Tres

2 0 0
                                    

"Natulala ka, binibini? Masyado ba akong kaakit-akit sa iyong paningin?"

Napapalakpak nalang ako sa aking narinig. Imagine, ang aking bias na si Kim Taehyung,nagsalita ng deep Filipino words? Pano niya nagawa yun? Amazing!!!

Hindi ko namalayan na papalapit na pala siya saakin. Sobra kasi akong nahypnotize sa kagwapuhan ng lalakeng nasa harap ko ngayon.
Hindi ko na tuloy mapigilan ang sarili ko.

"Okay. Tama na ang prank. Wag kang lalapit!" Pagbabanta ko sakanya habang umaatras ako. Siya naman ay nakapoker face lang habang papalapit saakin. Wahhh ayoko na! It's torturing me!

"I-I know this is just a prank, you k-know. I knew it so please, just...let's end t-this!" natataranta kong saad. Napansin ko naman na bahagyang kumunot ang noo niya na parang di na-gets yung sinasabi ko.

"Ano ang iyong tinuran?"

Naguguluhan niyang saad saka tiningnan ang buong ayos ko.
Naconcious naman ako. Wala namang mali ah? Saka maganda naman tong dress na sinukat ko kanina.

"At saka, bakit ganyan ang suot mo? Kitang kita na ang iyong kaluluwa. Ganyan ka na ba kasabik sa akin para ipakita mo ang mga hindi dapat makita ng isang ginoo?Magpalit ka nga." dismayado niyang saad sabay hakbang palayo.

Aray ko naman Oppa ha? Ang sakit kaya ng sinabi niya! Mukha ba akong babaeng kaladkarin? Malay ko ba na OA na pala ang suot ko eh hindi naman talaga.

At saka bakit ba ako nandito in the first place? Pinaglololoko ba nila ako?

Di ko na napigilan ang sarili ko kaya sumigaw ako sa sobrang inis.

"Oh ano ngayon?Hindi ko nga nage-gets kung anong nangyayari, kung prank ba ito or what, tapos ako pa yung masama? Sige na! You win, I lose. Wapakels na kung mapahiya infront of your audiences. Okay na? Happy?"
Dali-dali namang lumapit saakin si ate na kasabwat. Napa-krus pa siya na para bang ang tingin sa akin ay nasapian ng kung ano.

"Susmaryosep! Ano ang nangyayari sa iyo?"
Inilapit niya pa saakin ang kanyang rosary habang nagsasabi ng kung ano na di ko naman ma-gets.

"Tell me ate, nasa prankshow lang tayo di'ba? Kasabwat ka lang din nila di'ba?" Lalapitan ko na sana siya ng biglang may dumating.

"Anong palabas na naman ba ito ha, Kristina?!" mas lalo akong naguluhan ng makita ang mukha ng lalaking ngayon ay papalapit na sa direksyon ko. Di naman ako assuming pero, sa akin siya nakatingin eh. At ang mas malala pa dyan, kamukha niya si oppa Jin!

Kulang nalang ay patayin niya ako sa sobrang talim ng titig niya. Wait...patay agad??!

"Kim Seokjin?!"

Hindi pa ako makaget-over sa mga nakikita ko ng dumating ang tatlong lalaki na hahangos-hangos.

"Anong nangyayari dito kuya Manuel?"

Napatingin ako sa kanila at kulang nalang ay maglupasay ako dito. Kanina si Kim Taehyung tapos si Kim Seokjin...tapos ngayon?! Sina Min Yoongi, Jung Hoseok,at si Park Jimin?!

Panaginip lang to di'ba?!

Maluha-luha ako sa sobrang happiness na nafi-feel ko at this moment. Di ko naman kasi iniiexpect na makikita ko sila eh.
Hindi ko na kailangang magpakahirap para lang matunton ang South Korea para lang makita sila in person!

"Wahhh Min Yoongi, Jung Hoseok, Park Jimin! Nasa'n si Kim Namjoon tsaka si Jeon Jungkook ha? Mamaya pa ba sila lalabas?!" waahhh iniisip ko palang eh, naeexcite na ako.
Emegerdddd!!! Kinikilig ekeeee!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time Bound⏪🕚Where stories live. Discover now