special chapter 1

847 30 25
                                    

(A SPECIAL CHAPTER FOR JOSH ;) )

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

(A SPECIAL CHAPTER FOR JOSH ;) )

-

THIRD PERSON'S

For the final touch for his attire, inayos niya ang necktie niya at saka muling chineck ang kanyang buhok. He smiled on his self nang makita niya ang kanyang itsura. It satisfy him so much.

After 3 years, naka-graduate na rin ang binata at nakapag-tayo na ng sarili niyang kompanya. But what makes him more admirable for the others? Is that he was always humble and helpful to his employees. Lalo kapag gipit ang mga ito, he never think twice to help them. Kaya siguro lumaki ng husto ang company niya dahil sa sobrang down to earth niya sa lahat ng mga makakasalumuha niya.

He was still single pero he can say that he was now free. Napalaya niya na ang sarili sa pagkagusto niya kay Reign pero he still felt incomplete. Dahil siguro sa wala pang nagpapasaya sa kanya, sa ngayon.

Sumakay ito sa kanyang mamahaling sasakyan bago ito pinaharururot ng husto.

He was driving carelessly kaya naman natalsikan niya ng putik ang damit ng isang babae na tahimik na naglalakad sa side walk. Napatigil ito ng sasakyan at nagaalalang bumaba ng kanyang kotse.

"HOY! ANG LAKAS NAMAN NG LOOB MO!" Rinig niyang sigaw ng babae.

"Miss, look. I am sorry for that, hindi ko napansin na maputik pala dito" imbis na kumalma ang babae ay mas lalo lang naginit ang ulo nito kay Josh.

"Hindi napansin?! Taena ka ba? Hindi na lang kase mag-drive ng maayos! Akala mo ba kina-cool mo yang kotse mo?! Vro hindi!" Giit niya pa habang pinupunasan ang suot niyang palda.

"Chill miss. I am sorry okay?" Natatawa niya pang sabi sa babae. He wanted to admit na ang cute niyang magalit. Dahil sa kaputian niya ay halata ang pamumula ng pisngi at tenga niya sa galit.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Saka ano? Chill? Paano ako matatanggap nito sa trabaho?! Anong chill?! Ihampas ko kaya 'to sa mukha mo?" Sabi nito habang tinutukoy ang dala nitong port folio. Malamang ay laman nito ang mga papeles na kailangan sa paga-apply niya.

"Ihahatid na lang kita sa destination mo. Sorry talaga" alok niya pero tinignan lang siya ng masama ng babae.

"Ayoko! Mag-drive ka mag-isa mo! Mamaya rapist ka pala. Eww!" Sabi niya at naglakad papalayo kay Josh.

"Miss! What's your name? I am Josh" malakas na sigaw nito at bakas sa kanyang labi ang kakaibang ngiti.

"You don't need to know!" Sigaw nito pabalik kay Josh at nagpatuloy sa paglalakad.

-

"Sir, andito na po yung naga-apply na secretary niyo"

"Uhm, let her in" sabi ni Josh habang naka-focus ang atensyon nito sa mga papeles sa table niya.

Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng pagtunog ng sapatos. Marahil ay nakapasok na ang maga-apply na secretary niya kaya naman ngumiti ito at tinignan kung sino man ito.

"Good morning" nakangiting bati ni Josh nang makita kung sino ito.

"IKAW?!" sigaw niya kay Josh at nakaturo pa ang hintuturo nito sa binata.

"Me? Yes me" pagbibiro ni Josh pero nanatili lang na masama ang tingin ng babae sa kanya.

"So, ikaw pala yung maga-apply. Let me see your resume" naghehesitate pa ang babae ngunit bumuntong hininga na lamang ito at inabot ang resume sa kanyang boss.

"Yvonne Gomez, huh?" Napangiti na lang si Josh. Sa totoo lang ay pababalik balik lang ang mata nito sa picture at pangalan ni Yvonne.

"Nice to meet you, Ms. Yvonne. Welcome to my company. Please feel free to ask me if you need something. Even my heart" pilyong sabi nito at binulong ang huling salita.

"Ano?!" Sigaw na tanong ni Yvonne. Patay-malisya siyang tinignan ni Josh at ngumiti ng pa-inosente.

"Nothing, I said welcome to my company" napayuko na lamang si Yvonne at patagong inirapan ang boss niya.

"Geez, apaka-malas" bulong ni Yvonne sa sarili.

"Please take sit" nakangiting sabi nito. Dahan dahan itong umupo sa harap ni Josh at tila ba'y naiilang sa mga titig nito.

"Sir, I am sorry. Stop staring please" nakayuko nitong pakiusap dahil naiilang talaga siya sa bawat titig nito.

"Oh I am staring? I am sorry. Masyado ka lang kasing intimidating. I just can't keep my eyes off you" pagbibiro nito at ibinalik ang tingin nito sa resume ni Yvonne.

Hindi siya naniniwala sa Love at first sight pero mukhang binabawi niya na ito. He found her really cute and pure kaya naman hindi siya nahirapang magkaroon ng 'crush' dito

I guess hindi niya na kailangan pang malungkot. No matter what happens, he will make her fall in love with him. Because he knew that she's the one.

-

(IMAGINE NA REINCARNATION SIYA NI BRIDGETTE AT THIS BOOK LOL. AYAN NA YUNG PASABOG KO HAHAHAHA. HINDI KO HAHAYAANG SINGLE SI JOSH DITEY KASE HE DESERVE TO- BASTA HAHAHAHA)

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें