Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Blaze. Lumabas ang mag asawa at gulat na napatingin samin ng makilala niya kung sino kami.

"Blaze?" Tanong ng babae at tiningnan ang nanlalaki ding mata na si Blaze.

"M-mom..D-dad.." Uutal utal nitong saad.

"Anong ginagawa mo dito? At bakit kasama mo ang babaeng ito!?" Galit na tanong nung Mom ni Blaze.

Nakaharang kami sa may elevator kaya pinag titinginan kami ng mga tao.

"Well first of all, it's none of your business. Second, wala kang pake kung sino ang kasama ko. Don't act like you care." Sagot ni Blaze na pilit pinapakalma ang sarili niya.

"Wag mong sagutin ng ganyan ang Mommy mo. Dahil nanaman sa babaeng 'to kaya ka nag kaka ganyan!" Sita ng lakaki sa anak at tiningnan ako ng masama.

"Anong nanaman!? And can you please don't blame Behatti!? She has nothing to do with my attitude toward you two!" Hindi na napigilang tugon ni Blaze. I look at her and shook my head, warning her na wag nalang sumagot.

"See! Dahil sa babaeng ito kaya nag rerebelde ka!? Ito ba ang dahilan kung bakit ka lumayas sa bahay? Para makipag tanan sa babaeng ito!" Turo nito sa'kin. Namumula na ang mukha niya sa galit.

"At ikaw naman! Hindi pa ba sapat ang ginawa mo noon at bumalik kapa para manggulo!? Wala kana ba talagang konsensya!?" Baling nito sakin at dinuro ako.

"For fuck sake! Don't talk to her like that! Wala siyang ginagawang masama! Hindi nyo pa nga siya nakikilala pero puro negative na agad ang sinasabi niyo tungkol sa kaniya. Can you please grow up!?" Sigaw ni Blaze at hinila ako palapit sa kaniya.

Wala akong imik na napatungo. I don't know what to say... I'm not ready to face them after what happened. Masakit pala talagang masampal ng katotohanang kasalanan ko nga ang lahat.

"Ohh please dear! I know that woman too well, baka naman ikaw ang hindi nakaka kilala sa kaniya." Saad ng Mom niya kaya namumutla akong napatingin dito.

Nanlalamig ang kamay ko at sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Blaze at bahagya akong tiningnan.

"Hmm..looks like you haven't know the truth yet. " Turan nito sa anak bago ako balingan at nginitian ng masama.

"Mawalang galang na ho Mrs And Mr. Lopez but I think this is not the right time and place to discuss about this. Excuse us." Mabilis kong sabat at hinila na si Blaze sa kakabukas palang ulit na elevator.

"I'm not done talking to you!" Rinig ko pang sigaw ng Mom ni Blaze bago pa tuluyang sumara ang elevator.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko kaya malalalim na pag hinga ang aking pinapakawalan.

"Hey, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Blaze at niyakap ako. Buti nalang at kaming dalawa lamang dito sa elevator.

"I'm fine." Tipid kong sagot at pinindot ang floor namin.

"Sigurado ka?" Paninigurado nito. Hindi ko siya nagawang sagutin kaya tinanguan ko nalang siya.

"Ahmm..Behatti.." Mahina nitong tawag kaya napalingon ako sa kaniya ng bahagya.

"Yes?"

"Have you met my parents before? " Tanong nito na siyang nag pa kabog nanaman ng dibdib ko.

"W-what? O-of course not." Sagot ko at nag iwas ng tingin.

"Then what are they talking about?"

"Ahm.. I don't know Blaze." Tanging sagot ko. Sakto namang bumukas na yung elevator kaya nauna akong lumabas sa kaniya.

The Fuckgirls AdventureWhere stories live. Discover now