Chapter Thirty

6.6K 219 25
                                    

Behatti's pov



Nakasimangot ako habang nakatingin kay gaga na kala mo'y nasa bahay lang kung manamit.

"This one love? Hindi ko pa na try, masarap kaya 'to?" Tanong nito at binuksan ang takip nung beer at inamoy.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Patatlo ko ng tanong dito.

Andito kami sa convience store para bumili ng snacks na dadalhin sa hotel dahil gusto niya daw mag movie marathon.

"Paulit ulit ka. Sirang plaka ka ba?" Walang lingon lingon nitong tanong habang lagay lang ng lagay sa basket na hawak niya ng junkfoods.

"Eh kasi hanggang ngayon hindi mo parin ako sinasagot!? Wala kana bang ibang damit eh ang dami mong dalang bag?" Nakasimangot kong tanong habang nakabuntot sa kaniya.

Naka shorts lang kasi ito ng maikli at sando. Hindi naman din karamihan ang tao dito sa store pero ayoko parin ng nag gaganyan siya ng damit.

"Meron naman kaso tinatamad na ako mang halungkay eh." Parang wala lang na sagot nito.

"Edi sana sinabi mo ng ako ang nag hanap ng damit para sayo!"

"Teka nga, bakit ka ba nagagalit? Wala namang tao ah." Taas kilay na tanong nito at nilibot ang paningin.

"Kahit na walang tao, dapat hindi ka lumalabas ng ganyan. Tsk!" Irita kong tugon dito. Bumuntong hininga siya.

"Sige bayaran nalang natin 'to ng maka balik na tayo sa hotel." Malambing nitong saad at hinalikan ako sa pisnge.

"Sorry na honey ko." Saad nito kaya napairap na naman ako. Kanina pa siya sa kaka honey niya sa'kin.

"Okay. Tara na." Tanging sagot ko. Humakbang ako papunta sa counter ng higitin niya ako palapit sa kaniya.

"Smile ka muna. Galit ka pa eh." Pang aamo nito na siyang inirapan ko nanaman.

"Smile mo mukha mo, hindi ako natutuwa sayo." She frown at hinayaan akong ilagay sa counter ang bibilhin namin para ma punch na nung cashier.

"Hi Miss," Rinig kong saad ng kung sino kaya nilingon ko ang tinig. May naka cap na lalaki na naka shades na akala mo'y ikinagwapo niya. Nakangiti siya kay Blaze.

"I just want to ask if you want to have fun?." He asked Blaze who remained poker face.

"Yes, but not with you." Sagot nito at lumapit sa akin.

"136 pesos po Ma'am." Saad nung tindera kaya bumaling ako sa kaniya at nag bayad.

"Awe, that's sad. It's your loss though." Sagot nung lalaki at inismidan pa si Blaze.

"Actually it's yours. I don't care about your penis bro! I have a fake one at home and I'm telling you, it's bigger than yours." Taas kilay na sagot ni Blaze. Napakagat ako ng labi para pigilan ang tawa na gustong kumawala sa bibig ko. Namumula yung lalaki na parang na insulto or napahiya.

"Here you go Ma'am. Thank you." Singit nung cashier at inabot na sa'kin yung plastic na may laman ng pinamili namin.

"Maybe next time bro, pag naging violet na yung dagat." Pang aasar ni Blaze at tinapik pa yung balikat nung lalaki. Hinigit ko na siya palabas.

"Good job." Puri ko dito at niyakap siya sa may bewang. She look at me and smile.

"Syempre! Ako pa." Mayabang nitong sagot kaya napailing nalang ako habang may ngiti sa labi.

Nasa lobby na kami ng hotel at nag iintay na bumukas yung elevator. When I heard the 'ding sounds' hinawakan ko ang kamay ni Blaze at humakbang papasok ng mapatigil ako.

The Fuckgirls AdventureWhere stories live. Discover now