THIRD PERSON'S
"Umagang umaga nakabusangot ka" salubong ni Josh kay Sejun nang makapasok ito sa room nila.
"Nakakabadtrip kase" tanging sagot lang nito.
"Bakit na naman?" Singit ni Stell na kakarating lang.
"Lumipat sila Reign near my apartment. She was still bothering me" nakakunot noong sabi nito.
"Maybe you still love her" nagkibit-balikat na sabi ni Josh sa kanya.
"Are you kidding me? 4 years na yun, Josh. Iniwan ko na lahat ng feelings ko sa kanya 4 years ago" natawa na lang ang dalawa. He looked so pissed.
"Asan nga pala sila Justin?" Tanong ni Sejun sa dalawa.
"Pasunod na rin yung dalawa"
"Hoooy!" Sabay sabay silang napatingin sa pintuan nang biglang may sumigaw.
"Speaking of" natatawang sabi ni Stell habang tinitignan si Ken at Justin na lumakad papalapit sa kanila.
"Wala kang galang" sabi ni Ken at binatukan ang nakababatang kasama.
"Wait wait. Take two" bumalik ito sa labas at sigang pumasok muli sa classroom nila.
"Hoy po!" Natawa naman silang apat sa ginawa ni Justin.
"Ok class. Take your seats" nagsi-upuan ang lahat nang dumating ang first subject teacher nila.
"We have a new student. You all should be nice to her. Understand?!"
"Yes ma'am!" Sigaw naman nila.
"Ms. Cruz, you may enter our room" tawag nito sa sinasabing bagong estudyante. Ilang sandali lang ay may pumasok na babae sa classroom nila.
"Good morning!" Nakangiting bati nito sa lahat.
"Bago ba yan?" Sarkastikong tanong ni Justin kay Ken. Samantala, nagkibit balikat lang ito.
"Please introduce yourself" nakangiting sabi ng teacher nila sa dalaga.
"Good morning everyone! My name is Reign Gabrielle Cruz. You can call me Gab, Gabrielle, or simply just Reign. Nice to meet you all. Please take care of me" nagsipalakpakan ang kalalakihan nilang kaklase.
"Thank you Reign. You may now take a sit" sandali itong luminga linga para maghanap ng mauupuan. And there, he found a vacant seat beside him. Tinignan niya lang si Josh na katabi ni Sejun sa kabilang side. He just nodded at her.
Lumakad ito papalapit sa inuupuan ni Sejun with her sweet smile. Inilapag nito ang gamit niya at agad na binati si Sejun na busy naman sa pagsusulat.
"Hi Paulo!" mahinang bati nito nang hindi marinig ng kanilang guro. Sandali lang itong tumingin sa dalaga ngunit agad ding bumalik sa pagsusulat.
"Aren't you happy na andito ako?" Kunwaring nagtatampong sabi nito.
"Mukha ba akong masaya?" Mahinang tugon niya sa dalaga kaya bumagsak ang reaksyon ng mukha niya.
"Uhm, s-sabi ko nga" she said with a little smile at pilit na itinatago ang sakit na naramdaman sa sinabi ng binata kanina.
Inilabas nito ang notebook at ballpen na gagamitin niya but then she remained bothered kaya patago ulit siyang nagsalita.
"Paulo, pwede ba tayong mag-usap mamaya?"
"Wala na tayong pag-uusapan. Busy ako" malamig na sabi nito kaya wala itong nagawa kundi sumandal sa upuan niya at manahimik na lamang.
TO BE CONTINUED...
![](https://img.wattpad.com/cover/222497517-288-k945417.jpg)
BINABASA MO ANG
❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Why are you still denying that you need her?❞ ➳ In which John Paulo Nase keeps on denying that he still loves her ex-girlfriend ➤ John Paulo Nase x Reader ♡𝐞𝐬𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐞𝐭𝐞𝐞𝐧 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #5♡ [𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊...