Chapter 16 : She's talking with whom?

39 3 0
                                    

PATRICIA

"Hindi pa rin ba okay si Rielle hanggang ngayon?" I ask.

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nu'ng laban ko.

Nakasabak na din ang boys pati sina Shianne at Lite sa laban pero hindi pa rin bumabalik sa dati si Rielle.

'Yon ang sabi nila. Hindi pa rin daw sya makausap ng matino. Tango at iling lang daw ang ginagawa nito.

Naga-alala ako.

"Hindi pa rin e. Tsk. Ni hindi namin sya nakitang kumain kahit isang candy lang." Malungkot na sabi ni Rielle.

"Atsaka, may napansin akong kakaiba sa kanya kanina." Si Lite.

"Ano? Saan?"

"Sa terrace. Nakita ko sya kaninang nagsasalita mag-isa habang nagpe-paint." Singit ni Lite.

"Ha? E 'di ba hindi naman marunong mag drawing si Rielle? Paano sya makakapag-paint?"

"'Yon na nga e. Paano nangyari 'yon? Kahit lobo hindi nya mai-drawing tapos nagpe-paint sya ngayon. Tapos nagsasalita pa pala sya mag-isa." Tumawa ng mapakla si Shianne pagkasabi nya no'n.

"Teka, hindi kaya....."

"Ano!?" Sigaw nilang dalawa.

"Hindi kaya..... ibang Rielle ang kasama natin? I mean, baka nagpapanggap lang sya. Kasi hindi ba kayo nagtataka? Hindi sya nagsasalita. It means ayaw nyang marinig natin ang boses nya."

"Oh e ano naman ngayon kung ayaw nyang marinig natin ang boses nya?" Si Shianne.

"Hindi nyo pa rin magets?" Umiling sila pareho. "Tch. Slow." Bulong ko.

"Oy, rinig kita!" Si Shianne.

"Hush people!" Sigaw ni Lite at tumingin sa 'kin. "Ano? Itutuloy mo ba 'yang sinasabi mo o tutunganga ka nalang dyan?" She rudely said.

"O 'eto na nga." At umupo ako ng maayos. "As I said earlier, she doesn't want us to hear her voice. Bakit? Kasi 'pag narinig natin 'yung boses nya, masasabi natin na nagpapanggap lang sya."

"Hindi ko talaga magets!" Sigaw ni Shianne.

"Ganito. Isipin mo 'yung boses ni Rielle. Tapos pagsalitain mo sya ngayon. Tapos, i-compare mo 'yung boses nilang dalawa. At kapag magkaiba, CONFIRMED!"

"Okay. Pero pa'no ko sya mapagsasalita? It seems like she doesnt want to talk to us."

"Or..." mahabang sabi ni Lite "...she doesn't have the right to talk to us." At tumayo sya. "Alam mo may point si Tricia e. Maaaring ayaw nya talagang marinig natin 'yung boses nya para hindi natin sya pag-isipan ng kung ano. Para hindi tayo manghinala. Malay mo may nag-uutos pala sa kanya para gumawa ng gano'n." 

Tumango-tango kami.

"See? Tama ako!" Pagmamayabang ko.

"Sabi ko may point ka. Hindi ko sinabing tama ka."

Sumimangot ako. "Tch. Hindi manlang sumakay sa trip ko."

Inirapan nya lang ako.

"Patty, tapos na ba kayo mag-usap-usap?" Biglang pumasok si Kuya Ice sa kwarto ko.

"Hindi一" sasabihin ko na sana 'yon nang sumingit si Lite.

"Yes tapos na. Nagugutom na rin ako kaya lalabas na 'ko dito. Baboo!" Aniya at tumayo saka lumabas. Sumunod din si Kuya.

"Problema nu'n?" Wala sa sariling tanong ko.

"Naku! 'Wag n'yong intindihin 'yung si Lite. Mainit lang ang ulo no'n dahil sa pag-uusap nila ni Rielle kanina." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

School Of Power (On-Hold)Where stories live. Discover now