4.

4.8K 129 15
                                    

Freya's POV

Hindi ko alam kung pano ako nakapasok sa bahay. Sobrang lutang ako ng mangyari ang hindi ko inaasahan kanina.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa dito sa sala at nakatulalang nakatingin sa kawalan. Hindi ko lubos maisip na may mangyayaring hindi ko inaasahan. Naramdaman kong may tao sa likod ko pero hindi ko pinansin.

"Anak? Kanina kapa?" Tanong ni mama pero hindi ako nagsalita at nakatulala padin. Tumabi sya sakin at tinignan ang muka ko.

"Ayos kalang ba? May masakit ba sayo?" Hinawakan nya ang muka ko at hinarap sa kanya. Tumingin ako sa mata nya at kumurap kurap. Umiling iling ako at humawak sa ulo ko.

"Ha!!!" Sigaw ko na kinagulat ni mama.

"Ano kaba naman Freya! Bakit ka sumisigaw?!" Umiling ako at kinuha ang bag ko then umakyat ng kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto agad kong nilock ang pinto at inilapag ang gamit ko sa lapag at tsaka humilata sa kama.

Hinawakan ko ang labi ko at inilala ang ginawang paghalik sakin ni Xavier kanina. Bakit ganito yung pakiramdam? Parang hindi ako tumutututol mas lamang sa puso ko yung pagsangayon na parang gusto kodin yon.

Napapikit ako habang nakahawak sa labi at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

---

"Freya anak! Gising na! Dinner is ready!" Naalimpungtan ako sa lakas ng sigaw ni mama. Nakapa ko ang cellphone ko sa gilid inangat ko ang kamay ko para sana ibato pero naalala ko na nakasave ang number ni Xavier sa phone ko.

Dumilat ako ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

Xavier is calling...

Literal na nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yung tumatawag. Napabangon ako at dahan dahang sinagot ang tawag.

-Hello? Freya?

Nanuyot ang lalamunan ko ng marinig ko ang boses ni Xavier. Pano nya nalaman ang number ko? Alam ko hindi kopa sya natatawagan.

-Babe? Are you there? Answer me.

Babe... Ang sarap sa pandinig. Nasisiyahan ang puso ko at nagsisimula nasyang tumibok ng mabilis at agad akong napahawak don.

*Hello? X-xavier?

Sa wakas nakapagsalita din ako. Kinakabahan ako ng sobra.

-Finally, sumagot kadin. Nagdinner kana ba? Yayayain sana kita kumain ngayon.

Tumalbog ang puso ko sa saya dahil sa sinabi nya. Napapikit ako at hindi ko namalayan na ang laki ng ngiti ko.

*O-oo ba. Magaayos lang ako hehe.

-Good. Susunduin kita. Just wait me there. See you babe!

Binaba ko ang linya at agad na pumasok ng banyo para maligo at agad agad na nagbihis. Sinuot ko ang malaking salamin ko at tsaka inayos ang buhok at dali daling kinuha ang phone at wallet ko then bumaba.

Pumunta ako ng dining area at nakita kong ako na lang ang hinihintay nila. Napatingin silang lahat sakin at ngumiti ako sakanila.

"Ma, pa at kuya. Aalis po ako." Agad na kumunot ang noo ni papa.

"San ka pupunta? Gabi na." Agad naman akong lumapit kay papa at humalik sa pisngi at ganun din kay mama. Pumunta naman ako kay kuya at yumakap at pinisil ang pisngi. Simaan nya ko ng tingin at ngumiti lang ako.

Hindi ko alam bakit ganto ako kasaya. Kung bakit ganito ako ngayon para ako may kiti kiti sa pwet sa sobrang aligaga. Nagvibrate ang phone ko at nakita kong nagtext si Xavier na nasa labas na sya ng mansyon. Agad akong napangiti.

The Nerd Girl Change Into Princess (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon