5.

4.6K 141 3
                                    

Freya's POV

Naalimpungatan ako ng may tumatamang malamig na bagay sa paa ko. Pinilit kong idilat ang mata ko para tignan kung ano ang bagay nayon at napabalikwas ako ng bangon ng makita ko si kuya na nakangiting nakakaloko sakin.

"Kuya! What the hell are you doing here?!" Tumawa naman ng tumawa ang kuya ko at ibinato sakin ang isang pirasong yelong hawak nya. Sa inis ko kinuha koyon at ibinato sakanya at sakto namang sa muka nya tumama.

"Ouch! How dare you! Nagkaboyfriend kalang naging sadista kana! Gusto mong bugbugin ko yon sa harap mo ha?!" Paninindak nya pero nanatili kong nakatingin ng masama sakanya at niyukom ang dalawang kamao ko.

"Get. The. Hell. Out. Of. My. ROOM!" Halos maputol ang ugat ko sa leeg sa labis na sigaw at labis na inis.

"Okay! Okay! Sorry! I just want to wake you up! Malalate na tayo sa school tulog kapa din! Bangon! Panget!" Dali dali naman syang tumakbo palabas ng kwarto ko at ako napahilamos nalang sa mukha ko.

I hate spare keys. Sa susunod ipapaiba ko ang lock ng kwarto ko! Bullshit!

Nagunat ako. Napangiti ako ng maalala ko kung ano man yung nangyari kagabi. Sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko ngayon nagsimula nanaman tumibok ng mabilis ang puso ko. Agad akong napahawak don at napapikit.

"Urgh! Not now. Not now. Not now." Paulit ulit na sabi ko habang tinitiis ang sakit ng dibdib ko. Napapahawak ako ng mahigpit sa kama ko at napapapikit sa sakit.

Alam kong bawal sakin ang sumobra sa saya pero hindi ko mapigilan kasi kusa kotong nararamdaman. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing magugulat, natatakot, kinakabahan, sumasaya ng sobra, at nasasaktan. Mahirap magkaron ng butas sa puso dahil limitado lang ang pwede mong gawin.

Ayokong ipaalam ang nararamdaman ko sa pamilya ko dahil ayokong magpabigat sakanila. Alam kong masyado silang busy sa mga company namin at wala akong balak na makisiksik sa mga gawain nila. Ayokong makadagdag ako sa mga pinaghihirapan nila.

Nagmagsimulang kumalma ang puso ko unti unting nawawala ang sakit at nakakahinga ako ng maayos.

Bumangon ako at pumunta sa human size mirror ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan ko. Mukha akong normal na tao na nerd ang datingan pero deep in side limitado lang ang pwede kong gawin sa buhay. Dahil once na may mangyaring hindi maganda mawawala akong parang bula sa mundo nato at ng dahil sa pamilya ko lalaban ako. Magiging mas matatag ako at kakayanin ko to.

Inihanda ko ang mga kasuotan na gagamitin ko sa pagpasok at pumasok sa banyo at nagsimulang maglinis ng katawan.

Habang nakatayo sa harap ng shower pinakikiramdaman ko ang bawat pagpatak ng tubig sa katawan ko at iniisip yung sinabi nya sakin kagabi.

"Babe, bukas na bukas ipapakilala kita kay mommy."

Agad akong napangiti ng malaki. Pinipilit kong wag maging masaya ng sobra dahil ayoko ng makaramdam ng sakit sa dibdib ko.

"Sana panglife time na ito." Mahinang bulong ko sa sarili at napatingala at dinama ang bawat pag patak ng tubig sa mukha ko.

Matapos akong maligo nagbihis ako at sinuot ang naglalakihang salamin ko. Kinuha ko ang mga gamit ko at bumaba at nagtungo sa dining area.

"O anak, Ang tagal mo naman kanina kapa namin hinihintay. Kumain kana dito at malalate na kayo ng kuya mo." Humalik ako sa pisngi ni mommy at daddy. Tumabi ako kay kuya at nagsimulang maglagay ng makakain sa plato ko.

"Anak sino pala yung kasama mo kagabi? Bakit ginabi ka masyado ng uwi?" Muntik nakong mabilaukan sa kinakain ng magtanong si mommy.

"Mommy si a---"

The Nerd Girl Change Into Princess (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon