Chapter#76 "Giant Sun-Flowers"

Start from the beginning
                                    

Napapasilip pa sina Hilary at Diane sa magkabilang daan. Tss! Mga isip bata talaga.

"Bintot-Bintot asan yung tamang daan..." nagtaka pa ako nang biglang kumanta ng Bintot-Bintot si Hilary. Ano bang Bintot-Bintot? "... Butikaw Butikaw, Ikaw... Ambot sa langaw... Walay pamahaw... Posporo-posporo... Anak ni bomboro..." ano daw? At saang kanta ba natutunan ni Hilary yan? "... Basta sa kaliwa daw." eh???

"Luhhh! Nanosebleed ako sa kinanta mo Hilary... Anong laguage bayun?" tanong ni Diane.

"Nabasa ko lang yan sa libro ng mga tao... 'Bintot-Bintot' ang tawag dun na minsan daw ay ginagawa ng mga normal na studyante nila dun sa pag dadaya... Pag wala daw silang masagot sa Exam nila o di kaya pag hindi nila alam ang sagot sa mga choice ay nag bibintot-bintot sila at kung saan titigil yun daw ang sagot nila hehehe... Nabasa ko lang yan sa libro ah..." nagtataka naman ako. Totoo ba yun? Tss! Sa bagay. Wala nga palang mga Magic o super power ang mga nasa Human Realm. Normal na tao lang sila. "... Kaya sa pagbibintot-bintot ko ay tumigil sa kaliwa. Kaya sa kaliwa yung tamang daan! Hehehehe"

"Ihhh! Baka naman sa kanan? Basta! Kanan ako!"

"Kaliwa Diane ihhh"

"Kanan!"

"Kaliwa Diane!"

"Kanan Hilary!"

"Kaliwa nga sabe eh!"

"Sabing kanan nga sabe eh!"

"Kaliwa!"

"Kanan!"

"Kaliwaaaaaaaa! Leftttttt!"

"Kanannnnnnnnn! Rightttttt"

Napalipat-lipat lang ang paningin ko sa kanila. Talaga bang nagawa pa nilang mag-agaw sa gitna ng Mission namin? Tss! Hindi ko padin nga alam kung anong Stone ba ang hahanapin dito. Since sa Anim na stone ay nasa amin na yung Apat. Kaya Dalawa nalang. Its either yung Light Stone o yung Time Stone ang andito.

"Tanungin natin si Aria! Aria! Saan yung tamang daan? Sa Kaliwa o sa kanan?" at talagang dinamay pa talaga nila ako noh? Tss!

"Sa Gitna yung daan... Kaya tara!" seryoso kong sabi sa kanila. Kaya naglakad ako sa gitna. Kahit isang grass wall lang naman ang makikita ko. Tss! Binibiro ko lang sila. Punyeta sila! Ang ingay na kase nila. Pero, okay lang naman kahit maingay sila. Keysa naman na yung Fyre ang magiging partner ko. Eh hindi ngayun nagsasalita. Kaya malamang sa malamang, tahimik lang ata kame hangang ngayon. Isama pa ang pagiging Awkward. Tss!

"Hindi ka nakakatuwa Aria." sabay simangot ni Hilary.

"Hindi maganda yung biro mo Ate Aria ihhh" sumimangot din si Diane. Tss! Para akong may mga kasamang Bata. Correction, Isip-Bata! Tss!

Ngumiwi nalang ako sa pinaggagawa nila. Sa bagay, cute din naman tingnan. Tiningnan ko ang kaliwa. Sabi ni Hilary Kaliwa daw dahil dun daw tumigil ang pagbintot-bintot niya kanina. Tss! Since naniniwala ako na medyo matalino ang mga normal na tao ay sa kaliwa kame.

"Kaliwa tayo... Sa ngayon... Mamaya, try natin sa Kanan nanaman Diane kung meron pa" nagsipag-sunod naman sila sakin.

Hinihintay kong may Dead End o wala nang daan. Kaya nakahinga kame ng maluwag nang tamang daan ang tinatahak namin. Naku! Gusto kong matutunan ang lintek na Bintot-Bintot nayan. Mukang tama si Hilary eh.

Nakailang ikot pakaliwa pa kame at ikot pakanan. At lahat ng dinadaanan namin ay tama. Walang Dead End. At dahil yun sa 'Bintot-Bintot' ni Hilary. Tss!

Malayo-layo na ang nilakad namin. Pero wala padin kameng makikita man lang Stone. Pansin kodin ang Sun na hindi naman masyadong mainit. Parang isang light-bulb lang yung Sun. Ay malapit-lapit nang mapunta sa gitna. Kaya habang hindi pa yun na Seset, ay kailangan na naming mahanap ang hinahanap namin.

Sabay-sabay kameng napahinto nina Diane at Hilary nang maramdaman ko na parang nag vivibrate yung sahig na inaapakan namin. At galing ang vibration namin sa kanang bahagi namin.

At may naririnig din akong mga bitak ng lupa sa kaliwang bahagi namin. Parang may gumamit ng Earth Magic? Pero impossible. Nasa kanan namin si Walter na alam ko na isa syang 'Earth User' at kasama niya si Fyre na Lightning. Kaya pala may mga kuryenteng tumatapon sa itaas. Tss!

Kaya nakakapagtataka lang na may isa pang Earth User sa kaliwang bahagi namin? Sino? Sa pagkaka-alala ko. Sina Eiron at Ronnie ang nasa kaliwang bahagi namin. At katabi nila ang Area kung saan pumasok sina Jessel at Cylex. Weird! Pero sino naman kina Eiron at Ronnie yung isa pang Earth User? Tss! Ability palang nila ang nalalaman ko na which mean is Elusion and Telepathy. Tss!

Pero mas naging alerto ang paningin ko nang parang may kakaiba akong naramdaman dito mismo sa lugar namin. At kasabay nun ay biglang may tumubo sa harapan namin na isang MALAKING SUN-FLOWER. As in malaki talaga kaya habang lumalaki ito ay napapa-angat ang tingin namin sa sobrang-laki nito. At ang mas ikinagulat ko nang DALAWA pala sila. Pero ang mas nakakagulat talaga, ay ang pagkakaroon ng MATUTULIS NA BIBIG NG SUN-FLOWER. Punyeta! Ano to? Yung mobile Games ng mga tao? Plants Vs Zombies? Kaso hindi zombies ang kalaban nila. Kundi Royal Bloods.

"Hanluhhh! Para tayong nasa Mobile Games na 'Plants Vs Zombies' Aria! Dahil hindi naman tayo Zombies... Edi naging 'Plants Vs Royal Bloods' na hihihihi" tss! Mukang parehas ata kame ng isip ni Hilary. At alam niya pala ang tungkol sa larong yun.

"Waaahhh!!!..." rinig kong sigaw ni Diane. "... May isa pa pala!" kaya agad akong napatingin sa likuran namin. At tama nga si Diane. May isa pang Sun-Flower dun na halos magkasinglaki lang sila.

Dalawa sa harapan namin, at isa sa likod. Pinagdikit namin ang likoran naming tatlo. Sina Diane at Hilary ay nakaharap sa dalawang sun-flowers sa harapan. At ako naman ay kaharap ang Isa lang. Napangiti naman ako ng tipid na para bang handang-handa na kameng tatlong sumugod.

Sinummon ko ang Lightning Sword ko. At Ganun din sina Hilary at Diane. Kaya sabay-sabay naming inatake ang Giants Sun-Flowers. May mga galamay yung lintek na flowers nayan kaya iniiwasan ko lang. Gumagamit din ako ng Lightning Teleportation kaya ramdam ko na nagiging Blue-Violet na ang kulay ng lenses ko.

Nakikita ko din sina Diane at Hilary na gaya ko ay iniiwasan din ang mga galamay ng sun-flowers. Matutulis din kase eh.

Pinuputol ko ang bawat galamay na haharang sa dinaraanan ko. Tss! At nagteleport ako papunta sa Likod ng Sun-flower kaso akala ko matutusok ko na ang espada ko. Kaya lang, naramdaman ko nalang na may pumulupot sa paa ko sabay hila nun pataas. Kaya napatiwarik na ako. Gamit ang Wind, ay pinipigilan kong madadala yung palda ko. Punyeta din naman kase eh! Naka uniform kame! Malamang. Kaya sa abot ng makakaya ko ay hiniwa ko ang lintek na galamay nayun sa paanan ko kaya mahuhulog na ako pababa. Since magaling naman ako sa combat ay gumulong ako kaya hindi ako sumalpak sa sahig. At dahil sa inis ko sa lintek na sun-flowers nato. Ay nag released ako ng Thunder-Bolt at diretsya yung pinatama sa kanya.

Nag teleport ako papunta sa likoran niya kaya diretsyo ko na syang hiniwa. Kaso kunti lang dahil matigas pala ang lintek nato. Gamit ang free left hand ko ay nag summon ako ng Lightning Spear saka tinusok ko yun sa kanya. Nagteleport agad ako paalis dun at ngayon, pababa na ako sa mukha ng sun-flower. Diretsya ako sa bumanga-nga niya na matutulis. Kaso ayokong mangyare yun. Nag summon ako ng Lightning spear ulit saka diretsyo ko yung pinasok sa bibig niya. Hindi pa ako nakontento. Pinatamaan ko pa sya ng Thunder-Bolt kaya wasak na wasak sya.

May tumalsik na parang dugo niya ata kaso kulay green ngalang. Kaya ayokong madumihan sa green na dugo niya ay gumamit ako ng Lightning Barrier para hindi pumasok ang Green na dugo niya.









To be Continued .....






The Secret School Of Magic: Just a Dream (OLD VERSION)Where stories live. Discover now