Chapter 06: New Comrades or Friends?

439 92 67
                                    

“You can’t do that to us. We’re not infected!” malakas na sigaw ng isang lalaking may itim na hikaw habang mahigpit na nakahawak sa nanginginig na kamay ng kaniyang kasintahan.

Ito ang nadatnang eksena nina Schedel sa back gate ng paaralan. Isang bus ang nasa harapan ngayon at puno na ito ng mga estudyante, habang ang dalawang estudyante ay nanatiling nasa labas ng bus.

Ang iba ay hindi na alam kung saan tatakbo dahil sa mga zombie. Isinaksak ni Wart ang hawak niyang handle na may kutsilyo sa puso ng zombie kaya napasigaw ang mga estudyante sa ginawa niya.

Kahit saan tumingin si Wart ay may mga zombie na palapit sa kanila. “Ang tagal ni Felis.” May kaunting inip ang nakaukit sa boses nito.

Patuloy pa rin sa pagngawa ang mga estudyante sa pagtutol nila sa ibang gustong sumakay.

“Kahit ang girlfriend ko na lang,” nakikiusap na sabing muli ng lalaki, “May lagnat siya kaya dapat siyang pumunta sa Safe Zone.”

Mas lalo namang lumakas ang pagpoprotesta ng mga estudyante.

“May lagnat? Infected ’yan! Dito lang kayo sa Neutral Zone,” sigaw ng isang babae kaya nakikigaya na rin ang iba.

Umiiling na tumutol ang lalaki. “May lagnat na siya bago pa man magka-outbreak.”

“Infected pa rin ’yan!”

“Sumakay ka na, Trix, iwan mo na ang girlfriend mo!” yaya ng isang babaeng may napakaputing mukha na hindi pantay sa kulay ng kaniyang leeg. Siya ay nakadungaw sa bintana ng bus habang nasusukang nakatingin sa mga zombie.

“Trix, sumakay ka na,” bulong ng girlfriend ni Trix sa kaniya habang nakangiti pa ito.

“No! Hindi kita iiwan dito, Fe,” matigas na sabi ni Trix at saka pinisil ang kamay ni Fe. “Sabay natin itong haharapin.”

“Pasakayin n’yo na sila. Wala namang kinalaman ang lagnat sa outbreak,” sabat ni Wart kaya naagaw ang atensiyon ng mga ito.

“Professor Chavez!” halos sabay na bati ng mga estudyante.

“Pasakayin n’yo na sila,” utos ni Wart pero tinaasan lang siya ng kilay ng isang estudyanteng babae na nakaharang sa pinto ng bus.

“No! Si Trix lang ang puwede,” maarteng usal nito sa kanila kaya napakunot ang noo ni Wart dahil naiirita siya sa inaasta ng estudyante hanggang sa sunod-sunod na ang mga reklamo.

“Mga walang modong estudyante!” inis na sigaw ni Wart sa kanila kaya napatahimik ang mga ito at ang iba ay napaismid na lang.

“Kayo? Sasakay ba kayo?” tanong ng driver sa kanila.

“Saan ba kayo pupunta?” tanong ni Schedel sa driver.

“Sa Safe Zone, marami ang nakaligtas na nandoon dahil wala nang silbi itong Neutral Zone,” sagot nito kaya napalingon si Schedel sa mga kasamahan at lahat sila ay umiling.

“Hindi ko iiwan si Felis,” matigas na sabi ni Wart kaya napatingin ulit si Schedel sa driver.

“Sorry pero may hinihintay pa kami. We’re a team,” nakangiting sabi ni Schedel at saka inangat ang kaniyang hintuturo kaya napailing ang tatlo niyang kasamahan dahil alam na nila kung ano na naman ang sasabihin nito.

“Isa sa mga quote ni Trio Garces sa kuwentong We Meet Again ay nagsasabing wala akong pakialam sa mga kalaban, basta’t may marami akong kasama—” napahinto si Schedel sa pagsasalita nang tinakpan ni Wart ang bibig niya.

“Tara na,” yaya ni Felis na kararating lang, mugto ang mga mata’t namumula ang ilong.

“Fe—” Napakagat-labi na lang si Wart nang mapagdesisyunang h’wag muna itong istorbohin.

Neutral Zone: AIOE 25✓ [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Where stories live. Discover now