Chapter 6 : Looked like Him

34 6 0
                                    

A / N : Sorry for the long wait guys! Bawi nalang ako next time. :)

PATRICIA

After our movie marathon session, nagsibalikan kami sa aming mga kwarto para makapag-ready.

9:45 a.m. na e 10 o'clock ang simula ng klase namin.

Sinuot ko ang uniform ko at muling nagsipilyo.

After a couple of minutes, lumabas na ako ng kwarto dala ang bag ko.

"Oh? Tricia? Prepared na prepared ka ah?" Sinalubong ako ni Rielle na bihis na din.

"Medyo excited kasi ako e. After kong ma-expell three weeks ago, makakapasok na ulit ako ngayon *smiles*."

Ngumiti din sya sakin.

"Oh? Rielle? Tricia? Hindi naman kayo excited ano?" Sarcastic na sabi ni Lite na hindi pa nakakapag-suklay.

Ngiti lang naman ang isinagot namin sa kanya.

"Uhm, nasa'n na si Shianne? Akala ko ba sabay-sabay tayong apat na papasok?" Syempre, ako ang nagtanong.

"Hayy, naku! Masanay ka na kay Shianne. Lagi 'yang late! Sobrang bagal kumilos! Akala mo pagong!" Si Rielle.

Dahan-dahan akong napatango. "Ahh, so hihintayin pa ba natin sya? Or mauuna na tayo?" Ako ulet. :-b

"Mauuna na tayo. Baka kasi ma-late tayo e. Okay lang naman kay Shianne na lagi syang late. Sanay na ang mga prof sa kanya." Si Lite naman ngayon ang nagsalita.

"Mm. Okay. Let's go." Ako na ang nanguna.

Sa gitna ng paglalakad namin ay napatanong ako. "Hey, Rielle!"

Sya nalang ang tinawag ko. Naka-headset kasi si Lite e. 

"Hmm?"

"Sa'n pala dito 'yung mga rooms? Wala kasi kaming nadaanan na gano'n dito e." -ako.

"We're going to get inside the portal. Mahirap kapag sa underground tayo dumaan."

"Wait. Portal? Underground? May gano'n dito?" Tanong ko at tumango lang sya. "Wow! So wow!"

Maya-maya ay binalot ulit kami katahimikan. Gusto kong magtanong pero nahihiya ako.

I can't understand. Why are we here in the mall?

"U-uy! Rielle." Pagtawag ko ulit sa kanya.

"Alam ko na'ng itatanong mo. Nasa likod ng mall na'to ang portal. At wala na tayong ibang madadaanan." Dere-deretsong aniya.

Ngumiti ako sa kanya. "Hmm. Next time try natin dumaan sa underground ha? I wanna try it."

Nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko. Gulat na gulat!?

"Oh? Bakit? May nasabi ba 'kong mali?"

"Uhm, oo." Sabi ni Rielle na tumatango-tango pa. Ang taray nya talaga magsalita.

And then she look at me with her sharp eyes.

"What? I'm just suggesting." -ako. Natatawa ako sa itsura nya. Natatakot na naiinis na nagagalit.

"Well, hindi kami dumadaan sa underground." Sabi nya muling itinutok ang paningin sa daan.

"Ha? Bakit?" -ako.

"Creepy kasi sa hallway na 'yon. Bigla nalang parang may magsasalita sa tainga mo. Parang katulad ng sa mga horror house na booth."

Natawa ako ng kaunti. Haha. Kapag nagsasalita sya para syang diring-diri do'n sa underground na 'yon.

School Of Power (On-Hold)Where stories live. Discover now