Pero bago pa man ako makapagdesisyon, nakita ko si Von na papalapit. He was wearing his usual architect attire today and a sunglass. Nang tanggalin niya iyon, kumindat siya na naging dahilan ng pag-ikot ng mga mata ko.

"Siya ang bibili, Ma'am."

I guess Anthony had no idea what was the score between me and Von. Kahit ako rin naman... hindi ko alam kung ano na ba ulit kami. Ang alam ko lang ay nanliligaw na ulit siya. Babawi raw siya, ginagawa niya naman.

"What?" I whispered. Bakit naman niya gagawing bilhin ang mga frame? At talagang malaking halaga pa ang ilalapag niya para makabili lang!

Kahit na may mga bulungan ang tao sa paligid, hindi ko iyon binigyang pansin. Mas nanaig ang tuwa sa akin na makita ko ulit siya... I knew I have attached to him again. But this time, I fear nothing because he assured me; I am doing the same.

Alam kong narinig niya ang ibinulong ko, kaya naman sumilay ang kaniyang pilyong ngiti. I badly wanted to refuse what he was buying! At saka, puwede ko naman siyang bigyan na lang!

But still, he's a customer here. Labas muna ang kung ano man ang mayroon sa amin.

"Is it yes or no?" tanong niya.

Nagkatinginan naman kami ni Anthony. He was urging me to accept it through his eyes.
"Sayang naman, Ma'am..."

Minutes have passed before I finally accepted my defeat. Sayang nga... Pero kikitain ko rin naman iyon. At para magkaroon nang ganoon kalaking halaga sa mabilis na paraan? It sounded unfair.

"What now, Miss Maristella?" Von casually asked.

Napairap na lang ako sa kawalan dahil nagngising aso siya. I didn't know why was I feeling this... Lately, paiba-iba ang mood ko. Madalas din ay gusto ko ng bagay na hindi ko mawari kung ano ba talaga ang ibig sabihin. Hindi ko na lang iyon binibigyang pansin dahil baka gutom lang talaga ako.

"S-Sige," I heaved a sigh, turning around to calm myself. Bago pa man ako makalabit ni Anthony ay humarap na ako. "Hindi ko tatanggapin ang halagang ibibigay mo. If you really want the frames..." Nilingon ko ang mga iyon. "I-I can give you some frames instead of buying them, I won't hesitate to do so..."

Napasinghap at napahilamos sa mukha si Anthony sa narinig. Nagsalit-salit ang kaniyang mga matang nanlalaki ang tingin sa amin ni Von na nagtataka sa iniaakto ng personal assistant ko. He didn't butt in which I found good.

"No," mahinang niyang sinabi. "I'll pay more than its price. I know that you didn't raise it too much..."

I cleared my throat and faced Anthony who was still preoccupied. Mayroon na siguro siyang clue tungkol sa amin ni Von... Hindi ko naman iyon tinatago. Hindi lang nila tinatanong, kaya, bakit ko sasabihin?

"Uhm... Anthony, may mga bagong pasok," nguso ko sa mga tao. May mga iba pa namang nagbabantay rito katulad ni Lala na pansamantala munang naki-raket.

And I wasn't lying! Mayroon talagang bagong pasok.

Pagkapaalam niya, kaagad kong hinarap si Von na nag-angat ng kilay sa akin. I was waiting for him to talk, but we just ended up staring at each other.

A little bit of shock crept in me when I felt his hand on my wrist, convincing me to let him buy the frames.

"Baby, please..." he whispered.

I held my breath. "V-Von, sige..." hindi ko mapigilang sinabi. Napapikit na lang ako sa pinaghalong panlulumo sa kaniyang boses, at inis sa sarili dahil tuluyan na akong pumayag.

"I'll transfer it to your bank-"

Pinutol ko siya. "25k for 5 frames is already enough."

He shook his head. "You have no choice, Ja." Umikot naman ang paningin niya, hinahanap ang magugustuhan niyang bilhin. "Those shotframes of sun, moon, mountains, beach, and skies, I'll take that."

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara