Chapter Seventeen

7.6K 281 25
                                    

Blaze's pov



"Pwede mo naman din kasing aminin na marupok kang talaga. " Sinamaan ko ng tingin si Alex.

"Pwedeng tumahimik ka? "

"Eh paano pag ayaw ko? " Taas kilay nitong sagot.

"Edi sabog yang nguso mo!" Irita kong tugon. Nasa cafeteria kami ng school dahil sabay sabay kami ng vacant. Na kwento ko kasi sa kanila yung about sa doubts ko tungkol kay Blake tsaka yung nang yari nung isang araw nung nag date kami ni Behatti. At ito nga po sila, nang aasar nanaman.

"Totoo naman kasi babe eh. Marupok ka naman talaga." Sabat ni Hillary at inakbayan pa ako.

"Isa ka pa! Kanino ka ba talaga kampi?"

"Kay Chase, diba dude!" Sagot nito at siniko si Chase na walang kamalay malay sa pinag uusapan namin dahil tutok na tutok siya sa labas ng cafeteria kung saan nag papraktis ang cheerleaders.

"Luluwa na mata mo Chase! Tutulo nadin laway mo. " Sita sa kaniya ni Alexandra.

"Huh? Ano? " Tanong ni Chase at luminga linga samin.

Napailing nalang kami sa kaniya. Haish, pag babae nga naman. Ilang minuto pa kaming tumambay sa cafeteria bago pumasok sa kaniya kaniya naming klase.

"Blaze! Wala tayong prof ngayon." Bungad agad sa'kin ni Joseph pag ka pasok ko.

"Ganun ba? Psshhh..sayang nilakad ko." Reklamo ko at lumabas na ulit. Ito na kasi ang last class ko kaya pwede na akong umuwi.

Tinext ko sila Alex na uuwi na'ko ng una dahil wala akong prof sa last subject. Hindi naman sila nag reply kaya baka busy na sila sa klase nila. Sumakay na ako ng kotse pero hindi muna iyon pinaandar. Ipinatong ko ang ulo ko sa manibela at pumikit, ang sakit kasi ng ulo ko at nilalamig din ako.

Napamulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng bahagya ng makita ang pangalan niya sa screen.

- Baby Hatti Calling -

"Hello babi! " Masigla kong bati pero agad ding napangiwi ng kumirot ang ulo ko.

'Are you in class?'

"Wala po babe, pauwi na po ako. "

'Mag cucuting ka nanaman Blaze? Mag ayos ka nga.'

"Oii hindi ah..wala kaming pasok. "

'Siguraduhin mo lang dahil tutok tokan talaga kita.'

"Oo na..bakit ka po ba tumawag mahal kong reyna?"

'Ohh yah, I forgot.. Baka malate ako ng uwi mamaya kaya umuna kana lang mag dinner. Sa condo ka uuwi diba?'

"Hmm. Sana, kaso sabi mo hindi tayo makakapag dinner kaya baka sa bahay na muna ako umuwi ngayon."

'Sorry love. May meeting kasi daw mamaya kaya matatagalan ako umuwi pero uuwi ako agad pag katapos, gusto mo sunduin kita?'

"Wag na Behatti mas importante yu--"

*toot* *toot*

Naputol bigla kaya nag tataka kong tiningnan ang phone ko. Nag shut down pala, Hindi ko ata na charge kanina. I shrugged at nag drive na pauwi ng bahay.

"Anak, ba't andito kana? Wala kana bang pasok?" Napalingon ako kay Mama. Hindi ko alam na nasa bahay pala siya, nasa school kasi siya kanina.

"Wala na po Mama, absent prof namin eh. Kayo po bakit andito na kayo?"

The Fuckgirls AdventureWhere stories live. Discover now