Chapter#84 "Magicians Spirit"

620 36 1
                                    

Chapter#84  "Magicians Spirit"

•••
•••

Napamulat ang dalawang mata ko pero nananatili padin akong nakahiga sa kama ng kwarto ko. Parang konti lang ang tulog ko. Hayysttt! Naalala ko kase ang usapan ng Mama ni Walter at Fyre.

"Tita Miriya!... Do not finish your sentence..."

"Why? Is theres a problem with my sentence? Masamang sabihin sa kanya ang totoo?"

"It's not..."

"Then why fyre? Why? Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya?"

"Hindi pwede... Hindi pa oras..."

"Then kailan? Kailan mo sasabihin sa kanya! For kingdom sakes! She deserve to know the truth Fyre! She deserve to know everything! She deserve to know that she's the long—"

"Tita Miriya!!! I just said its not the time... Not today... Not even tomorrow..."

May sumunod pa sa sigawang usapan nayan nila kaso hindi ko na maintindihan. Kase parang nabingi ata ako sa sinabi ng Mama ni Walter na 'She deserve to know the truth' hindi ko ngalang alam kung sino ang tinutukoy nilang 'SHE' pero sa tingin na ibinigay sakin ng Mama ni Walter. Yung tingin nya na parang may gustong sabihin kaso hindi niya magawa.

Sa tingin ko, AKO ang tinutukoy nilang 'SHE deserve to know the truth' eh anong Truth naman ang dapat kong malaman? Baliktad ata. Dapat sila ay may dapat na malamang tungkol sakin. At hindi ako. Tss!

Umiling nalang ako. Natulala na kase ako sa Ceiling. Tumayo nalang din ako saka para akong lantang gulay na naglakad sa Bathroom. Tss! Eto ata ang unang pagkakataon na wala akong masyadong tulog dahil sa iniisip ko yung usapan nila kagabi. Tss!

Hindi din naman ako nagtagal sa bathroom saka nagbihis nadin ako. Lutang padin ako. Tss! At eto din ata ang pangalawang beses na lutang ako. Siguro? Nakalimutan ko na ata. Tss!

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na ako sa kwarto ko kaya lumabas nalang ako. Kumunot nanaman ang noo ko nang kompleto nanaman sila sa Living Room. Tss! Dapat masanay ka na Catarina.

Nagtama pa ang tingin namin ni Fyre kaso agad ko ding iniwas. Nauna silang lumabas, huli naman kame ni Hilary. Usap lang ng usap ni Hilary at Eiron at ni wala akong maiintindihan sa topic nila. Tss! Sila ang pinakamaingay saming walo.

Wala pa si Diane. Hindi pa sya pwedeng maging official member ng Supreme Class hanggat hindi niya pa nakukuha ang ID niya. Kaya siguro ngayon, kinuha na ata niya ang ID nya.

Hangang sa makalabas kame ng Dorm Building at dumeretsyo kame ng Classroom building. Pagdating namin sa Supreme Classroom namin ay nagsalubong ang noo ko sa nakita ko.

Punyeta! Anong ginagawa nila dito? Saka kilala ko ang Tatlo sa kanila. Pero ang Isa? Hindi ko kilala. Tss! Pero nakita ko sya kahapon sa Training Room. Kasama ang Mama at Papa ni Fyre.

The Secret School Of Magic: Just a Dream (OLD VERSION)Where stories live. Discover now