Napatingin naman ako sa namumula nyang pisngi. Hindi ko rin maiwasang mag alala ng makita ang sugat sa gilid ng labi nya.

"Ano namang nangyare dyan?"
Takang tanong ko ng mapansin ang gasang nasa noo nya.

"Ito? Tss. Nauntog ako eh. Wait, ano nga palang ginagawa mo dito?"
Biglang tanong nya.

Tyaka lang nabalik sa isip ko ang totoong pakay ko.

"May gusto lang sana akong itanong sayo."

"Like what?"

"Pwede bang sa isang pribadong lugar? Tungkol to sa kasong hawak ko. May konting katanungan lang ako."

Akala ko hindi sya papayag pero halos wala pang dalawang sigundo ay pumayag na sya.

"Okay. Mag aayos lang ako. Hintayin mo na lang ako sa baba."
Sabi nya. Tututol pa sana ako dahil mabilis lang naman ang mga itatanong ko pero para akong naistatwa ng mabilis na hinalikan nya ko sa labi ko.

Tinakbo nya ang elevator at tyaka lang ako nakabawi ng mawala na sya sa paningin ko.

Shit! Ang babaeng yun talaga!

Hindi na lang ako nag abalang akyatin sya sa floor nya at inis na bumaba na lang ako sa parking lot.

Nakakainis na naisahan ako ng babaeng yun.

Ilang minuto pa kong naghintay at sa wakas dumating na sya. Inis na tinignan ko sya at bago pa man nya ko mahalikan ulit ay hinarang ko ang kamay ko sa mukha nya.

"Detective naman! Sisirain mo ba yung make up ko?!"
Insi na tanong nya pero wala akong pake.

"Sa susunod na gagawin mo ulit yun, ipapakulong talaga kita."
Seryosong banta ko sa kanya.

May binulong pa sya pero hindi kona narinig tyaka ngumiti sakin ng malaki.

"Saan tayo mag dedate?"

"Tss. Anong date ang sinasabi mo? Kailangan lang kitang tanungin ng ilang tanong."
Salubong ang kilay na sabi ko.

Pinulupot nya ang braso nya sa braso ko at iritableng tinulak ko naman sya sa noo nya palayo sakin.

"Ano ba?!"
Inis na sigaw nya at kakaiba ang mga tingin nya. Parang anytime mananakit na lang sya bigla.
"Sayang naman pag aayos ko! Sinisira mo lang!"

"Tss. Sino ba kaseng may sabing mag ayos ka ng ganyan? Nakakaasiwa."
Sabi ko tyaka nag iwas ng tingin.

"Nakakaasiwa o, nakakainlove? Alam ko namang nagagandahan ka sakin eh..."
Nang aakit na sabi nya na hinaplos pa ang hintuturo sa braso ko.

Totoo naman ang sinabi nya.

Talagang maganda sya sa soot nya. Kitang kita ang magandang hubog ng katawan nya at talagang nakakaakit syang tignan.

Ano ba Bruno! Mag focus ka nga!

"Kailangan mo lang sagutin ang mga tanong ko... mabuti pa sa coffee shop tayo—"

"What? Ang boring mo naman!"
Maarteng sabi nya kaya nahinto ako sa pag sakay sa kotse.

"Hindi pa ko nag didinner kaya pwede bang sa maayos naman?"
Dagdag pa nya.

"Fine. Sa isang resto na lang tayo—"

"No. Ayoko ng mataong lugar, nakaka distract. Isa pa sabi mo tungkol yan sa kasong hawak mo kaya for sure confidential yan."

"Aish! Edi saan mo ba gusto?!"
Inis ng tanong ko pero mali ata ang ginawa ko.

"Hmm. Sa bahay nyo na lang!"
Masayang sagot nya at parang batang pumalakpak pa.

TATsuLOkOnde histórias criam vida. Descubra agora