"Get ready to meet your new gadgets My beloved Students!" Sigaw ni Sir Sev tsaka sabay kinuha ang takip para ilahad sa amin ang bago namin gagamitin na mga gadgets.

"Woah!" Sabay din namin iyan nasambit ng makita namin ito.

Nakalagay sa cart ang isang blow dryer, contact lens na case ata, tapos tatlong malalaki na jolen

"Sir Sev!" Sambit bigla ni Patrick sabay isa pa ng kanyang kamay. Parang nasa klasroom lang.

"Yes, Patrick."

"Bakit nahalo dito yung blow dryer mo Sir Sev? Nagmamadali ka ba kanina sa pag aayos kaya nandyan yan."

Natawa naman kami sa sinabi ni Patrick, habang sumimangot si Sir Sev at hinagisan siya ng papel na bola.

"Hindi ko yan Blow dryer! Rope Gun niyo yan." Inis na ani ni Sir Sev

"Rope Gun?"

"Yes Gabby,Rope gun. James demonstrate mo nga sa akin Beloved Students kung anong gamit dyan. Tinatamad ako mag explain eh."

Kinuha naman agad ni James ang blow dryer ay este Rope gun, tsaka pumwesto sa amin mountain climbing wall.

Seryoso lang ang itsura ni James habang kami inaabangan ang susunod na mangyari.

Bigla niya inisa ang kanyang braso na may hawak sa blow dryer tsaka pinull ang parang trigger dun.

And BOOM!

Lumabas ang isang metallic na lubid tapos sa dulo ay may grappling hook na agad dumukit sa pader. Tsaka walang kahirap hirap na umaangat si James gamit ang lubid na iyon.

Galing!

Napalakpak naman kami dun, habang si Sir Sev feel na feel ang palakpak namin.

"Thank you! Thank you! I know ang galing ko,"

"Astig nung blow dryer, pwede na papasa bilang gadgets ni James Bond." Komento ni Mikko

"Hindi nga sabi iyon Blow Dry-"

"Sir Sev, ano ang mga jolen na to? Kasali ba to dito?" Singit ni Kye saka hinawakan ang tatlong jolen.

"Oo, naman. At magagamit niyo iyan kapag may gusto kayong mahuli na multo." Ani ni Sir Sev

"Ano ba iyan Sir Sev?" Curious kong tanong habang tinitingnan na din ang Jolen

"Well my dear Student, tinatawag ko ang mga jolen na yan na 'Dragon Ball' dahil kapag ginamit niyo na yan sure akong matatapos niyo na ang misyon. Kung multo ang hinaharap niyo."

"Why? Whats the purpose for this Sir Sev?" Ani ni Nyle

Hindi sinagot ni Sir Sev ang tanong naman at basta na lang ngumiti. Tapos may kinuha siya sa ilalim ng cart. At iyon ay ang cube.

Ang cube ay isa sa gagdets din namin noon na kung saan kapag nanghina na ang multo dito namin ito nilalagay bilang kulungan nila. Para siyang pokeball ang purpose nito. Kaya lang dapat hinang hina na ang espiritu bago namin makulong, kasi kung hindi possible pa sila makakalabas.

"Sir sev, bakit my Cube ka? Anong gagawin mo dyan?" Nagtataka na tanong ni Matrix dito

"Sir Sev, may laman ba ang cube na yan  o wala?" Medyo kinabahan ako ng tinanong ko iyan kay Sir Sev dahil sa mga ngisi niya sa labi.

Hindi pa naman normal iyan magisip ang magaling namin na teacher, kaya naman kinakabahan ako sa possible niyang susunod na gagawin.

Dahan dahan ako umatras, at nakita ko din na sabay kami gumalaw ng mga kaibigan ko.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Where stories live. Discover now