10

50 17 11
                                    

"Aligning what?" Brad said. I didn't know that I've said that aloud.

"Ha? Nothing," I lied.

We arrived at our house and bid my good bye to Brad. I lay down at my bed.

"Hay, it felt like a long day already," I said to myself remembering what happened.

I felt my cheeks turned red. Why did I have to hug him? Sobrang nakakahiya, eh sabi niya naman do what I need to cope pero seriously? Pagyakap talaga sa kaniya sa tingin ko makakapag-ease ng feelings ko?

Nagpaikot-ikot ako sa kama dahil sobra talaga akong nahihiya para sa sarili ko. I also kept on checking my phone, nag-aabang baka sakaling may notification galing sa kaniya.

Malay mo asarin niya 'ko diba? Ano pa bang dahilan para i-text niya 'ko diba? Napasapo na lang ako sa mukha ko, why do I keep on thinking about him? Siguro kasi I feel indebted to him because of what happened. Kainis talaga 'yang utang na loob na 'yan.

Nag-aral na lang ako to distract myself. And I turned off my phone, kasi wala lang.

After a while, I looked at the clock to see what time is it already. Grabe 10:45 na pala ng gabi. Napasobra yata ako sa pag-aaral, I did my night routine including our note-writing. And for the last time I checked whether he'd texted me or what pero wala talaga. May nagawa ba 'ko? I kept asking myself.

Isang week na pala ang nakalipas at si Maddie lang nag-take over buong week. Ngayon pa 'ko napatapat sa debut ni Brianna. Kaya nandito ako ngayon sa living room namin at may face mask na suot. Naaalala ko kasi note nun ni By na magsuot ng ganito kapag may pupuntahang importante. Good for my skin daw.

Napalingon ako sa katabi ko at natawa dahil sa itsura niya sa face mask. May pipino pa siya sa mata.

"Stop laughing, nadamay lang ako rito," he said while tapping his fingers on the sofa.

"Talaga lang ha? Mukha kasing mas nag-enjoy ka pa kay sa sa'kin," at tinawanan ulit siya.

"Don't laugh, baka masira 'yang mask mo. Mahal-mahal niyan eh," sagot niya.

"Bakit kasi nandito ka pa? Diba dapat tinutulungan mo kapatid mo? Hello debut 'yun?" Tanong ko sa kaniya.

"Organized na 'yun tsaka mamayang gabi pa naman eh. 'Di rin naman ako escort niya and I got to spend time with you," sabi niya sabay tanggal ng pipino sa mata.

"Ako lang 'to oh?" Sabay tawa sa kaniya kaso nasira nga 'yung mask.

Buong araw yata nag-pamper lang ako ng katawan. Nagpunta pa ako spa at nagbabad pa sa tub para lang lumambot ng todo ang balat ko. Wala na rin si Brad kasi mauuna raw family nila sa place. Okay lang naman kasi kasabay ko parents ko, invited din sila kasi family friends naman sila.

Nag-ayos na 'ko at sinuot ang long dress. Sakto lang ang fit sa'kin at bagay ang kulay kasi I have a fair skin. Basta parang it was made just for me. Inaayos ko rin ang buhok ko at nag-updo. Nag-iwan din ako ng ilang strand ng buhok and curled it. Light makeup lang din nilagay ko para 'di mabigat sa mukha.

Pagkadating namin sa place pumunta ako sa isang room nandun daw kasi ang debutant.

"Maddie!!" Takbo niya papunta sa'kin.

"Happy birthday,mahal," sagot ko sa kaniya at ngumiti.

"You're so unfair talaga. Ang ganda mo muntik mo na 'ko kabugin. I hate you hmp," sabay pag-cross niya ng arms sa'kin.

Natawa na lang ako sa kaniya. I really liked Brianna, siguro 'yun yung pagkakaparehas naming tatlo. We get along with her kahit sino ang personality. Kung magkakaroon siguro ako ng kapatid, gusto ko si Brianna ganun.

Angel on LendWhere stories live. Discover now