WAVE TWENTY-FOUR

3.8K 101 16
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY-FOUR






Nakatingin lang ako sa babaeng pumapasok na ngayon sa loob ng restaurant. So pati itong restaurant na ito ay pag aari rin ng mga Rivera?







Bumaling ako kay Dark na kanina pa pala nakatingin sa akin. “You look good on that dress.” komento niya, gustong magwala ng aking puso pero syempre hindi ko pinahalata.







Matibay yata 'to.








“Paano mo nalaman na nandito ako?” malamig na tanong ko sa kanya. Humalukipkip siya at sumandal sa kanyang kotse.







“I have my ways Zyreen. And I won't tell you because it's my darkest secret.” sabi niya, hindi inilalayo ang tingin sa akin.






Darkest secret, pauso.








“Bahala ka na nga diyan.” sabi ko at akmang maglalakad palayo pero nahuli niya ang braso ko.







“Sa kotse ko, ihahatid na kita.” sabi niya. “Huwag na, kaya ko naman mag taxi.” sabi ko pero hindi niya ako binibitawan.







“It's late Zyreen. Hindi mo alam ang takbo ng utak ng mga tao.” sabi niya. Kinuha ko ang braso sa kanya at humalukipkip.







“Ang gulo mo, nakakainis ka na.” seryosong sabi ko sa kanya. Tumaas naman ang mga kilay niya sa pagtataka.






“What did I do?” inosente tanong niya pa. I rolled my eyes. “Noong isang araw na magkita tayo! Kasama mo si Remedy! Hindi ba't iyon ang pinakamatagal mong naging girlfriend? Ano? Nagkabalikan na kayo?” lumapit ako sa kanya at dinuro duro siya sa dibdib niya.







“Okay na sa akin 'yon e! Wala ng kaso! Bahala ka kung sino ang gusto mong balikan o i-date! Wala na akong pake! Kaya lang...bakit nandito ka ngayon? Ha!? Hindi ba magagalit 'yang girlfriend mo!? Ako kasi ayaw ko nang nadadawit sa relasyon ng iba! Ayaw kong mag mukhang kontrabida—” napatigil ako sa biglaan niyang pag hila sa akin.







“My baby is jealous.” halos manghina ako sa pagtawag niyang iyon pero nilabanan ko. Hindi pwedeng basta basta na lamang akong bumigay!








Lumayo ako sa kanya at tinulak ang dibdib niya. “Layuan mo nga ako Dark!” ani ko pero ngumisi lang siya.







“You know that I'm not going to do that, do you?” napatikhim ako. “Bakit hindi? Bakit hindi ka lalayo?” tanong ko sa kanya, malapit na talaga akong mapuno.






“Because I love you? I'm inlove with you? At talagang hindi ako titigil lalo na't na angkin na kita.” sabi niya.








Halos pamulahan na ako ng mukha sa sinabi niyang iyon. Ipaalala ba naman ang isang araw na pagkakamali ko sa buhay.








“Okay, let me explain everything to you.” hinawakan niya ako sa magkabilang siko at tinitigan ako sa mga mata.






“Andra and I are already done years ago. If you're thinking bakit kami magkasama noong isang araw it's just because of business at nag kataon lang na nagutom kami kaya dumaan kami sa mall.” I was about to speak pero naunahan na niya ako.








“At bakit kami nasa bilihan ng damit? Nag aya siya. Sinamahan ko lang.” at mukhang naisip niya na rin ang nasa isip ko.







Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now