"How..." Bulong niya kahit tila rinig na rinig ko naman. Kumunot ang aking noo.






"Ano po?" Tanong ko.






"Don't you remember me?" Tanong niya na mas lalong gumulo sa sistema ko.






"N-Ngayon pa lang po tayo nagkakilala." Tugon ko.






Tila hindi nagbago ang kanyang ekspresyon, ang kaninang mata niya na nagsusumigaw ng kapangyarihan ay napatilan na ng kalungkutan.






"Why can't you remember me?" Tanong niyang muli.






Mas lalong napakunot ang aking noo nang dahil sa sinasabi niya. Gulong-gulo ako at tila walang naiintidihan sa gusto niyang iparating.






"Mayor," Mahinang tawag ko.






"Klaus." Wala sa sariling pagtatama niya.






"You used to call me by my name before so why are you calling me like that now?" Tumayo siya at tila hindi nagustuhan ang tinawag kong pangalan sa kanya.






Wala sa sariling napaatras ako sa takot, hindi ko alam kung bakit aalarma ako sa biglaang pagtayo niya at paghakbang palapit sa akin.






Nang mapansin ang takot sa mata ko ay tumigil siya sa aking harapan, naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisnge na nagparamdam sa akin ng seguridad.






"What happened to you?" Namamaos ang kanyang boses at tila hirap na hirap sa pagbigkas.






Agad kong hinawi ang kanyang kamay at tumayo upang lumayo ng bahagya sa kanya, katulad kanina ay puno pa rin ng kalungkutan ang kanyang mata na labis kong ipinagtataka.






"H-Hindi kita kilala, b-baka nagkakamali ka lang..." Tugon ko.






Umiling siya at mabilis akong kinabig at niyakap ng mahigpit, napapagitnaan namin ang dalawang box na dala-dala ko.






"I'm not mistaken. I know it's you, Amber. From the moment that I laid my eyes on you, I know it's you." Tugon niya habang nakayakap pa rin sa akin.






"M-Mayor..."






"That's why I'm wondering, why can't you remember me?" Pag-uusisa niya.






Buong lakas ko siyang tinulak palayo, "Hindi kita matandaan dahil hindi naman kita kilala!" Sagot ko.






"Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit mong sinasabi 'yan pero isa lang ang gusto kong sabihin sa'yo, hindi ako ang babaeng hinahanap mo." Tugon ko at tinalikuran siya, nagmartsa ako papuntang pintuan ngunit bago ko pa mapihit ang sedura ay nagsalita siya.






"A-Amber... I'm sorry." Basag ang kanyang tinig, gusto ko siyang lingunin ngunit may nagsasabi sa utak ko na huwag kaya umismid na lamang ako at tuluyang umalis ng opisina ni kapitan.






"Oh, tapos na kayong mag-usap ni Mayor, Rosi?" Tanong ni Kapitan pagkalabas ko ng opisina.






Tumango ako, "Nababaliw na ang mayor niyo," Tugon ko at mabilis na naglakad palayo.






Narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko ngunit hindi ako nag-abalang lumingon.






Malalaki ang hakbang ko pauwi ng bahay, tiyak kong galit na galit na sila mama dahil ang tagal ko.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now