6.

3.8K 121 10
                                    

Freya's POV

Maaga pa at diko alam kung papasok ako. Hindi kopa din makalimutan yung nangyari. Masakit padin sakin yung nangyari samin ni Xavier. Alam kong hindi dapat ako masaktan ng ganito dahil hindi namna kami nagtagal. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng pinapahalagahan. Wala akong alam sa pagmamahal. Hindi pala ganun kadali yun.

Hindi porket gusto mo sya. Pwede na kayong dalawa. Akala ko masaya pero masakit pala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa maikling panahon nakakaramdam ako ng ganitong sakit. Nagkagusto ako sa isang tao na hindi para sakin. Nakakatawa lang. Nagkagusto ako pero sakit din pala ang idudulot sakin.

Nanatili akong nakahiga sa kama ko. Alam kong ilang oras nalang malalate nako. Hindi ko magawang tumayo. Mahapdi ang kamay ko dahil may sugat. Okay na ang mukha ko. Salamat kay kuya.

"Freyaaaaaaa! Malalate kanaaaaaaa!" Narinig kong sigaw ni Mommy. Mabigat ang hiningang binitawan ko at mabigat ang katawan ng tumayo ako. Pumasok ako sa cr at naligo.

Nagbihis ako at bumaba. Hindi nako pumunta ng dining area. Dere deretso akong lumabas ng bahay. Nakita koyung driver namin na naghihintay. Pumasok ako sa kotse at agad kosyang pinaalis.

Nakarating kami sa school. Himala at konti lang ang nagaabang. Siguro dahil maaga pa. Bumaba ako at nagulat sila ng lumabas ako. Ngayon lang nila ako nakitang lumabas sa sasakyan na lagi nilang inaabangan.

"Omg! Totoo ngang kapatid nya si Froy! After all this years! Ngayon kolang sya nakitang lumabas dyan!"

Hindi ko sila pinansin. Lumakad ako papasok. Napatigil ako ng may humarang saking babae. Sasaktan nanaman ba nila ako? Hindi ako kumibo. Tinignan kosya. Nakangiti sya sakin.

"Hi!" Malaking ngiti nya ng batiin nyako. Hindi ako tanga para hindi ko malaman na kaya sya ganyan kasi alam nyang kami may ari ng school na to.

"I'm Katrina! Nice to meet you, Freya!" Ngumiti ako ng maliit.

"I'm sorry. I'm not in the mood right now." Yumuko ako. Alam ko naman na kaya sya ganyan kasi nalaman nyang amin to.

"Aww. I'm sorry." Hindi kona sya sinagot. Dumeretso nako papasok. Marami akong narinig na bulung bulungan nila pero hindi kona pinansin. Kinabahan ako ng malalaang katabi ko pala si Xavier sa upuan.

Pumasok ako sa room at nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa sya. Iilang tao palang ang nandito. Para silang nakakita ng multo ng makita nila ako. Di tulad dati wala akong naririnig na panlalait mula sakanila.

Tahimik lang akong nakaupo habang naghihintay ng teacher. Nakikita ko silang tumitingin sakin sabay magbubulungan. Sumubsob nalang ako sa desk ko para hindi sila makita. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako siguro dala din ng pagod.

Nakapikit pako ng marinig kong may nagsasalita na sa harap. Agad akong napabangon at nasa kalagitnaan na ng pagtuturo si Ms. Lucero. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatitig sakin si Xavier. Umiwas ako ng tingin.

"Ms.Choi how are you? I know you're tired. Magpahinga kapa. Excuse ka sakin." Ngumiti si Ms.Lucero pero umiling ako.

"Thankyou Ms. but I'm okay." Tumango lang sya at nagturo ulit. Hindi ako makagalaw lalo nat nandito si Xavier sa tabi ko. Magdamag akong balisa dahil sa kanya. Dumating ang oras na lunch break kaya agad kong inayos ang gamit ko at lumabas ng room.

Mabagal ang lakad ko papuntang library. Hindi naman ako gutom kaya sa library muna ako. Marami akong naririnig na bulungan pero hindi panlalait. Lagi nila sinasabing hindi sila makapaniwalang anak mayaman ako kesyo ganyan or whatsoever.

Nakarating ako sa library at umupo sa dulong upuan. Sumubsob ako sa desk at pumikit. Gusto ko muna ipahinga ang utak ko. May umupo sa lamesang inuupuan ko pero diko pinansin. Nanatili lang akong nakayuko. Napatalon ako sa gulat ng magsalita sya.

The Nerd Girl Change Into Princess (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon