Mabilis kong ni lock ang pinto at lumapit sa aking salamin. Tinanggal ko ang pony ng aking buhok at sinuklay iyon.




Hindi tulad ng dati na hanggang puwet ko na ang aking buhok, ngayon ay hanggang dibdib nalang.



Pagkatapos kong ayusin ang aking buhok ay tiningnan ko ang aking mukha, baka mamaya masyado pala ang eye bags ko.



Hindi naman kaya hindi na rin ako nag lagay ng cream. Tiningnan ko ang kabuuan ko. Mataba na ako, hindi ganoon kataba kaya lang malayong malayo na talaga ako sa dating itsura ko.



Lumapit ako sa aking tukador kinuha ang puting dress na pang buntis. It stop before my feet kaya balot na balot ako rito.



Pagkatapos kong mag bihis ay lumapit na ako sa pintuan. Hinawakan ko ang doorknob at huminga muna ng malalim bago iyon binuksan.






Nang makalabas ako ay nakita ko si manang na may dalang meryenda, para siguro sa kaniya. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa sala at narinig ko nalang na nagkukuwentuhan na pala ang tatlo.



Mas lalo akong kinabahan kaya agad kong kinuha ang cellphone ko. Ramdam ko na rin ngayon ang tingin sa akin ni Dark.



Tiningnan ko si Kiara na malungkot akong tinitingnan. Binalik ko ang tingin kay Dark na mukhang iritado na naman ang mukha.




Sa palagay ko ay sinumbatan niya si Kiara ngayon, base sa mga itsura nila. "Mamaya nalang tayo mag usap." sabi ko at tipid na ngumiti sa dalawa, bago patayin ang tawag.



Lumingon ako kay Inday at manang Soleil na pinagmamasdan kaming dalawa ngayon. "Hindi ko alam na...kilala mo pala itong alaga ng kapatid ko." salita ni manang na siyang ikinagulat ko.




"Matagal na naninilbihan sa mga Rivera ang kapatid kong si Soleng, kilala mo siya?" walang emosyong tanong sa akin ni manang. Tumango lamang ako.



"Sige. Nandoon lang kami, tumawag lang kayo kapag may kailangan." ani nito bago hinila si Inday na halos maglaway sa kakatingin kay Dark.



Nang maiwan kami ni Dark ay hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung saan mag sisimula o kung ako ba dapat ang mag simula.



"What's your reason?" I flinch when he suddenly talk. Ayaw ko sa ganitong epekto niya sa akin, hindi ako handa kapag siya ang kasama ko.



"Ha?" parang tangang ani ko. Umupo ako sa katapat niyang upuan. "Anong rason mo?" napapikit siya bago ituloy ang mga salita.



"Bakit mo ako iniwan?" nang masabi na niya biglang kumirot ang aking puso. Suminghap ako at umayos ng tindig. Hindi ko hahayaan na makita niyang masyado akong naapektuhan sa mga salita niya.



"Speak, Zyreen. I'm waiting." mariing sabi niya. His perfect face is directly looking at me. His eyes that are full of mysteries na kahit kailan ay madali mo namang nakikita, pero pilit niyang tinatago.




"Hindi mo ba talaga alam?" puno ng sarkasmo ang nasa boses ko. Kumunot ang noo niya, his sharp jaw clench infront of me.




"Explain, Zyreen. I can't understand you." nahimigan ko na ang iritasyon sa kanyang boses. Pinahid ko ang namumuong luha sa aking mga mata.




And when I did that, I knew that I fucked up. Again infront of him. "Remember the day when I texted you, to come meet me at the park?" matapang kong salita.



Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Место, где живут истории. Откройте их для себя