PROLOGUE

135 11 3
                                    

Sa paaralan kung saan matatagpuan ang mga estudyanteng may espesyal na kakayahan.

Magic, power, and spells...

Morrison High : School of Powers

***

Ako si Patricia Zachary Knight.

Ang sabi ng ilan sa mga kaklase ko ay may parte daw sakin ang abnormal. Katulad nalang ng mata ko. Kulay dark red ang mata ko. At nagiging kulay dugo minsan.

Minsan nga, nagsu-suot nalang ako ng contact lens.

Pati ang buhok ko, red ang kulay. Well, hindi ko naman sya pinapakulayan. Parang highlights lang naman sya pero sobrang agaw pansin. Ang sabi ni mama, nu'ng ipinanganak daw ako, red na talaga ang buhok ko.

Hindi naman nila ako nilalait or binubully. Nagbibigay lang sila ng feedback about sakin.

At ang sabi pa nila, ang wierd ko daw. Bakit? Kasi may mga bagay na kahit sobrang layo, nakikita ko parin. Ang sabi ko naman, far sighted talaga ako. Hindi sila naniwala do'n kasi sila, hindi nila nakikita 'yung bagay sa malayo kahit far sighted din sila.

At eto pa. Meron akong tattoo sa may pulsuhan ko. Sa kaliwang pulso ko. Para syang spade katulad ng sa baraha. Ang wierd nga e. Kasi hindi naman ako nagpapa-tattoo pero meron akong tattoo. Ang sabi ni mama, kusa daw 'yan lumabas sa katawan ko.

Noong bata daw kasi ako, parang tuldok lang 'yon. Then, habang tumatagal nagpo-form sya as spade. Pero 'diba ang spade ay kulay black? Bakit ang nasa pulsuhan ko ay kulay red?

Umiilaw ang tattoo ko tuwing may hindi magandang nangyayari. Like what happened last year, last month and last week.

Last year, umilaw 'yon ng sobrang liwanag. And the next thing I knew, patay na si papa.
Oo. Patay na ang papa ko. Syempre, hindi naman namin natanggap agad 'yon pero kailangan e. Kailangan na talaga naming maghanda kasi may mga bagay na hindi natin inaasahan.

Last week, umilaw din 'yon. And then poof! Na-expelled ako kahit wala naman akong ginagawa na labag sa rules.

Maraming beses pang naulit 'yon. Pero sabi ni mama ay kalimutan ko nalang.

Ang tattoo na 'yon ang tanging bagay na hindi alam ng mga tao sa paligid ko.

I know somehow I'm not normal. My eyes, my hair, my eyesight, and my appearance. But then, don't judge the book by its cover.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and incidents are product of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or person, living or dead, is purely coincidental.

PLAGIARISM is a crime...

Note: I'm only thirteen when I wrote this. Expect typos, misspelled words and grammatical errors.

School Of Power (On-Hold)Where stories live. Discover now