothing anymore.

Through the light and dark, it was more worth living for if I am with the person I'm in love with.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now