"What is beautiful in life?" Sir Martin
"Yun ba yung gigising ka sa umaga ng masaya? Kakain kasama ang buong pamilya? Makikipagtawanan sa mga tropa? And so on."
Hmm? Ano nga ba?
"Yes, Miss Emmanuelle?"
"Sir, paano nga ba malalaman na maganda na ang buhay mo? Kapag masaya ka lang ba?" tanong ko.
"What do you think? Miss Emmanuelle, doon lang ba nasusukat ang tunay na buhay? For example masaya ka ngayon, the question is hanggang kailan? Kapag maganda ba ang buhay, palaging masaya?"
Naalala ko nanaman ang topic namin kanina sa VAL, ano nga ba?
Kahit ako hindi ko alam yung sagot, kasi paano ko nga ba malalaman kung ganito ang buhay ko?
Ano bang magandang nangyari sa buhay ko? Naging masaya ba talaga ko sa loob ng 19 na taon? Bakit ba palaging umiikot sa "masaya"? Hindi ba pwedeng sakto lang? Yung tama lang? Yung tipong makakaramdam ka ng lungkot at saya?
"Raaacqueeeel! Bumaba ka na jan kakain na!" sigaw ni mama sa baba.
"Opo ma! Bababa na!" sagot ko.
Ako nga pala si Racquelita Jin Emmanuelle, 19 year-old na ako at first year college sa IC** meron akong dalawang kapatid, panganay ako.
Ang mama ko ay isang supervisor sa isang resto bar sa ibang bansa, ang papa ko naman ay rumaraket lang sa mommy lola ko, kumbaga nagca-catering siya since nagresign na siya sa trabaho bilang chef doon sa binondo.
At kaming tatlo naman magkakapatid naiiwan sa lola namin, kasama ang isa kong tito at mga pinsan.
Lola na namin ang nag-alaga samin since baby palang kami, kumbaga lumaki kami sa lola namim since palaging busy ang mama at papa namin sa trabaho.
At siempre bilang panganay ako ang tumitingin sa dalawa kong kapatid, nagbabantay sa kanila at nagu-update kila mama at papa sa mga nangyayari dito sa bahay kapag wala sila.
"Nak, kumain ka ng marami may adobo dito niluto ko, tawagin mo na rin sila Lilian at Xyline kanina ko pa tinatawag puro kayo mga cellphone." sabi ni mama.
"Eh ma, wala naman kasi kaming gagawin eh, ayaw naman namin lumabas dahil mainit, ay ma si papa pala asaan?" bakit wala si papa?
"Nandoon kila mommy lola mo, may catering sila ngayon baka bukas na yun makauwi."
"Kaya pala ikaw nagluto ma, tignan mo parang sinigang nanaman yung adobo mo. Halos malunod na yung manok sa dami ng sabaw mo ma" sabi ko. Eh mukhang sinigang naman talaga.
"Hayaan mo na! Kumain na kayo jan, naaaay! Kain na!"
"Bakit naman ganito ang adobo? Parang binuhos mo ata lahat ng toyo at suka ha?" sabi ni nanay, yung lola namin na nag-alaga samin since birth.
"Eh, hayaan niyo na masarap naman." sabi naman ni mama habang nagsasandok na.
"Eto naman kasing anak mo, pinag-aral mo ng BSHM pero walang alam sa pagluluto! Sayang lang yung pera na ginagastos para sa batang yan, wala naman atang natututunan!" sabi ni nanay, at siempre ako nanaman ang nakita niya.
BSHM kasi ang course ko, pero hanggang ngayon di parin ako bihasa sa pagluluto. Ewan ko ba! Wala naman sa utak ko ang magluto eh, atsaka ginusto naman nila yon para sakin, ang gusto ko naman talaga mag-architect eh, sila lang tong may ayaw.
Pero marunong naman akong magbake no! Doon kasi walang tumatalsik na mantika, isa na rin pala sa mga dahilan kung bakit ayaw ko magluto ay ayoko sa mantika. Takot ako kapag tumatalsik habang nagluluto. Masakit kaya.
"Hayaan mo na, atleast marunong magbake si Racquelita" sabi naman ni mama kay nanay.
Buti nalang talaga andito si mama, kung wala talaga hays pero bakasyon lang si mama ngayon. Mga 3-4 months lang ata siya dito tapos babalik na ulit siya sa work niya. Hindi kasi pwedeng matagal siyang mawala dahil supervisor siya, kailangan siya sa trabaho niya.
Natapos na kaming kumain, at ako? Eto nasa kwarto, nagta-type ng buhay ko at shina-share ko sainyo ngayon.
7:30 na ng gabi, buti nalang talaga at yung kapatid ko ang naka-toka ngayon para maghugas, makakapagpahinga ako ngayon. At siempre makakaiwas narin siguro ako sa mga masasakit na salita sakin ng lola ko. HAHA
Masasanay rin siguro ako. *smile*
--
A/N:
Yosh minna! Obviously this is my new story, after so many years! Joke! HAHA sa wakas! Nagkaroon ulit ako ng time para makagawa ng bagong istorya, I hope! I hope na magustuhan niyo, at suportahan niyo ang story na to.
At gusto ko lang po malaman niyo na hindi lang ito umiikot sa pamilya, madaanan rin niyo about love, friendship, fake people, lahat lahat na! Kaya keep reading.
Follow me, Miss_Racky read, votes at magcomment narin kayo kung may mga itatanong kayo sa mga susunod na kabanata.
Arigatouu minna! Hello there sa mga otakus jan! May story tayo sa mga susunod na kabanata, HAHAHA lol.
