I just stared at him with no emotion playing in my eyes. Inalis ko ang kaniyang daliri, sabay iling. "Dito lang ako, Rae. Salamat na lang."

Napatigil si Dani sa pag-ayos ng kaniyang gamit at nilingon ang direksyon namin. Pumaywang siya. "Ikaw talaga iniimpluwensyahan mo pa si Jaryllca sa kademonyohan mo!"

Narinig pala ni Dani ang sinabi ni Rae kaya naman kaagad silang nagtalo. Natigil lang iyon nang may kumatok sa pinto ng room namin. Nagturuan pa sila kung sino'ng magbubukas pero sa huli, si Rae rin ang pumunta roon.

Pagkabalik niya'y may dala siyang dalawang paper bag galing McDonald's. Nagkatinginan naman kami ni Dani dahil sa pagtataka.

"Sa 'yo raw, 600 plus lahat." Rae put the paper bags on my table before seriously looking into my eyes that made my heart beat fast.

I confusedly looked at him. "Ano? Wala akong pambayad, letse!" hiyaw ko at tiningnan ang mga laman no'n. Bakit naman ako mago-order nang ganito karami?!

Umiling-iling si Rae sa 'king harapan. "Ipo-post ka as fake booking!" aniya na mas lalong nagpakunot sa aking noo. I was about to stand up but he quickly held my wrist.

He shook his hands in front of me as a sign of 'no'. "Uy, joke lang! Ang seryoso mo kasi. Smile ka na, libre 'yan ng boyfriend mo," sambit niya't nakikuha sa fries ko.

I just glared at him and gazed at Dani who was sitting beside me. Inalukan ko siya pero tinanggihan niya. Sabi niya'y hinihintay niya lang si Kian.

Dahan-dahan naman akong napatigil sa pagnguya. Baka mas lalong lumala ang apoy kapag nagkita pa kami. "Sa labas mo na lang kaya siya hintayin? Rae and I have to talk kasi..."

Tipid siyang ngumiti. "Yeah, I understand... You don't have to tell me lies, okay? I am always on your side," she said before leaving.

Nagkatinginan kami ni Rae. "Joke lang 'yon. Wala tayong dapat pag-usapan," mahina akong natawa at nakipaghati ng pagkain sa kaniya.

Umikot na lang ang kaniyang mga mata bago siya umayos mula sa pagkakaupo. "Props na lang yata ang ganap ko sa buhay mo," he lowly chuckled.

I giggled before taking my phone out of my bag. Huling chat ko kay Von ay kanina pang paalis ako ng bahay, at tanghali na ngayon.

Ako:

Hi bb, tenchu po sa lunch! Gulat ako, ang dami jusko. Kain ka na rin, ha? Mwa

I immediately sent it. Stress eating is what I'm doing right now.

Rae cleared his throat that caught my attention. "Spoiled girlfriend, ah."

I just chuckled. 

I was not asking for it. And Von loves to do this.

Nang natahimik ako ay nagmunimuni na naman ako sa mga bagay-bagay. Hindi ko na namalayang nakarami na pala ako ng kain. Ilang araw ba namang nagpapalipas, e.

Mabilis na nagdaan ang oras at uwian na. Nag-ring ang bell sa building namin at kaagad akong tumayo.

"Una na ako, Rae." I tapped his shoulders but he just removed it. Hindi na ako tumutol nang sabayan niya ako pababa.

Nasa may tapat na kami ng gym ng school namin nang may lumabas mula roon. Mula sa maikli at straight nitong buhok ay kaagad ko itong nakilala. It was Vannah!

My smile immediately vanished when I heard my friends' screams. Hindi ko alam kung saang direksyon ako lilingon, at hindi ko makapa kung bakit ganoon ang tono ng kanilang boses. Parang may ibang nangyayari!

"Jaryllca, si Vannah!"

Nagulat naman ako nang makita ko si Aya at Arianne sa harap ni Vannah. Her wrists were bleeding and I saw how it flows like a river. I couldn't even count how many cuts were there and it made me terrified seeing how deep it was.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now