MMTIMH 47

1K 18 2
                                    

Vector's POV 

Nakahandusay lang si Theta sa sahig nang makita niyang nabaril si Prime. Pati ako rin ay nagulat sa ginawa ni Lemon.

"Ano Vector?! gusto mo rin bang magaya kay Prime?!" Naghihisterikal na sabi ni Lemon habang hawak-hawak parin ang baril.

Tinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko. Lumapit ako sa kanya nang dahan-dahan.

"Nandito na ako Lemon. Pakawalan mo na si Theta please, nagmamakaawa ako." sabi ko kay Lemon.

"Oo, nandito ka pero hindi para sa akin kundi para sa babaeng iyan!" sigaw ni Lemon habang itinuon ang baril sa direksyon kung saan nakahandusay na walang malay si Theta.

"Lemon please! ako lang naman ang gusto hindi ba? Kaya parang-awa mo na Lemon pakawalan mo na si Theta. Wala siyang kasalanan dito" Pagmamakaawa ko

"Siya ang may kasalanan sa lahat nang nangyayari! Kung hindi siya bumalik dito sa Pilipinas, hindi sana kayo magkikita ulit! Hindi sana tayo maghihiwalay!! Kaya siya at siya lang ang may kasalanan sa lahat!!!" Sigaw ni Lemon habang nakatutuk parin ang baril sa direksiyon ni Theta.

Kailangan kong pakalmahin si Lemon. Kung hindi ay baka pati si Theta mabaril niya. Ayokong mawala si Theta sa akin, God knows how much I love Theta at hindi ko na kakayanin kung mawala ulit si Theta. Lumapit ako nang dahan-dahan kay Lemon habang patuloy parin siyang pinpakalma.

"Lemon please, just let Theta go and we will be together again. Just leave her alone. I promise you, I won't leave you ever again." sabi ko habang tumititig sa mga mata ni Lemon.

"You promise?" kalma niyang tanong

"I promise" I said and smiled at her

Ngumiti siya pabalik sa akin pero bigla ring nawala ang mga ngiti niya. Nanginginig sa galit ang mga mata niya.

"Sinungaling." Galit na sabi niya.

"Kilala kita Vector. Lahat gagawin mo para lang masalba si Theta. Ganyan mo siya kamahal na kahit buhay mo ang kapalit gagawin mo parin para lang sa kanya! Pero I'm sorry Vector pero pag may gusto ako, ayokong may kaagaw. Kaya akin ka lang Vector! Akin ka lang!" Sigaw ni Lemon at akmang kakalabitin ang gatilyo.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Lemon kaya sa kisame niya naputok ang baril. Hinawakan ko nang mabuti ang mga kamay ni Lemon nang marinig ko ang mga yabag mula sa labas nang kwarto. Nakita kong nagulat si Lemon sa ingay mula sa labas nang kwarto.

Mabuti nalang ay nakarating na sina Athena dahil kung mahuli pa sila nang dating ay baka kung ano pa ang magagawa ni Lemon.

"Athena! Nandito ako sa loob nang kwarto!" sigaw ko habang hawak-hawak parin si Lemon.

Dahil sa pagka usap ko kay Athena ay hindi ko namalayan si Lemon. Tinapakan niya ang paa ko kaya nabitawan ko siya at agad niyang hinampas ang baril sa ulo ko. Napasigaw ako sa sakit at pagtingin ko kay Lemon ay nagtatangka siyang umalis gamit ang bintana.

"Lemon!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang ulo ko na hinampas ni Lemon. 

"Vector okay ka lang?" tanong ni Athena nang makapasok siya sa loob ng kwarto.

"I'm okay... tumakas si Lemon gamit ang bintana." sabi ko habang hawak-hawak pa rin ang ulo ko.

"Men search the area!" sigaw ni Athena sa mga kasama niya at agad din silang nagsilakad sa labas para hanapin si Lemon.

Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan ni Theta at hinawakan ang kamay niya. 

It's cold

"Athena, please tulungan mo si Prime. Ako nang bahala kay Theta." sabi ko at binuhat na ang walang malay na si Theta.

Lumapit si Athena sa nakahandusay na si Prime.

"He's still breathing, but he lost too much blood we should hurry before it's too late." sabi ni Athena.

Tumawag si Athena ng ambulansya na agad namang dumating. Dinala na nang mga rescuer ang walang malay at duguan na si Prime sa loob ng ambulansya at sa kabilang sasakyan ay pumasok ako dala-dala si Theta.

Nang dumating na kami sa ospital at wala paring malay si Theta at ini-ixamine na ng mga doktor. Si Prime naman ay isinugod na sa emergency room.

"Please, take care of her. She's pregnant." sabi ko sa doktor

"We will do our very best. Excuse me." sabi nang doktor at bumalik na sa pag-examine kay Theta.

"Theta, anak... Vector nasaan ang anak ko?  Okay lang ba siya?" sunod-sunod na tanong nang mama ni Theta.

"Ini-examine na po siya nang mga doktor tita. They are doing their best to save Theta and our baby." Sabi ko sa kanya.

Hindi naman nagulat si tita sa sinabi ko tungkol sa pagbubuntis ni Theta.

"Sana ay nasa mabuting kalagayan lang sila nang apo ko." malungkot na sabi ni tita.

 

Ilang oras pa ang lumipas ay naghihintay parin kami sa resulta ng mga test ni Theta. Nakatayo lang kami at tahimik na naghihintay nang biglang lumabas ang doktor.


"Doc, kamusta po ang si Theta? Ang baby namin? ligtas na po ba siya?" sunod-sunod na tanong ko sa doktor.

"As of now po ay nasa stable naman po ang pasyente, hindi naman po masyadong kritikal ang kondisyion niya. Kelangan niya lang nang pahinga dahil sa bugbug na natamo niya at dahil sa trauma na nangyari sa kanya." Page-explain nang doktor

"Ang baby po namin doc?" Kinakabahan kong tanong

"Wag po kayong mag-alala, nasa stable na kalagayan na po silang dalawa nang baby niyo. At pwede niyo na po siya madalaw sa loob, pero baka ilang minuto pa bago siya magising." Sabi nang Doktor at ngumiti.


I sighed a relief. Thank God at ligtas silang pareho. Nagpasalamat na kami sa doktor at pumasok na kami sa loob nang kwarto kung nasaan si Theta. Nakahiga lang siya at mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at hinawakan ang kamay niya.


"Mabuti na lang at matapang ang anak ko." sabi nang mama ni Theta habang nakahawak sa balikat ko.


I just smile back at her. 


Thank you Theta.


Thank you for fighting for your life and for our baby.


Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Theta. This time, I will never going to let go of this hand.


Ever.

**************************************************

The very long wait is over chinggus!!


I'm very very sorry po for not updating...


T.T


Last chapter will be updated soon....


Enjoy the update po.

My Math Teacher Is My Husband (I Fell Inlove with My Math Teacher Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon