"Yeah" pilit kong hindi tumawa pero lumalabas parin sa salita ko.

"Where? Let me punch that guy for getting your first kiss" hindi niya pa pala nakakalimutan yon. Akala niya talaga totoong tao si Raulo, well totoo naman siya dahil siya yun.hahaha

"Here" pinaharap ko sa kanya ang camera ng cellphone ko para makita niya ang mukha niya.

"Don't make me a fool, Adrianne! Tell me where he is. Para masapak ko" galit na sabi niya.

Hindi ko na mapigilan ang tawa ko dahil sa reaction niya. "You're facing Raulo now, Zach"

"You mean me?.....What the fuck! All this time, nagseselos ako sa sarili ko? You're making me a fool, Miss!" Masama ang tingin na nilingon niya ako "Kaya pala ganun ang pangalan ko sa cellphone mo" halatang naiirita na siya.

"Siraulo ka kasi, kaya yun ang alyas mo"

Sasagot pa sana siya, pero naghudyat na para sa 2nd quarter kaya nagsitayuan na sila para bumalik sa court.

"Where not yet done, Miss." Nilingon niya pa ako bago sila naglakad pabalik sa court.

Natawa lang ako sa naging reaksyon niya.

Nag-umpisa na ulit ang laro nila, at nagfocus na lang ako sa panonood, Hanggang sa may tumunog sa cellphone ko. Binuksan ko to para tignan kung sino ang nagtext. Unknown number kaya nagdalawang isip akong buksan ito, baka kasi si Alfonso na naman. Pero dahil nacurious ako, binuksan ko parin.

Halos manginig ang kamay ko pagkabasa ng message, hindi ito galing kay alfonso. Inangat ko ang paningin ko sa lalakeng kanina pa tingin ng tingin sa'kin, tumayo siya at sumulyap sakin bago naglakad palabas. Agad akong tumayo para habulin siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Grey na katabi ko ngayon.

"B-bibili lang ako ng tubig" sagot ko habang ang paningin ay nasa lalakeng yun parin.

"May tubig naman tayo dito, bakit ka pa bibili?" Nagtatakang tanong niya kaya nilingon ko na siya.Nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin.

"A-ano, g-gusto ko ng sparkling water. Balik lang ako agad. Sige"

"Samahan na kita" alok niya sa'kin at tumayo na.

"Hindi na, Grey. I'll be back in a minute"nagmamadaling sagot ko bago ako tumakbo palabas ng gymnasium.

Tumigil ako sa pagtakbo ng nasa labas na ako ng gymnasium para hanapin ang lalakeng iyon. Nawala kasi siya sa paningin ko nung kinausap ako ni Grey.

Lumingon pa ako ng isang beses sa bandang gate ng Northfield at andun na nga ang lalake. Nagmadali akong tumkbo doon para habulin siya hanggang sa nakalabas na ako ng Campus. Walang tao sa paligid kahit security guard ay wala sa post nila.

May biglang pumarada na isang pulang van ang pumarada sa harap ko at agad na nagbukas ang pinto nito kasabay ng paglabas ng tatlong lalakeng may hawak na kahoy na agad ding pinalo sa ulo ko.

Pakiramdam ko ay may umagos na mainit ma likido sa noo ko. Unti unti ring bumigat ang mata ko at gusto na nitong pumikit.

Shit! Red Demons!

Maskarang pula ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.
        
        
        
****************
         
       
Xander's POV
           
            
     
Nagpatawag ng timeout si Coach, kaya bumalik na muna kami sa bench. Napansin kong umalis kanina si Adi, at hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now