Pero bago pa kami makagawa ng isa pang kilos mabilis na hinagis ni Sir Sev ang Cube. At wala kaming nagawa kundi magulat at mapapanganga ng mabasag ito at inilabas ang multo na nahuli namin 4 weeks ago.

"Ahhh!! SIR SEEV!! BAKIT NIYO PINALABAS ANG HUKLUBAN NA TO!!" Sigaw ni Patrick na siya pinakamalapit sa multo.

All of us were on high alert when Sir Sev releases Gil, the grandfather ghost na galit sa millenial. Nung hinarap namin ang kaso nato napakahirap para sa amin para mahuli si Gil. Hindi dahil sa napakamakapangyarihan niya, pero kundi sa tuwing lalapit kami sa kanya agad niya epupokpok ang baston niyang dala sa amin para hindi kami makalapit.

I could still remember those hits on my head. Unconsciously, napahawak ako sa aking ulo dahil parang naramdaman ko ulit ang bukol na ibinigay niya sa akin. And its not only me who got hits, its all of us. At hindi biro ang binibigay niya na hampas. Makakabukol ka talaga kapag naabutan ka ng baston niya.

And sad to say nararanasan ulit ni Patrick iyon. Dahil siya ang pinakamalapit kay Gil, kaya siya ang madali mapalo nito.

"Aw! Aw! Aray! Aw! Tuloong!" Sigaw ni Patrick habang tumatakbo ngunit di nilulubayan ni Gil.

"Langya ka bata ka! Bakit mo ako kinulong dun! Bakit? Kayo talaga mga kabataan puro kalokohan! Wala na kayong magandang ginawa kundi maging pasaway!!" Sambit ni Gil habang pinaghahampas niya sa baston si Patrick

"Sir Sev, what should we do? We need to put Gil back in the cube." Puno ng pag alala sambit ni Haylee. Nakikita ko na awang awa siya sa kalagayan ni Patrick dahil kay Gil.

"Kye, tapon mo na ang isang dragon ball." Utos ni Sir Sev kay Kye

"Seryoso ka ba talaga dito Sir Sev?" Di makapaniwang tanong ni Kye saka tumingin sa mga jolen na hawak.

"Oo, trust me on this. Tapon mo na yan sa direksyon ni Gil, bago pa maging chocolate hills ulo ni Patrick." Sabay ngisi

Napapailing na lang ako sa sinabi ng magaling namin na teacher. Habang inihagis naman ni Kye ang isang Jolen sa direksyon ni Gil.

And when it hit the floor may usok na lumabas, na naging sanhi ng pag ubo namin panandalian. Pagkatapos nun nakita na lang namin si Gil, nasa loob ng isang net, naka dapa at di makagalaw.

While Patrick ay nasa isang sulok, hinihingal at hawak hawak ang ulo dahil sa natamong hampas ng baston.

"See! Ang galing ng Dragon ball dba?" Biglang sambit ni Sir Sev tsaka tumawa ng nakakaloko.

Lumapit siya agad kay Gil tsaka inihagis ang isang cube para maekulong iyon. Habang ako ay naka awang lang ang bibig at medyo nabigla sa nangyari kaya hindi ako maka react.

"So that 'Dragon Ball' is a net?" Tanong ni Nyle habang inemphasize yung word na Dragon ball gamit ang kamay.

"Yes, its a net . And its come with three various size. Small, medium, and large. And when it comes contact with spirit entity, agad ito maeelectrify kaya di niyo na kailangan gumawa ng paraan para mapagod ang espiritu na huhulihin niyo. For the threads that I use  has a mixture of salt and..something. "

"Something?" Sabay namin sambit

"Basta! Hindi niyo na kailangan malaman dahil too much to discuss. At ayoko magdiscuss ngayon kasi Sunday, so rest day ko as a teacher. Kaya naman wag na kayo masyado magtanong."

"Fine, hindi na kami magtatanong," suko ni Mikko

"Very good! And oh by the way, one time use lang ang mga yan tsaka limited lang ang dragon balls na nagawa ko. Kaya naman kung gagamitin niyo, use it wisely, bawal mag aksaya!" sabay turo sa amin isat isa "Maliwanag!"

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Where stories live. Discover now