Chapter 13

5.2K 197 129
                                    


Kanina pa nakaalis si Lux pero heto ako at nakatulala padin sa kawalan. Sobra akong nagpapasalamat ngayon sa night dress na suot ko at sa hindi pagsuot ng bra. Akalain mo yun, di ko inexpect na mangyayare to!

Hindi lng ako nakapagsuot ng bra pero sobra na yung galit ni Lux! Tangina! Dapat pinapagalitan ko yung sarili ko eh pero heto at tuwang tuwa pa talaga sa nangyare! Pero what if guni guni ko lng yung galit sa mukha niya kanina? Bahala na! Basta kinikilig ako sa nangyare!

"Shuta kanina kapa nakangiti inday! Wag ka ngang assuming diyan! Ako yung tinitingnan nun noh! Pasalamat ka at nakita ko si fafa Lux dahil kung hindi ay baka kanina pa kita hindi pinansin." sabi ni Vico habang inaayos ang mga gamit niya sa guest room.

"Bakit ba kasi hindi ka nagsabi na pupunta ka dito! Akala ko ay prank lng eh." Nakangiti kong sabi.

"At isa pa bakit kasama mo yun? Sino yun? Yuri Serrano? Jowa mo?"

Pinakyuhan niya lng ako na kinatawa ko.

"Hindi moba maalala? Siya yung nakahalikan mo sa bar nung time na sobra kang lasing!"

Tinaasan ko lng siya ng kilay. I can't remember kissing someone except for Lux! Omg kung totoo nga iyon ay bakit hindi man lng ako pinigilan ni Vico! Tangina all this time ay akala ko ay may nangyare sakanila ni Yuri sa motel, and akala ko ay jowa niya din.

Fvck! I kissed someone! Ahh i'm sorry Lux! Pero baka nga ay nagkiss din sila ni Gracia eh! Wag naman sana.

"Bakit mo sinama gaga? Anong gagawin niyan dito?" nakataas kilay kong tanong dahil sino namang baliw ang sasama papunta dito sa Pilipinas ng dahil sa isang halik.

"Hmm he will help you! Para makuha mo ulit si Lux!" nakangisi niyang sagot at kinindatan ako.

Tama ba ang narinig ko? No! I will not do it! Hindi ako gagamit ng kahit sino para maging kami ulit ni Lux. It's not a good thing to do. Kaya tiningnan ko lng ng masama si Vico at umiling na hindi ko iyon gagawin.

Hindi naman ako ganun kadesperada na gawin iyon at baka ay makasakit pa ako ng ibang tao. Minsan talaga tong si Vico parang ewan ang mga naiisip eh! Jusko pabalikin na dapat yan si Yuri sa New York at baka ay anong isipin ni Lux.

"Wag mong patitirahin yan si Yuri dito, Vico. Hindi siya kilala ng parents ko at isa pa ay hindi ko naman siya kaclose! Bakit ba kasi isinama sama mopa iyan? Baka ikaw lng naman ang may gustong isama iyan eh!" panunuya ko sakaniya dahil mukhang type nito si Yuri.

At ang gaga ay umakto lng na parang nasusuka.

"Over my dead sexy body duh! Sige papaalisin kona lng siya pero kawawa naman eh! Tingnan mo ang gwapo pa naman tapos ipagtatabuyan mo lng!" aniya at ngumuso.

"Wala akong pake kung gwapo siya or hindi! Kung gusto mo ay samahan mo bumalik papuntang New York!" sabi ko at lumabas na.

Nakakastress! Linggo ngayon, dapat ay pupunta ako ng Mall or kahit saan dahil bukas na ang start ng trabaho ko. Hindi pa nga nagsisimula ang trabaho ko pero heto ako at stress na agad dahil sa mga nangyayare.

Pumunta na lng muna ako sa kwarto at tiningnan ang paper bag na ibinigay saakin ni Lux kanina.

Ano ba yan! Buti na lng at kahit stress na ako ay di kopa din maiwasang hindi kiligin sa nangyare kanina.

Napapangiti na lng ako habang tinitingnan ang band aid, betadine, at iba pang panggamot sa sugat. Tangina meron kami nito sa bahay syempre lahat naman siguro ng bahay ay meron nito diba. Bakit pa siya nagdala nito?

Ang sabihin niya lng ay gusto niya akong makita! Haynako ang feelingera ko talaga kahit kailan pero di ko naman maiwasang umasa. Lux still cares for me! I can feel it!

Humiga ako sa kama at nagpagulong gulong. Muntik na akong sumigaw ng bigla akong napatakip sa bibig ko. Baka ay asarin pa ako ni Vico pag narinig niya ang sigaw ko.

Habang nakatingin ako sa kisame ay may epal na kumatok.

"Bakit?" inis kong tanong dahil nagmomoment pa nga ako dito tapos may epal na kakatok. Pag ito si Yuri nako!

Pagkabukas ko ng pintuan ay mas lalo akong nabwiset sa mga pagmumukha na bumungad saakin. Tangina ano na naman ba ang ginagawa nila dito?

Nagulat ako ng makita si Demi habang nakangiti saakin. Mabuti kung si Demi lng ang bisita eh! Bakit lahat sila? Bakit pati si Lux ay nandito? Mabuti na lng talaga at nakapagpalit na ako ng damit.

Tiningnan ko siya at hindi naman siya nakatingin kaya ayos lng. Busy siyang suyudin ang bahay namin! Namiss moba ang bahay namin or ako?

"Hi Sabby! So, bukas na pala ang first day mo kaya naisipan naming na pumunta dito para magcelebrate!" excited niyang sabi at ipinakita ang mga pagkain na dala niya. May alak din na kasama iyon! Don't tell me dito sila iinom sa bahay? Tapos anong mangyayare after? Ako yung paglilinisin nila ng kalat nila? Tangina.

Nag aalangan ako kung papayag ba ako or hindi pero dahil mabait ako ay pumayag na lng ako at nagdesisyon na sa ktv room na uminom dahil gusto daw nilang kumanta. Syempre ngayon lng naman ito dahil nandito si Lux at Demi! Nakakahiya naman tumanggi.

Nagpiprepare na kami sa ktv room nung mga pagkain nung biglang umeksena si Vico. Ay oo nga pala! Nandito pala ang isang to! What should I do? Nandito din si Yuri! Shit!

"What the hell is happening here? Omg may inuman na magaganap tas hindi ako invited? Grabe kana talaga Sabrina Wane! I hate you!" galit na sabi ni Vico at tinarayan ako.

Natawa na lng ako at nilapitan siya.

"Guys, this is Vico! He's my only one friend in New York! And i'm really grateful for having him, so be nice to him ok." sabi ko at nagflying kiss pa kay Vico sabay kindat.

Agad nilang dinaluhan si Vico at ang bakla ay tuawang tuwa naman.

Hinanap ko si Lux at napansin na wala siya roon. Ngayon ko lng din napansin na wala pala si Pierre, Ivan, at Louver. Masiyadong mga busy sa trabaho nila. Hindi ko alam kung may mga lovelife naba ang mga iyon or kung sakali man na wala pa ay alam kong marami naman na kalandian ang mga iyon except kay Pierre na serious type.

Habang busy kaming mag ayos at magkatuwaan ay nataranta kami ng may marinig na sigaw galing sa labas. Sa sobrang lakas ng sigaw ay nakaabot pati dito sa second floor ng bahay. Jusko sino ba yung sumigaw? At ano bang nangyayare at parang may gulong nangyayare?

Lahat kami ay bumaba dahil mga chismosa at chismoso kami. Paunahan pa talaga yung iba makababa eh kaya nakakainis lng. Nung tingnan naming kung anong nangyare ay nagulat ako sa naabutan.

What the heck? Bakit sila nagsusuntukan dito? Shit duguan na ang mukha ni Yuri habang si Lux ay gigil na gigil habang hawak hawak ang collar ng polo ni Yuri.

End of Chapter 13~

Thank you for waiting!

Lovelots<3

Still In love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon