"Ang sama talaga ni Kuya Magnus. Nasugatan tuloy ang napakagwapo kong mukha" reklamo ni Kuya Peter ng makaupo na siya ng maayos at tinatanggal na ang mga dahon na dumikit sa damit niya at mukha.

Nanatili pa kami doon ng ilang saglit bago kami sumaan sa puntod ni Dj at umuwi narin dahil mag gagabi na.

Mag-isa na lang ako sa bahay dahil umalis lahat ng mga Kuya ko dahil may mga emergencies daw sila, at sina yung limang itlog naman ay makikiparty na naman daw ulit.

Naglalaro kami ni Kachin ngayon sa may pool area. Pero lutang ang isip ko dahil sa nakita at nalaman ko kanina. Hindi ko inaasahang myembro din pala ng Empire si Grey. Kaya pala kilala siya ni Kuya.

May simbolo ang Empire, depende na lang sa'yo kung ipapatatto mo o accessories tulad ng singsing, kwintas, hikaw o keychain. Pero dapat ay ikaw lang ang hahawak nito at bawal hawakan ng iba. Kaya mahirap pag pinagawa mong accessories, dahil pag nakita itong hawak ng iba ay may karampatang parusa ang ipapataw sa'yo. Kaya karamihan ay pinapatattoo nalang ito.


Ang simbolo ng empire ay simple lang kung titignan, ngunit may kahulugan ito. Empire ang tawag sa organisasyon dahil magkatunog ito sa unang naisip nina daddy na 'M' fire o Montreal's fire. Ito ang magsisilbing apoy na tutupok sa sino mang magtatangkang kalabanin ang pamilya namin. Binuo nina Daddy ang Empire nung dalawang taon pa lamang ako. Isang taon ang nakakalipas noon nung mawala si lolo at lola na parehong namatay dahil sa aksidenteng ginawa ng mga Dela Cuesta.


Kung pagmamasdan ang simbolo ay parang dalawang tao na magkahawak kamay ngunit magkaibang direksyon ang tinutungo nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung pagmamasdan ang simbolo ay parang dalawang tao na magkahawak kamay ngunit magkaibang direksyon ang tinutungo nito. Parang sina lolo at lola na galing sa magkalabang pamilya na pinagbuklod ng apoy na pumapagitan sa kanila dahil sa gulo na galing pa sa mga lolo nila.

Kaya nung magpakasal sina lolo at lola ng di lingid sa kaalaman ng kani-kanilang pamilya ay pareho silang itinakwil. Kaya nanirahan sila dito sa Florencia at dito nagsimula ng bagong buhay, malayo sa gulo ng kanilang pamilya. Parang teleserye ang kanilang kwento, kahit ako ay namamangha sa tuwing kinukwento ito sa'kin nina tito Gabriel at Tito Francis. Nakakamangha kung paanong sila nagsimula sa wala hanggang sa kung ano'ng meron kami ngayon.

Bumalik ako sa wisyo dahil biglang pagtunog ng cellphone ko. Nasa paanan ko na pala si Kachin at nagpapaikot ikot dito habang nasa bibig ang maliit na bola na tinapon kp kanina para kunin niya.

"O?" Sagot ko sa tawag.

Ano kayang kailangan nito at tumawag pa? Wag niyang sabihing hindi nila nadala ang wallet nila dahil babatukan ko talaga sila isa-isa.

"Adi, where are you?" Maingay doon dahil sa malakad na tugtog, pero halata parin ang pagiging seryoso ng boses ni Kuya Josh.

"Sa bahay malamang. Why?" Tamad na tanong ko bago ako yumuko para kunin si Kachin at pinaupo sa lap ko.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now