"Ganun naman talaga diba? Sa ganun lang umiikot ang buhay ng isang babae. Taga alaga ng asawa, taga alaga ng mga anak at taga dala lang ng batang ipag mamalaki ng asawa nya! Ganun ang buhay!"
Sabi ko pa pero nag salubong lang ang mga kilay nya na parang hindi nagustuhan ang mga sinabi ko.

"Ganyan ba ang tingin mo sa sarili mo?"

"Ako?! Hahahah! Hell no dahil kahit kailan hindi ako mag papauto sa isang lalaki, kahit na sayo."
Deretsong sagot ko. Nag salubong naman ang kilay ko ng marinig ang mahina nyang tawa.

"Maganda na ganyan ka mag isip."
Sabi nya na hindi ko maintindihan.

"At least alam kong hindi ka matutulad sa batang pinaanak ko. Pero ayokong marinig na minamaliit mo ang mga babaeng tulad mo."
Sabi nya tyaka ngumiti sakin.

"Tama ka. Once na nag pakasal ang babae at lalaki, umiikot na lang ang araw araw na buhay ng isang babae sa bahay. Nag aalaga, nag luluto, nag lalaba at kung ano ano pa. Pero Para sakin ang buhay ng babae hindi lang natatapos sa ganon. Hindi dapat tinuturing na katulong ang isang asawa. Babae ang dahilan kung bakit tayo nandito, babae din ang nanay ko at isipin ko palang kung gano sya nahirapan para ilabas ako, nasasaktan na ko. Naisip ko na napakahalaga ang buhay ko dahil sa nanay ko. Inalagaan nya ko ng siyam na buwan sa sinapupunan nya at inalagaan nya pa rin ako hanggang sa huling hininga nya. Sino ako para mag maliit ng taong tulad nya. Dalaga, may asawa o wala... babae o lalaki, parehong nilikha pero tanging babae lang ang ginawang espeyal ng Diyos. Espesyal na katulong nya para lumikha ng bagong buhay."

Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Hindi ko alam kung bakit tinamaan ako sa mga sinabi nya.

Kung bakit parang guilty ako sa mga sinabi.

"Bakit sinasabi mo ngayon sakin ang lahat ng yan?"
Seryosong tanong ko pero nagulat ako ng bigla syang humarap sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Kase masyado mong dina down ang sarili mo. Siguro nga masyadong masakit ang nakaraan mo pero hindi mo dapat iniisip na kasalanan mo ang lahat. Wala kang kasalanan okay?"
Tanong nya pero hindi ako sumagot.

"Tyaka, pasensya na kung naakusahan agad kita. Siguro masyado lang akong obsessed na mahuli ang kriminal kaya—"

"Bakit? Bakit mo sya gustong mahuli?"

Bakit gusto mo kong hulihin?

"Kase mali ang ginagawa nya. Ano man ang rason, mabigat man ang kasalanan na nagawa sa kanya ng mga biktima nya, hindi yun sapat na dahilan para pumatay."

"Kung ganun huhulihin moko?"
Biglanh tanong ko na bahagya nyang ikinagulat.
"Kung halimbawang buhay pa ang hayop na bumaboy sakin, sa tingin ko magiging isang kriminal din ako. So huhulihin mo din ako?"

"Ano ba namang tanong yan?"
Sabi nya na bahagyang lumayo sakin.
"Malamang! Krimen ang pag patay at hindi yun tama."

"Pero hindi bat mga kriminal din sila?"
Biglang sabi ko na ikinatahimik nya.
"Lahat sila mga kriminal at alam yun ng lahat kahit kayo, alam nyo yun! Mga drug pusher, mga sangkot sa kidnapping, mga rapist! Lahat sila kriminal pero bakit malaya parin sila?! Nagagawa pa rin nilang manloko ng iba?!"
Galit na sigaw ko sa kanya.

Hindi ko na makontrol ang galit ko lalo pat pakiramdam ko nakokontrol na ko ng emosyon ko...

Na nahuhulog ako sa patibong nya!

"Kriminal man o hindi, kahit kailan hindi matatanggap na tama ang pumatay. Diyos ang nag bigay ng buhay kaya Diyos lang din ang may karapatang kumuha nito. Tandaan mo, kahit kailan, hindi magagawang maitama ang mali ng isa pang pag kakamali."

TATsuLOkWhere stories live. Discover now